Christmas party kahapon sa subdivision namin ng mga homeowners.Andaming pa raffle at may may pa certificate pa sa mga naka kompleto ng monthly dues.Meron din pa raffle na cash tag 5 hund.sponsor ng mga konsehal samin.Hindi sinuwerte sa cash nabunot name ko sa pa spaghetti ok nadin to kesa sa wala.Sa 22 alam ko meron pa christmas party dito ng aming kapitan naman madami din yung pa games maghanda na ko para sa mga dadalhin ko sa bring me.Wala man lang ako kadala dala kagabi sayang ng mga pa premyo.Morning guys medyo na busy pero nasilip padin naman dito.
22 comments
Ay ang saya naman kapag ganyan, dito walang ganyan sad haha
Taon taon yan dito samin sis kaya ansaya talaga.
Oo nga sis big or small blessings ehh pag pasalamat natin
Sa dami ng pa raffle swerte padin at may nakuha meron padin kasi walang nakakakuha.
Ang saya sis maraming Christmas party sa inyo, sana swertehen ka sa sunod na malaking prize pero swerte mo rin sis dahil may natanggap ka pa din. Good morning sis
Oo sis last year hindi nabunot pangalan ko ngayon lagi na ko nakakasama sa pa raffle.Hindi nga lang ako nakasali sa stk o samahan ng mga kababaihan sis ansaya din dun.
napa kinggan kita sis parang masaya nga doon, yun lang medyo kapagod pero sulit naman. good evening sis
Galing naman po jan😊
Paganda nga dito sis kasi tama yung pinili ng karamihan dito sa mga hoa officers.
Marami siguro ang natuwa at nakakuha diyan ng pamasko.
Marami sis lagi kasi may bisita samin pag mga ganyang okasyan andiyan mga konsehal kaya napapalaban sa bigay nilang cash.Tsaka madami din mga donors ng pa raffle.
Dito sa amin may Christmas party din mga homeowners, kaya lang ung mga kakilala lang ng mga officers ang inimbita 😂
Ay!bat ganun dapat para sa lahat ng members ng homeowners yan.Palakasan system pala diyan.
True, hinihintay ko ngang may maligaw na invitation para sa amin. Ayun, araw na ng party wala talaga.
Ganyan din dati samin sis buti nga ngayon ok yung mga nakaupo na hoa officers masisipag pati.Yung dati kasi mga pansariling interest ang habol diyan.Kaya natuto mga tao dito.
Mabuti pa po sa lugar ninyo maraming kasiyahan
Gabi gabi nga po may okasyon dito samin sa may court.Waiting pa kami sa pa 25kls na bigay pamimigay ng mayor samin.May mga stub na kami.Malaking tulong na samin yun.
wow.. sana all talaga.
Ayan magdala ka ng madami para makasali sa games haha. Congrats sis. Dami party diyan ah.
Oo sis lumang pera na papel at barya hindi nawawala yan
Happy siguro party nio sis
Oo sis lagi may pa party dito samin kaya ansaya.