Year end party kanina ng unica ko.Mabuti na lang at natapos din ang party nila.Hindi nga lang sila nag enjoy masyado wala kasi mga pa games.Sa skul na lang daw pagbalik nila.Ayaw kasi makisama ng panahon buti nakapag sayaw pa sila.Tangkad na talaga ng anak ko nakakuha din solo pics.Na late na kasi kami ng punta sanay ako ng maaga hihi.Yung food nila jolibee nung pagka bigay lang sa kanila nun umambon na ulit kaya uwian na lang kami.
22 comments
Ang cucute naman nila sis. 🥰
Salamat sis yung nasa gitna anak ko simple lang outfit niya diyan.
Ay sayang sis. Grabe naman ang panahon, ayaw makisama.
Kaya nga sis buti na lang natuloy akala ko nga hindi na sa skul na lang nila at mag echange gift na lang sila.
miss you sis sensya na na busy na sa kabilang kubol 🤣 ang cute nila dyan :)
Ahaha oo nga sis pansin ko ako din pero hindi sa kabila.Dalang ko magpost dun.Salamat sis☺️
Hello mga beautiful good morning:)
Good morning din sayo sis salamat☺️merry christmas in advance baka makalimutan ko pa ahaha
Merry Christmas din sa inyo dyan:)
Salamat sis merry christmas din sis☺️
Geh sis merry christmas again good night:)
Ay pangit ka bonding ng ulan hehe. D man lang nakisama. D tuloy happy ang mga bagets. Ganda mo sis diyan. Cutie ni unica mo.
Panira nga eh!sa cam lang yan sis😅salamuch sana huwag na umulan kukuha pa naman kami 20kls na bigas.Pamasko samin ng mayor.
Ay sanaol may pabigas hehe.
Libre na nga bigas namin sis wala ng bili bili ngayon hanggang january na yan.Ewan ko lang sa paparty ni kapitan kong may pa bigas din.Lugi dito may tindahan ng bigas samin haha
Baka grocery items naman ang kapitan. Para pampasko.
Diko pa alam hindi pa ko naki marites ahaha.Madami nga din pa grocery mayor namin yung mga nakakuha dati sa kaniya pera last year ako kasi tamad pumila😅
Ako din sis tamad ako pumila lalo na c partner. Pero pag pera napila ako haha. Gaya ng ayuda.
Sa ayuda sis si hubby ko ang napila diyan talagang mag tiyaga ka.Dito kasi samin malapit bahay ng bagong mayor.Hindi nawawalan ng tao buti kong wala akong kasamang anak ayaw ko naman iwanan sa kapitbahay namin.
Ay oo nga, syempre priority ang anak natin. Hirap talaga sa politika laging dami tao bahay hehe.
Ganda ng mga ngiti nio sis. Ngiting pasko na
Oo sis ilang araw na lang pasko na merry christmas sis☺️