read.cash Log in

@Zyryn

Joined 21 September 2022 · 301 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Zyryn

Magandang hapon noise fam. Share ko po yong bongavilla na tanim ni mister na ginawa nyang arko. Ang gandang pagmasdan ng mga bulaklak. Nakaka refresh lalo na ngayong summer.

@Zyryn

Good day! End of the month na naman. Kaway kaway sa mga may araw ng sweldohan. Sabi nga nila parang dumadaan lang pero in positive vibes buti may dumadaan. Basta ang mahalaga walang sakit. Usapang merienda naman tayo. Isa sa nakakamiss na merienda ng kapanahunan ng aking kabataan ay ang tinatawag na 'flying saucer'. Ito yong bans na pinalamanan ng giniling tapos inipit sa lagayan.

@Zyryn

Nakakamiss ang tumambay dito. Nakakamiss ang kaingayan. Year 2023 na. Panibagong taon ng pakikibaka kaya go go go lang. Tuesday night na kailangan ng magpahinga para maaga bukas sa pagpprepare sa pagpasok ng mga bata. Goodnight sa lahat noise fam.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Busy na ba ang lahat sa paghihintay ng bagong taon. Mahigit 1 oras na lang panibagong taon na naman ang ating sasalubungin.

@Zyryn

Magandang hapon noise fam. Naging tradisyon na sa opisina na kumain bago mag new year. Dahil holiday na bukas. Wala ng pasok. Samgyup ang naisipang ifoodtrip. Kain po

@Zyryn

Merry Christmas sa lahat. Ang pasko ay sumapit na naman. Tayoy manalangin at magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap.

@Zyryn

Ang hinihintay pag pasko kahit malamig. Ang buko salad. Naggagawa ang biyenan ko panghanda ngayong pasko. Magandang gabi.

@Zyryn

Syempre pag may reunion hindi mawawala ang kainan. Kaya busog much na naman. Maraming menu na naman ang nakahain.

@Zyryn

Magandang hapon noise fam. Halfday lang ang pasok sa opisina kaya maaga na nakauwi. Nagkataon naman na may reunion sa father side ng akong asawa kaya nakaattend ako.

@Zyryn

Magandang hapon. Merienda time. Parang nagutom may siopao na may tokwa pa. Kain po tayo.

@Zyryn

2nd batch ng kainan Christmas Party-branch Spaghetti naman. Sa daming nakikitang pagkain. Di na alam ang kukuhanin. Kain po tayo.

@Zyryn

Magandang hapon noise fam. Ngayon ay Christmas party ng branch na pinapasokan ko kaya food trip na naman to. Katatapos lang magtanghalian. Unang batch ng kain. Mamaya ulit

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Ito ang hinapunan namin kanina. Namiss daw ng kuya ang ginataang lain kaya nagrequest na magluto ang nanay. Syempre wish granted. Kaya karamay ang kapitbahay. Ito ang masarap pag nasa probinsya. Pagginusto na mag gulay kukuha lang sa tabing bahay.

@Zyryn

Good morning good morning ng Tuesday! Full of energy maganda ang gising. Share ko po yong tanim ko na poinsettia ang ganda kasing pagmasdan at pulang pula. Matagal ko ng tanim at ilang taon na ang inabot at ngayon lang sila pumula ng ganito. Blossom in December. Malapit na ang pasko.

@Zyryn

Ito yong isa sa inaantay natin pagpapalapit na ang pasko. Ang giveaway galing sa company. May pagroceries kaya sobrang nakakatuwa. May pang christmas or sa new year kung aabot. Sobrang thankful sa blessings.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Kararating lang namin ng bahay. Galing sa birthdayan. Birthday ng aking hipag kaya ang dami na namang busog. Mukhang sunod sunod na naman ang handaan ngayon.

@Zyryn

Ube tinapay. Malapit na pala magtanghalian kaya lang yong gutom ko di abot ng pangtanghalian...hehehe kaya merienda muna

@Zyryn

Luto ng aking biyenan. Maiba daw naman, lagi kasing kakanin ang niluluto niya try naman daw ng tinapay. Pandesal ang niluto nya wala lang daw bread crumbs. Masarap naman at malambot din para nga lang hindi pandesal siguro dahil may kulang wala ngang bread crumbs kaya walang magaspang.

@Zyryn

Busy ang mga tao sa opisina ngayon. Ngayon palang naglalagay ng christmas decor. Abot na abot pa bago magpasko. Talagang papalapit na ang pasko sabay may music na pang pasko.

@Zyryn

Merienda time. Kain tayo ng crispy tokwa. Ngayon na lang ulit nakabili sa kalapit ng opisina. Masarap at maiinit pa. Kakaiba din yong sauce niya.

@Zyryn

Good morning guys! Holiday ngayon pero may pasok kami sa trabaho. Ang mga junakis naman ay walang pasok kaya hindi busy busyhan ang aking umaga ngayon. Kain muna tayo ng almusal para may lakas sa mga gagawin para sa araw na ito.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Dahil hindi kami nagmerienda sa opisina nitong hapon ang dami kong gutom pagdating ng bahay. Kaya kain muna tayo ng banana cupcake na gawa ng pamangkin ko habang nagluluto pa ng panghapunan.

@Zyryn

Gummy bear. Pasalubong ng bayaw ko para sa mga bata at nakikibata. Nakikuha din ako at nakikain. Tinanong ko sa mga anak ko kung alin ang masarap na flavor ang sabi ay orange pero pagtingin ko ay wala na kaya pala naubos agad.

@Zyryn

Good morning! Maaraw na umaga. Bulaklak para sa inyo. Hindi ko lang alam kung anong tawag sa bulaklak na ito. Nakakatuwa pag sabaysabay na namumulaklak at mapupula.

@Zyryn

Dessert time. Macaroni salad. Ito ang masarap pag may nagbibirthday na kapamilya na kapitbahay pa. Kain po tayo.

@Zyryn

Kain po tayo ng spaghetti. Sabi nga nila mas masarap pag pangat. Pangalawa o pangatlong init. Kain muna habang nagpprepare ng hapunan. Ubusin ang natirang spag.

@Zyryn

Ito yong bake na cake ng aking pamangkin para sa papa niya na nagbirthday kahapon. Bago pa lang sya nagstart na magluto pero para sa akin okey na yong lasa pero yong presentation mukhang kailangan pang iimprove pero binawi sa mga chocolate toppings kaya tuwang tuwa ang mga pinsan pero ang mahalaga naipagluto na ang kanyang papa. Napakasarap sa pakiramdam ng isang magulang na ipagprepare ka ng sarili mong anak ng cake lalo na sa araw na mahalaga sayo.

@Zyryn

Merienda time. Ang hirap mag isip ng memeriendahin. Budget meal daw kaya ang napag kasunduan ay pang masa. Turon at camote fries. Kain po tayo.

@Zyryn

Lunch time na. Ang baon ko ngayon ay ang bigay pa ni kuya. Natira galing sa birthday niya kahapon. Ang nagluto nito ay si mother request kasi ng may birthday. Presenting menudo español parang fiestahan ang dating. Kain po tayo

@Zyryn

Magandang tanghali. Nangapitbahay dahil birthday ng aking brother kaya family bonding. Kumpleto ang cast. Kain po tayo.