Update kay bloody moon🌕 Wala akong nakitang bloody moon dito sa may banda samin.Ayaw pakita sakin.Buti pa dun kina mama kita sa kanila.Ayan nagsend sa gc namin.Maliit nga lang siya pag naka zoom naman eh malabo ahaha.Kaya ito lang ma e share ko dito.Musta naman yung mga nag abang kay bloody moon nakita niyo din ba?Kinukulit pa naman ako ng unica ko labas daw kami para makita si bloody moon.Magandang gabi sa lahat!dinner na po ang lahat diyan...
45 comments
Eto kabababa ko lang galing sa bubong haha. Nag chat ako kay mother sabi ko ipic niya.
Umakyat na nga din ako sa taas namin sis waley talaga nakita ko kanina half moon lang siya.Dati nung andun din ako kina mama kita talaga lagi sa banda sa kanila.Kanya kanya kaming kuha nun.
Ang damot naman ni lunar ayaw magpakita sa lahat haha.
Ito sis mas maganda kuha ng pamangkin ko malaki siya.
Ay ang ganda. Natatakpan kasi dito.
whoaa ganda ng kuha sis😊
Sana all nga sis may magandang kuha ako waley hihi.
ako den sis waley😂 moring sis
Kita Dito sa amin kaya lang di makunan ng camera ko.
Ang hirap din po kahit naka zoom malabo po siya.Yung may magagandang phone po niyan ganda kuha nila niyan.Good eve po!
wow.. ang ganda naman
Lalo na yung nasa comment ko po mate na late kasi ng send pamangkin ko hihi.Kita naman samin sa labas na ngayon kaso di makita sa phone ko haha
kakapasok lng din namin mate , ganda ng blood moon mejo malabo lng dito sa amin kc may ulap ulap
Samin naman po kakakita ko lang ngayon kaso ayaw naman sa phone ko.
Medyo di pa po kita dito now, pero hinihintay ko pa din po hehe
Maulap ba sainyo sis?damot nga ayaw pakita sa phone ko.
Oo sis medyo maulap now dito
Ako wlang makita
Kalalabas ko lang sis nakita ko na anlaki kaso ayaw sa phone ko😅
Dito wla palibhasa maghapon makulimlim
Samin din sis kanina makulimlim kaya pala iba panahon kala mo uulan.Umakyat pa ko sa taas namin diko makita sa baba kasi diko makunan.
Good evening sis,wala naman dito saamin sis hahaha
Hindi po nagpakita sainyo hehe
🥺 I can't see the lunar eclipse because it's raining here.
Buti diyan kita dito sa amin maulap eh
Kina mama yan sis na kuha samin nakita ko naman kaso hindi makunan ng cam ko si blood moon ayaw sakin ahaha.
wow may nshot sis
Sa pamangkin ko yan sis gamit phone ng mama ko.
Pumasok na akung bigo sis. Haha. Pinagfieatahan pa ako ng mga lamok sa labas. May part sa Naga City, na kita ang lunar eclipse.
Ayaw din pakita sayo si blood moon sis ako nga umakyat pa sa taas namin hihi.Maganda kuha ng pamangkin ko yung sa comment ko kay sis sheena.
Parang ilaw na lang sa akin sis kapag i zoom.hehehe
Ganun din sakin sis kaya wala akong kuha na maganda...
Ang mahalaga ay kita sa picture na yan ay buwan at medyo red. Hehe
Mas maganda yung last na sinend sa gc kaso nakapagpost na ko sis ahaha.Nakita din si blood moon...
Sayang naman. Baka pwede post mo din. Hehe
Galing sis nkapg photo shot k ng moon. Good evening
Ahaha hindi yan akin samin yan dun kina mama unang kuha na post ko dito sayang yung sa last sana mas gusto ko pulang pula tlaga siya.
Oks sis
Nasilayan ko rin sis si bloody moon kanina hindi lang din maganda ang kuha ng picture hindi kinaya Ng selpon hehe. Halos lahat yata nag abang sis sa lunar eclipse. Good night sis.
Maliwanag kasi samin sis hindi kaya kunan ng phone nakatapat kasi sa ilaw namin hindi na ko naghanap ng pwesto ahaha.Kaya naghintay na lang ako sa gc namin.Morning sis late na reply nakatulog ng maaga kasi.
Maganda parin naman kuha mo sis kahit malayo ang mahalaga nasilayan natin si lunar eclipse. Ako rin sis hindi naghanap si hubby ang naghanap ng pwesto para makuhanan niya ng picture hehe. Blessed morning sis!
Hindi ko alam friend kung bloody moon ba tonight hindi na kasi ako nkapanood ng balita at puro cartoons nalang anak ko hehe night friend God bless u
Ako naman sis dito ko lang nalaman na may lunar eclipse.Hindi din ako nanonood na ng balita.
dito sis waley akong makita samin🙃
Ayaw pakita sayo sis ahaha excited nga ko pagpost kaya mali mali😂mas nagustuhan ki yung last na sinend ng pamangkin ko.Yung napost ko hindi siya ganun ka red at maliit lang siya.