Milktea and Pizza for Merienda Imbes na lumabas at pumunta ng mall naghanap na lang dito samin ng ma merienda namin tipid pa sa pamasahe.Yun nga lang yung craving kong milktea mumurahin lang ahaha.Keri na yan sa mainit na panahon.Madami naman mabibilhan dito samin naka tipid na pero solve na ang merienda namin.
@Sweetzyle22 in October 2022
Pork Menudo Blessed Sunday Everyone! Musta ang weekend natin diyan?kami bahay lang ulit.Nagluto na lang ako nitong pork menudo.Dati pag may okasyon lang ako nakakakain nito.Ngayon madali na lang lutuin basta may sangkap ka.Naging paborito din kasi ng anak ko to.Siguradong ganado na naman kain niya nito.Hindi nga lang nakain mag-ama ko ng atay kaya sakin mapupunta ang mga yan.At tsaka hindi din ako naglagay ng pasas.Siguradong tatanggalin lang nila yun.Happy lunch po sa…
Ang bait at ang cute nitong puppy na to.Kuha ng anak ko kahapon habang nagpapatila ng ambon.Dala dala yan ng ka zumba namin.Baby na baby niya talaga yan.Napagod na kakakalong at ang bigat na daw.Iniwan muna diyan sa ebike at hindi din sila makauwi wala din dalang payong.Nilalamig na pati yan nakalimutan daw suotan ng damit.Anlaki na kaagad 2mos.pa lang daw yan.May lahi daw yan labrador at chow chow.Tuwang tuwa naman anak ko at nalibang siya diyan kakakuha ng picture at…
Sopas Sinipag magluto ng sopas sakto malamig ang panahon kaya pag kumain ka nito pagpapawisan ka talaga.Magbabaon din nito anak ko kaya hindi ko na lang dadamihan ang sabaw at baka matapon lang sa skul nila.Yung nilagang egg tag-iisa kaming tatlo niyan.Ansarap talaga pag carnation evap ihahalo mong gatas sa sopas mas creamy siya.Oh siya sa gusto takal na lang kayo sa kaldero ahaha.Magandang umaga sa lahat...
Maagang Biyaya mula sa aking bagong ate.Nag birthday siya kahapon.Hindi siya halatang 50 na sa kanyang edad.Yung pagiging masayahin ang isa sa hindi nagpapatanda satin kaya always smile lang palagi.Huwag lang ma sobrahan at baka mapagkamalang baliw ahaha.Super bait niya naging ka team mate ko lang siya sa volleyball at ka zumba nadin.Nagpm siya ng maaga sakin at may ibibigay daw siya.Nahiya naman ako pero syempre biyaya yan kaya tanggapin.Masarap yung menudo at cake na…
May pa free jollibee ang mayor namin dito sa cabuyao.Birthday niya kasi ngayon kaya dinumog ang apat na branch dito samin.Swerte ng mga nakakuha syempre masarap pagka free.Sayang late ko na nakita itong post sa fb page sana naki pila din char!First 500 sa bawat branch ng jollibee.Ansaya ng mga nakakuha ng free niyan bida talaga ang saya pag kay jobee.Musta dito sana nakapag lunch na ang lahat... Screenshot from fb
Good morning everyone! Ready na ang baon ng anak ko sa skul.Mayang quarter to 7 hatid ko na siya sa skul.Malapit lang skul nila at nasa loob lang ng subd.namin.Snack ng anak ko apple,cookies, butterscotch at cimory yogurt.Kailangan laging may fruit kahit paisa isa lang na klase ng prutas.Ayaw na ayaw ng anak ko yung may balat sa apple kaya tinatanggal ko na lang andun pa naman daw sustansiya sa balat ewan kong totoo yun ahaha.Busy nadin ba ang lahat sa pagpasok sa skul at sa…
Sarciadong Dalagang Bukid Nasundo ko na anak ko sa skul kaya pahinga lang saglit at kakain na kami.Akala mo naman pagka layo ng skul nila.Ang init din kasi kaya kala mo nakakapagod maglakad.Mas ok na sakin ang ganitong panahon kesa mainit.Ito ulam namin ngayon sarciadong dalagang bukid.Bihira ako bumili ng ganitong isda pero masarap naman to.Bakit kaya natawag na dalagang bukid to eh nasa dagat ahaha.Happy lunch mga mate...
Oishi with Mayo Ganito ako kumain ng oishi may mayo.Masarap siya mga sis na try niyo nadin ba ganito?Tagal nadin hindi nakain nito bigla lang naisipan kanina pagkatapos kumain para maglakad lakad lang sana para bumaba kinain kaso nakita ko naman sa tindahan to ahaha.Bat hindi na ko naaanghangan dito dati kaya halos hindi ko maubos to.Tindi ko na talaga sa maanghang hehe.Alak na lang kulang sana kaso hindi pala ko nainom na tubig na lang.Madaming tubig at yari kay uti…
Magandang umaga sa lahat! Inom muna energen dahil hindi ako nagkakape.Walang pasok anak ko sa skul ngayon ang celebration sa kanila ng teacher's day.Maaga padin nagising at mag zumba ako sama din daw anak ko.Wala din pati siya kasama sa bahay kaya sama ko na lang din siya.Tara mga sis maki zumba tayo para healthy ang katawan natin.
Kain tayo ng dalandan medyo mahal pa siya ngayon.Natural vitamin c din ito.Ang hilig ko sa ganito dati pag may sipon at ubo ako ito lang kinakain ko.Ayaw ko kasi nag-iinom ng gamot.Dami ko nauubos niyan.Ang ganda ng nabili ko yung makikinis ang balat niya at manipis lang pagka ganun kasi matamis talaga siya.Kaya pag may nakikita akong mkakapal ang balat ayaw ko nun.Hindi na nakapag update sa kabila dito muna ako.Na busy din kasi lalo na at mag umpisa na naman ang pa liga sa…
Maagang papawis kanina... Maligayang araw ng sabado sainyong lahat.Laba day ba ang karamihan dito?ako kahapon naglaba na.Done mag zumba kanina hanggang bukas papawis ko tapos bawi ng kain niyahaha.Hays balewala lang pinggagawa ko pero sa totoo lang konti lang kinakain kong kanin.Bawi kasi sa mga snacks ahaha.Hanapin niyo na lang kong nasan ako diyan.Naligo sa pawis basa lahat pati panty haha.Pinagkukuhanan pala kami video ng anak ko nasa dulo kami niyan.Happy weekend po sa…
Blessed Sunday Everyone! Share ko lang itong pagka gagandang rose ng kapatid ko nasa australia.Namumukadkad sa ganda ng mga roses na yan at ang lalaki pa.Ganda talaga nila sa eyes.Nahilig din kasi sa mga halaman kapatid hindi lang dito pinas nauso ang mga plantito at plantita kundi pati nadin sa ibang bansa.Pagka ganyan bubungad sayo sa umaga nakaka good vibes talaga.
Binutong Every sunday lagi ng may nagtitinda nito samin sa palengke.Ito ay bicol's best delicacy.Kaya lagi na ko nabili nito mas masarap to compare sa ibang suman ma gata kasi siya.Binalot lang sa dahon ng saging yung malagkit na bigas at asin lang pampalasa tsaka yung gata.Suman kong tawagin sa tagalog.Mabuti at may nabibilhan na ko nito kaya hindi ko to pinapalampas tuwing linggo.Natanong ko si tatay kong taga saan siya taga tobaco albay daw siya.Kaya naman pala kasi taga…
10.10 Sale na kay shopee.Papabudol o nabudol na ba ang iba diyan?Sa mga mahilig mag online shopping at hindi na kailangan lumabas pa.Aga ko nabudol ang daming free shipping kagabi pa lang bago matulog nag claim na ko akala mo na naman andaming oorderin.Nag order lang ako ng blower at need ko yun hirap magpatuyo ng hair lalo na at ang kapal ng hair ko.Nasira n kasi inorder ko din kay shopee pero antagal din bago nasira.Hindi nadin ako lugi.Matagal ko din kasing nagamit…
Nilagang Saging Merienda tayo ng nilagang saging.Sa totoo lang gusto ko talaga sa nilaga yung hilaw lalo na at may sawsawang ginamos or mantika ng taba na may sili.Ang nangyari ang bilis mahinog ng nabili kong saging.Kahapon ko lang nabili ngayom eh pahinog na agad siya.Kaya ito medyo matamis na siya.Kaya dapat kong bibili lulutuin agad kaso may nabili ako kahapon na binutong kaya yun inuna ko.Ok nadin to kesa sa tinapay ang bigat din sa tiyan.Magandang hapon sa lahat!
Itlog na pula Morning breakfast magkakanin padin pero unti lang at ang ulam ko itlog na pula kasi hindi naman talaga siya maalat.Siyempre may kamatis at kanin.Wala pa yung kanin hehe.Mura lang bili ko diyan sa itlog na pula naka side car kasi nagbebenta niyan nakatigil lang sa may palengke at bagong gawa lang.Meron din balut at penoy kaw na nga lang ang magluluto.Pag sa iba kasi bibilhin yan nasa 14-15 pesos nadin ang isa.Dun tayo sa mura at bago pa.Maligayang araw ng martes…
Hello mga ka noise app. Musta naman dito?sana lahat nakapag lunch na.Akala ko ako lang yung hindi na nakakareceive mula sa generous tipper dito.Kanina bumalik na ulit siya.Kahapon mga 3pm ata yung last na nareceived ko.Salamuch...Ang init tapos kasunod naman nito uulan na naman.Sana naman huwag ng makapasok paparating na bagyo matunaw na lang siya.Ingat po ang lahat...Nap time muna...
Merienda kanina pritong saging na saba.At dahil nahinog na nga saging na nabili ko yan ang masarap na luto maruya.Harina lang kasi available ko dito.Ayaw din naman namin ng banana cue at matamis.Wala din lumpia wrapper kong ano lang avail.yun na lang ginawa ko.Huwag na maghanap ng wala hehe.Sinamahan din namin ng yogurt super busog na kami ng anak ko.Hindi na nga makakakain ng kanin kaya papak lang ng gulay na sayote.Maganda din yun low carb diet. Yung grabe init kanina…
Andiyan na naman mga pusa sa labas ng gate namin mga abangers ng food ahaha.Bale apat yan hindi nahagip yung isang pusa ng cam ko.Isang itim na halos ayaw na umalis samin minsan dito nadin sa balcon namin natutulog,dalawang tricolor at yung gray ang kulay.Lahat sila puspin at lahat lalake dami manliligaw ng babae kong pusa hihi.Pag may napunta daw na mga pusa sa bahay eh swerte ewan ko kong totoo yun sabi sabi lang naman.Ang iba naman sabi mababait daw kasi nakatira sa bahay…
Good morning everyone! Aga ng blessings muling nagbabalik si generous tipper oh!kong sino ka man maraming salamuch sayo...Musta ang lahat?me as usual maaga na naman ang gising.Friday ngayon kaya tara maki zumba tayo mga sissy.Sasabay na sakin anak ko pagpasok niya sa skul.Malapit lang kasi sa court skul nila.Ingat ang lahat...
Selecta Ice Cream May promo sa alfamart ng selecta ice cream buy 1.3L and get 3in1 selecta.Dalawang flavor nga lang cookies & cream at Coffee crumble lang ang pagpipilian.Nasa 299 php din yan malaki.Kaya napabili na ko minsan na lang naman kami mag ice cream at iwas sa malalamig at matatamis na pagkain.Tamang tama ito ngayong mainit ang panahon happy ang bebe loves ko.Ako naman eh tikim lang kawawa😫.Sayang yung pag zumba ko kong ikakain ko niyan hays sarap pa naman.Sarap din…
Rusty Sold Mamimiss ko ang rusty namin.Nabenta ko na siya kinuha nadin kahapon.Yung itsura niya diyan parang ayaw niya pa benta kawawa naman.Ang dumi pa ng ears niya diyan sa sobrang busy ko.Bago naman kinuha siyempre pinaliguan ko at nilinisan ko yung tenga niya.Dapat kasi regular din ang linis ng tenga nila para hindi magkaron ng ear mites.Ang taba din niyan dati kaso namayat sa anak ko na lamog hihi.Pwede pa ko umidlip 8 pa pasok ng anak ko at exam week nila ngayon.Next…
Corned beef w/ Potato Mabilisang lutuan lang kaya nag de lata na lang kanina.Ginisang corned beef na may patatas naman kadalasan kasi itlog nilalagay ko sa corned beef.Mabuti at nagustuhan ng anak ko.Napa chika pagkatapos maghatid sa skul ng anak ko.Kaya now pa lang makakain.Mahirap din pala pag nadami na kakilala.Pag nakasalubong eh chika chika ahaha.Pinag-usapan kasi yung sa gaganaping halloween party ng mga ka zumba.Hindi ko sure kong makakasali ako nun.Sa 29 kasi anak ko…
May bigas na ayuda May padala samin mula sa bicol na isang kabang bigas.At dahil sa mabait si hubby hinatian niya din tita niya.Malaking tipid na samin yan lalo na at sanay sa kanin sa umaga.Mahigit isang buwang kunsumo na namin yan.Kaya ulam na lang ang poproblemahin namin.Bagong ani lang yan at nailagay ko na yung iba sa lagayan ng bigas.Bago ko isalin nililinis ko muna gamit ang bilao.Sabi ng kapitbahay namin marunong daw pala ako gumamit ng bilao ahaha.Sanay naman ako…
Angel Devil Costume Ang ganda sana nito pang sayaw sa halloween party kaso gahol na sa oras overseas pa kasi yan.Sayang kong alam ko lang sinabay ko na sa order ko sa costume ng anak ko.Hindi ko alam na meron din pala kaming halloween party ng zumba movers.Hindi pa naman ako magaling mag diy costume.Pwed naman maghanap sa ukay kulay black at mag make up na lang ng nakakatacute ahaha.Yun nga lang pati mag make up hindi ako magaling.So pano yan balik ako mamaya malapit ko ng…
Maulan na hapon💦 Anlakas ng ulan samin.Kaya ang aga pa lang madilim na.Kawawa mga pauwi nito galing skul at work.Pasma ang mga paa.Bat maulan na naman kaya ngayon anong meron.Hindi kasi ko nanonood na ng balita.Ito ang ayaw ko dito sa subd.Mabilis tumaas ang tubig.Kaya balak namin pag nakahanap ibang haws paupahan na lang namin bahay namin dito.Pagabi na naman kaya asikaso na ng pang hapunan.Ingat po sa mga pauwi...
Taho sa umaga Dumaan ang maglalako ng taho.Ibinili ko anak ko kahit na nasa skul na siya.Ang bilis lalo ng oras pagka ganitong 2hrs exam nila.Maya maya lang magsusundo na naman ako.Dibale last exam na nila bukas.Wala ng pasok nextweek.Yung practical exam naman nila.Hinahayaan ko na lang na mag-isa hindi kagaya ng dati na nirereview ko pa siya.Kaya naman na.Pag-uwi niya may kakainin siyang taho.Gutom na naman yun gawa ng exam kahit na may baon sa skul.Andami din pati binigay…
Chicken Curry https://noise.app/invite/hke1jhnw https://noise.app/Janrich Chicken as always pero hindi adobo at baka magreklamo na anak ko.Paborito ng anak ko yun kaya sa tingin ko hindi siya magsasawa iniba ko na lang na luto.Nung nakaraan ginawa ko naman na sinigang imbes na baboy ginawa kong manok.Mas mura kilo ng manok kasi eh!Nag try ako maglagay nung nabibili sa palengke na curry powder hindi ko siya gusto.Mas bet ko padin yung nabibili sa supermarket mas malasa kasi…
Chicken Curry Chicken as always pero hindi adobo at baka magreklamo na anak ko.Paborito ng anak ko yun kaya sa tingin ko hindi siya magsasawa iniba ko na lang na luto.Nung nakaraan ginawa ko naman na sinigang imbes na baboy ginawa kong manok.Mas mura kilo ng manok kasi.Nag try ako maglagay nung nabibili sa palengke na curry powder hindi ko siya gusto.Mas bet ko padin yung nabibili sa supermarket mas malasa kasi siya pero ginawan ko na lang paraan.Namamaster ko nadin naman…
Good morning everyone! Share ko ulit itong nakuhanan ng kapatid ko sa bakuran nila.Tinamad lang siya nung una kaya sabi ko sa sunod pasahan niya ulit ako ng magagandang rosas.Ngayon may kulay lavender na sobrang rare nito.Ngayon nga lang ako nakakita niyan tsaka yang kulay orange.Yung kulay dilaw ganda din basta lahat sila magaganda basta rosas.Buti pa pala doon sa kanila kahit hindi na bumili ng rosas pipitas na lang sa bakuran hihi.Samantalang dito pinas ang mahal ng per…
Super happy ako today skl,Pagkalabas na pagkalabas ng anak ko ng skul binalita agad sakin na highest siya sa exam.Sinabi sa kanila ng class adviser at sinulat daw sa white board kong sino top3 na naka highest.Nag hulaan pa daw mga kaklase niya sabi ng iba si shy yun anak ng tr.nila sabi naman ng iba si yesha yan yung anak ko.Nung sinulat na daw sa white board gulat anak ko at siya yung first gawa ng may mga perfect exam siya.Bilang isang nanay sobrang natuwa din ako…
Hello sa lahat happy weekends! Natambakan na ko ng babasahin.Pahinga muna after ko mag marinate ng pang pork steak ko.Mabuti yung ganitong luto walang gaanong sangkap.Panay gulay at isda naman kaya need din mag pork para balance.Napagod din sa zumba kanina sobrang hataw na naman ng zin namin.Umpisa pa lang pawisan na agad kami.Namigay din ng bagong tshirt pang zumba sponsor ng aming konsehal.Tambay muna bago magluto maaga pa naman.
Good morning and Have a blessed sunday noise app friends... Aga ng gising ko kanina babangon na sana ako bigla naman umambon.Bigla ako tinamad bumangon at nag announce na hindi tuloy ang zumba.Now pa naman sana namin isusuot bagong sponsor na tshirt namin.Hindi nadin makabalik sa tulog basta nagising na.Kaya ito laruin ko na lang ang makulit na to ang chaba chaba kagigil sobra.Napaka playful pa naman.Hindi talaga pumayag mag-ama ko na ibenta yan kaya ayan natira samin.Maigi…
Happy lunch! Walang kahirap hirap pag gusto kumain padeliver na lang tipid pa sa pamasahe.Dapat kasi lalabas kami ng anak ko kanina.Inabutan na naman ng katamaran.Kunyari restday ko naman ngayon kaya hindi na ko nagluto.Saglit lang kay jobee pag nagpadeliver.Bale ito nadin treat ko sa anak ko sa nakuha niyang highest score sa exam.Gusto niya daw jobee kaya ayan deserve niya naman yan para lalo galingan sa klase.Anliit na ng favorite kong ube cheese pie bitin tuloy bat kasi…
Sopas sa mainit na umaga... Masaya na naman ang bebe ko nito at masarap ang kanyang almusal ngayon ang kanyang paborito.Hindi na nawala sakin ang sopas kesa bumili ako na lang magluluto.Mas masasatisfied kapa sa lasa.Hanggang mamaya pa yan ng anak ko hindi pa siya bitin.Wala lang siyang butter nakalimutan nung mag grocery kami pero ok nadin yan masarap padin yarn.May kasama pang nilagang itlog para matagal magutom.Nag add nadin ng pandesal.Kaya super busog ang agahan ng…
Nilagang saging na saba na may sawsawang bagoong.Sino po nakain ng ganito.Wala lang po akong sili kaya bagoong at kalamansi lang yan.Hindi ko to ipagpapalit sa tinapay.Hindi ako nauumay dito sa saging laga laga lang gawa ko minsan naman prito na may harina.Pinaubaya ko na sa anak ko yung tirang sopas kanina at kulang pa sa kanya yun.Ang lakas kumain kaya gumaganda na katawan niya ngayon.Di bale anak ko manaba huwag lang ako hihi.Pangalawang post pa lang ngayong araw.Sino din…
No pork?no problem eh chicharon muna lang yarn.Pancit bato o pancit bicol para sa almusal namin.Masarap yang pancit kaya kahit anong sahog kering keri.Pass sa kanin at processed foods kaya mag pancit naman.Isang balot na lang tong natitira antagal din maubos samin.Yung isang balot nagagawa ko tatlong lutuan tatlo lang naman kasi kaming nakain.Kain tayo habang mainit pa at may sabaw pa.Mabilis kasi maabsorb sabaw niyan mamaya lang eh waley na.Lalagyan ko din yan ng suka na…
Ito na naman si ulan.Mabuti na lang at wala akong sinundo sa skul.Nakakatamad pa naman lumabas.Ano kaya meron may low pressure na naman ba o bagyo?Huwag naman po sana.Masarap nito matulog pagkatapos kumain.Ang ulam namin ginisang sayote na may itlog at giniling na pork.Napanood ko kay dee dang sa yt pwede pampalit sa kanin yan.Kaya ginagawa ko diyan papak lang din talaga.Yung last photo naman ginataang puso ng saging na may sahog na tulingan.Inabot samin ng kapitbahay namin…
Pasalubong ni hubby kanina dahil sa panggabi siya nag supervise.Dinaanan niya dun kanina sa bilihan ng buko roll.Hindi na daw mahirap bumili doon basta sasabihin mong riders ka.Bumili siya ng dalawang box ng buko roll nagkamali pa ng bigay kasi ang isa dapat niyan ube roll yung bago.Kaya bukas daan ulit siya dun at bibili.Ayaw ng anak ko ng buko roll gusto niya daw yung ube.Kaya ayan ako lang uubos ng mga yan.Sino gusto tumulong sakin sa pag-ubos niyan ng hindi ako nananaba…
Nakakatamad ang panahon makulimlim padin samin.Ok lang sana ganito panahon huwag lang uulan.Kaya ito tamad din kumain ng kanin nag oatmeal na lang at yung buko roll umpisahan ko ng ubusin.Meron ulit akong bago hindi pa nga ubos yung kahapon bibili kasi sana ng ube roll si hubby kaso wala pa daw sobrang aga pa kasi tsaka hindi pa ganun kadami ginagawa nila at bago lang yung ube roll nila.Kaya bumili ulit ng buko roll pasasawain talaga ko ni hubby nito para siguro hindi na ko…
Gumanda din panahon samin nung patanghali na biglang labas si haring araw nahiya lang pala lumabas ng maaga.Tinatamad ata at malamig daw hehe.Ngayon ayan umaliwas din ang kalangitan.Ewan ko lang nito mamaya.Hindi na pala ko nakapaghintay na mag ulam ng tuyo natakam ako sa mga post dito kaninang umaga.Kaya imbes na pork giniling lutuin ko nagluto na lang akong monggo na may chicharon,sotanghon at gulay na ampalaya.Nagprito nadin akong tuyo super busolved tuloy ngayong lunch.
Malamig na ang umaga natin mga mate ramdam na talaga ang papalapit na kapaskuhan.Gustuhin ko man sana magbabad pa sa higaan bumangon na ko at nagluto ng masarap na champorado.Mabuti na lang hindi napanis yung niyog na nabili ko kahapon.Nilagay ko lang siya sa chiller.Dapat kasi kahapon ako magluluto niyan eh tinamad.Kain po tayo nasa last photo yung mga sangkap ko niyan.Andami ko padin malagkit na bigas pamimigay ko na ng kesa masira lang.Sa tablea naman isang lutuan na lang…
Hindi talaga tumigil si hubby na hindi makabili nitong ube roll.Akala mo naglilihi lang eh noh!Siyempre ito ang gusto ng kanyang unica kaya ayan binalikan niya talaga sa bakery.Infairness mas masarap siya pinagsamang ube at buko kaya mas pricey siya.Kaninang umaga bibili pa sana akong pandesal buti ayan may dala siya yan partner namin sa champorado at ngayon may tira pang champorado kaya ayan ulit ang merienda namin.Kain tayo puro kain na lang wala ng diet diet ahaha.
Kong merong snow sa ibang bansa meron din niyan dito sa pinas chariz!Throwback muna tayo ngayon puro foods na lang.Ito yung nag fieldtrip anak ko nursery pa lang siya diyan taong 2018 pa medyo matagal nadin.Nakita ko kasi sa memories kay fb.Sa gingerbread house nga pala yan sa cavite.Second distination na diyan pagkatapos pumunta ng farm animals.Nag design lang naman sila diyan ng malaking tinapay at may premyo kong sino pinaka magaling.After nun ayan pinaranas ng kunyari…
Ito ang aming bagong pampa good vibes.Singer yarn!grabe kong makaiyak oh!Kagabi nanganak kapatid kong bunso na nasa aussie.Salamat naman at nakaraos na.Hindi ako nakatulog kaagad kagabi at hinihintay ko baby niya na makalabas.Nadagdagan na naman ng maganda sa pamilya namin char lang!Sa pangalawang photo ayan kapatid ko nag pictorial sa mga roses.Diyan ko hinihiram mga magagandang roses na pinost ko dito.Hindi din ako nakatulog ng maayos gawa ng nonstop na pag-ulan na may…
Anlamig sa labas kanina nung namalengke ako.Kailangan mamalengke kahit naulan at need ko mag stock ng mga rekado.Namili nadin ako iba pang ulam stock sa ref namin para hindi na ko lalabas.Sinabawang isda para sa maulan at malamig na panahon.Masarap kasi ang may sabaw ngayon at kailangan yung masustansiyang ulam.Nilagay ko lang petchay,kamatis madaming luya,kalamansi at iba pang sangkap ng makahigop ng sabaw anak ko at hindi sipunin.Uso pa naman ngayon ang sipon at…
Nakaligo naba ang lahat?sino gusto mag swimming free lang po samin oh!Ayan na lagay samin ng bagyong paeng pinaramdam na samin ang baha pero sa labas lang ng bahay yan.Wala pa naman sa loob.Si hubby naman ayaw ko na nga papasukin kasi restday niya naman aba'y pumasok padin grabe sa pagkasipag sa trabaho.Nagchat kasi sa kanya manager nila need niya daw pumasok.Mataas naman motor niya kaya gora padin.Nag brownout din samin mabuti at bumalik agad.Ang boring ng walang internet…
Sa wakas nakakuha ng signal.Hays hirap talaga pag brownout simula pa kagabi to.Grabe kasi baha kaya need patayin supply ng kuryente.Ang hirap talaga kanina pa ko naboboring hindi makapag internet.Nag data naman kaso hindi magamit hina ng signal hindi tuloy makapag interact.Salamat naman at safe kami.Si hubby na galing sa work siya pa yung naglinis grabe din pagod niya kanina.Skl,ko lang yung gamit namin kagabi na rechargeable lamp at fan.Mabuti na lang na e charge ko siya…
Yey!may kuryente nadin sa wakas kaloka antagal din bago bumalik.Hirap din ng data at mahina ang net.Kaya now lang ulit nakabalik dito.Makakapag ingay na ulit.Super thanks din sa donations kahit na hindi ako naging active dito eh may narereceived padin ako. May humabol bago mag december madadagdagan na naman inaanak ko.Kinuha ako ng kapitbahay namin maging ninang ng anak niya.Ito yung invitation na binigay sakin sa nov.13 pa naman yan.Musta ang lahat dito?sana eh safe ang…
Good morning and Happy all saints day! Yung iba busy na para sa pagdalaw sa mga mahal sa buhay sa sementeryo.Ako naman ito busy sa tambak na labahin ko huhu.Kahapon lang kasi nagkaron ng kuryente kaya ngayon lang makakapaglaba.Bukas na lang ako dadalaw at kaunti na tao niyan.Sa mga hindi makakadalaw at malalayo pwede naman magtulos ng kandila mamayang gabi sa labas ng gate at magdasal o kaya pamisa na lang.Ang mahalaga niyan eh hindi padin natin sila nakakalimutan kahit wala…