read.cash Log in
@Sweetzyle22

Katatapos lang mag prepare nitong uulamin namin mamayang lunch.Alam niyo na kong ano ulam namin mamaya hanggang hapunan na yan para tipid.Umay sa manok at isda kaya mag gulay naman para healthy at humaba ang buhay.Nakabili kasi ng hipon 50php tamang pangsahog lang.Sa sili talaga ko nagulat pagbili ko.Binigay ko kay kuya sampong piso eh may kausap.Naghihintay ako ng sukli yun pala tag sampu na ang isang balot niyan ahaha.Ayan kasi hindi nagtatanong kahiya tuloy😅Pag gulay pa naman ulam hindi nawawala sakin ang sili yan ang nakakagana kasi kumain ng gulay.Sabi ni kuya 800 na daw kasi kilo ng sili ngayon.Sayang hindi ako nakagawa ng chili garlic oil nung mura pa ang sili.Magandang umaga at ingat ang lahat...

41 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.