Sana Ngayong Pasko ay Maalala Mo Parin Ako

17 56
Avatar for Sweetiepie
2 years ago
Topics: Feelings, Fiction, Family
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty

Kapag nalalapit na ang pasko ay puro kalungkutan ang aking nadarama,binabalot ng lungkot ang puso ko pati narin buong pagkatao ko kapag naaalala kita. Tandang tanda ko pa ang araw na iniwanan mo kami sa gitna ng paghihirap na nararamdaman ng aking ama. Sa murang edad ay natuto akong lumaban sa lahat ng pagsubok, natutong tumayo sa sariling mga paa, natutong maghanapbuhay upang matustusan ang pangangailangan namin lalo at may malubhang karamdaman si ama at maliit pa si bunso. Disyembre 24 ng kami ay iwanan mo, ang bilin mo pa sa akin noon bilang panganay ay bantayan kong mabuti si ama at ang bunso kong kapatid sapagkat maghahanap ks lang ng gamot at pang noche buena, ngunit yon na pala ang hudyat ng iyong paglayo. Iniatang niyo po sa akin ang napakalaking responsibilidad sa aking murang edad.

Mama: Anak, Leah, ikaw na muna ang bahala sa iyong ama at bunsong kapatid, huwag mo silang pababayaan at iiwanan. Maghahanap lamang ako ng pambili ng gamot ng iyong ama at pang noche buena natin.

Ako: Mama wag po kayong mag alala at diko po sila iiwanan hanggang dumating kayo. Kahit gamot lamang po ni papa ang inyong maiuwi ay sapat na. Basta magkakasama po tayo sa araw ng pasko ay masaya na po kami kahit walang handa.

Nagtataka lamang ako sa ikinikilos ni mama dahil sa tuwing aalis siya noon ay tanging wallet lamang ang kanyang bitbit, pero sa araw na yon ay meron na siyang dala dalang maliit na bag.

Ako: Mama, matatagalan po ba kayo? Akala ko po ba maghahanap lang kayo ng gamot ni papa at pang noche buena. Akala ko po magkakasama tayo bago sumapit ang araw ng pasko?

Mama: Hintayin niyo ako anak at ako ay magbabalik bago sumapit ang pasko.

Maghahating gabi na ngunit wala parin si mama, sumapit na ang pasko ngunit wala parin kaming mama na natatanaw mula sa aming bintana. Ipinagsaing ko ang aking bunsong kapatid at aking ama ng kanin na pagsasaluhan bilang pang noche buena namin. Ngprito ako ng daing at gumawa ng sawsawan. Sa simpleng handa namin ay masaya naming pinagsalu saluhan. May lungkot sa aming lahat sapagkat umaasa kaming darating si mama pero hindi na siya dumating. May mababait na kapitbahay din ang nagbigay sa amin ng masasarap na pagkain. Nakangiti man ang aming papa ngunit di niya maitago ang pangingilid ng kanyang luha.

Papa: Mga anak pagpasensyahan niyo na si Papa kung diko naibigay sa inyo ang masayang pasko at walang regalo dahil sa karamdaman ko. Pero babawi ako sa inyo pagdating ng araw na gumaling na ako. Basta lagi ninyong tatandaan na sa hirap at ginhawa magsasama tayo at magmamahalan. Mahal na mahal ko kayo.

Ako: Papa wag niyo na po yon iisipin, kayo po ay sapat na upang sumaya ang aming pasko. Mahal na mahal ka po namin dahil alam namin na dika nagkulang sa amin.

Papa: Patawarin niyo ang inyong mampa at huwag kayong magtatanim ng sama ng loob sa kanya. Mahal na mahal niya kayo, yan ang lagi niyong tatandaan.

At biglang tumulo ang mga luha ko ng makita kong umiiyak na ang aking ama. Sa gabing iyon ay di kami natulog hanggang mag uumaga na. Kasama namin ang aming ama na nakaupo sa may labasan at pinagmamasfan ang mga nagsasayahang kapitbahay, magagandang christmas tree nila at mga christmas light sa paligid. Inilibot namin ang aming ama sa paligid, tuwang tuwa siya habang nakahawak sa aming mga kamay. Salitan kami sa pagtutulak ng wheelchair ni papa at masaya kaming nagkukwentuhan.

Humiling si Papa na umuwi na kami at inaantok na daw siya kaya umuwi kami, nilinisan muna namin si Papa bago dinala sa kanyang higaan. Mahigpit niya kaming niyakap at nagpapasalamat sa pag aalaga namin sa kanya at pagmamahal. Napaiyak kami sa mga katagang sinasambit ni Papa, may kung anong kaba akong naramdaman ng mga sandaling iyon. Humiling kami kay Papa kung pwede ba kami tumabi sa kanya sa pagtulog at tuwang tuwa si papa ng malaman iyon.

Kinabukasan, maaga kaming gumising. Naghanda ako ng almusal namin bago ko pinatawag si Papa kay bunso ngunit isang malakas na sigaw at iyak ang nagpatakbo sa akin patungong kwarto ni Papa. Wala na si Papa 😭😭 nagpapaalam na pala siya ng gabing naglalambing siya sa amin. Huminto ang pag ikot ng mundo ko ng mga sandaling iyon. Parang wala nako nararamdaman, para akong nakalutang sa hangin ng biglang niyakap ako ni bunso at umiiyak bago ako bumalik sa kasalukuyan.

Bunso: Ate, si papa wala na ate! Iniwan na din tayo ni Papa. Paano na tayo ngayon ate.

Ako: Hindi tayo iiwanan ni Papa bunso, lagi lang siya sa tabi natin, lagi mo yan tatandaan.

Malakas ang iyak ng bunso kong kapatid ngunit di ako ngpakita ng kalungkutan, kinimkim ko abg sakit at lungkot upang wag mawalan ng pag asa ang aking mga nakakabatang kapatid di ako pwedeng maging mahina kailangan kong magpakatatag para sa kanila.

Lumipas ang mga araw at naiburol na c Papa, masakit at mahirap ang aming kalagayan ngunit sa edad kong 16yrs old ay kinaya kong itaguyod ang aking kapatid. Ginawa ko ang lahat mabuhay ko lamang ang aking kapatid, naglabandera ako upang meron kaming maitustos sa pang araw araw namin habang ang kapatid ko ay ngtatapon ng basura ng mga kapitbahay kapalit ng barya. Maswerte ako at mabait din ang kapatid ko. Sa murang edad niya ay natuto na din sila lumaban sa hamon ng buhay. Nalagpasan namin ang pangungulila.

Sampung taon ang lumipas, marami na ang nagbago at naka move on na rin kami sa lahat ng pasakit na naramdaman namin ngunit di parin namin nakakalimutan c Papa at mama. 26yrs old na ako at 16yrs old na din ang mga kapatid ko. Dahil sa sipag at tiyaga ay nakapagtayo kaming magkapatid ng isang maliit na carenderia. Ng biglang isang araw at may tumigil na magarang sasakyan sa harap ng aming bahay! May bumabang Ginang, napakaganda niya nakapustura at nakasuot ng sunglass. Bumilis ang tibok ng aking puso ngunit diko siya namumukhaan dahil malayo pa siya. Patungo ang mga hakbang niya palapit sa amin.

Bunso: Hello po maam, ano pong bibilhin niyo.

Mama: Anak, bunso? Ikaw naba yan?

Biglang umiyak si mama at lumapit sakin si bunso. Iniwanan niyang umiiyak si mama. Di maalala ni bunso si mama dahil maliitbpa siya ng iwanan niya kami ngunit ako tandang tanda ko pa ang lahat at bumalik lahat ang sakit na iniwanan niya samin noon.

Bunso: Ate, sino siya, bakit niya ako tinawag na anak?

Gusto kong magalit kay mama ngunit naalala ko ang bilin ni papa, kinimkim ko ang galit sa aking puso at bigla akong napaiyak at niyakap si bunso. Ayoko sanang sabihin kay bunso ang lahat pero karapatan niyang malaman ang katotohanan.

Nagalit si bunso kay mama ngunit ipinaliwanag ko ang lahat sa kanya, kinausap ng mahinahon at sabay namin hinarap si mama.

Mama: Mga anak patawarin niyo ako sa aking ginawa, ginawa ko ang lahat para sa inyo, patawarin niyo ako kung ngayon ko lang kayo nabalikan. Nagtaksil ako sa inyong papa, alam kong wala na din siya, matagal ko na kayo gustong bisitahin ngunit ayaw ng bago kong asawa.

Ako: Parang awa niyo na mama, kalimutan niyo nalang kami dahil kinalimutan na din namin kayo. Malalaki na kami at kaya na namin ang mga sarili namin. Kinaya namin mabuhay noong maliit pa si bunso kaya kakayanin namin mabuhay lalo na po ngayon. Habang kaya pa po namin kayong respetuhin ayon sa bilin ni papa, please po wag niyo na po kaming guluhin pa.

Tumalikod ako at umiyak ng umiyak, niyakap ako ni bunso at umiyak din. Walang nagawa si mama kundi umalis sakay ng kanyang kotse. Magmula noon dina namin nakitang muli c mama. Kasalanan ba namin kung makaramdam kami ng galit sa kanya? Pinilit namin siyang patawarin sa mga kasalanan nia ayon sa hiling ni Papa.

Kapag sumasapit ang pasko, di parin nawawala sa aking maisip c mama, SANA NGAYONG PASKO AY MAALALA NIYA PARIN KAMI NI BUNSO. nakapag graduate na din si bunso at may sarili na din trabaho habang ako naman ay may sarili na din pamilya ngunit kasama ko parin si bunso hanggabg kaulangan parin niya ako. Mabait ang aking asawa at magkasundo sila ni bunso. Masaya ako at lahit papano natupad ko parin ang hulinv niyang patawarun si mama.

Maraming salamat sa lahat ng mga bumasa sa akjng article. Kung may mali man akong naisulat ay ipagpaumanhin niyo sana.ang lahat ng nabanggit ko ay kathang isip lamang at di tumutukoy kaninuman.

December 19, Sunday

Kuwait time: 3:12 PM

Article #96 (14)

Photos are mine unless stated otherwise

Sending of love,

@Sweetiepie ❤❤❤

7
$ 1.75
$ 1.45 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Adrielle1214
+ 5
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
2 years ago
Topics: Feelings, Fiction, Family

Comments

Mahigpit na yakap, sis.

$ 0.01
2 years ago

Salamat sissy, Grabe now lang ako pwd mgcomment, kahapon wala talaga ni upvotes sa lahat kahit articles

$ 0.00
2 years ago

Saklap nmn ng ginawa ng mama nila sissy.. Kinaya nyang iwanan ang pamilya nya dahil sa ibang lalaki tsk tsk..

$ 0.01
2 years ago

Tumaba ang imagination ko sissy hehe

$ 0.00
2 years ago

Bakit ba kasi may mga magulang na kayang iwanan ang kanilang mga anak kaya minsan kasalan ng magulang kung bakit may mga basagulerong bata ng dahil sa anak ng anak di naman kayang panindigan hehe mabuti Sana kung lahat ng anak katulad ni Leah na kahit sa murang edad e ginagampanan niya ang pagpapalaki niya sa kanyang kapatid.

$ 0.01
2 years ago

Hehehehe sissy gumana utak ko kahapon pero nawalan ako ng power pumasok sa read kahapon huhu

$ 0.00
2 years ago

Kaloka ka sis.pinaiyak mo ko.ito yung mga stories na nagpapaiyak sakin eh yung family story.

$ 0.01
2 years ago

Hehehe huhuhu sorry sissy late ako, di ako makapasok kahapon hanggang kanina

$ 0.00
2 years ago

Sissy naman, bakit mo ako pinaiyak ngayon. Matutulog na sana ako pero nung nabasa ko to, napaluha ako. Ang lungkot dahil iniwan sila ng mama nila at masakit dahil lumisan din ang kanilang ama😥

$ 0.01
2 years ago

Alam mo ba sissy while im writing it tumutulo ang luha ko, hahaha damang dama ko ung sinusulat ko na ewan saan galing kaloka

$ 0.00
2 years ago

Naiyak ka sissy kasi naalala mo yung parents mo. Ako naman naiyak ako kasi wish ko na sana nandito din si mama namin kaso maaga din siyang lumisan. Huhu nakakalungkot yung gusto natin maging kompleto yung pamilya natin tuwing May mahalagang okasyon pero di talaga makompleto kasi wala na sila.

$ 0.00
2 years ago

Tama ka jan sissy grabe luha ko nakakaloka, gumawa ako ng magpapamaga ng mata ko. But honestly sissy diko alam paano ko nabuo ang kwentong ito,bigla nlng naitatype ko, diko nakikita ang screen ng cp ko dahil sa mga luhang kusabg lumalabas

Ang ganda ng new update sissy kaya pala under maintenance kanina c read

$ 0.00
2 years ago

Hala ang ganda nga sissy. Kaya pala di ako makapasok kanina.

basta about family yung story sissy, di ko mapigilang maging emosyonal

$ 0.00
2 years ago

Sorry sissy napaiyak kita hehe

$ 0.00
2 years ago

Hehe,oks lang sissy, same naman tayong umiyak

$ 0.00
2 years ago

Ang lungkot naman sis:(

$ 0.01
2 years ago

Pwd naba akong story maker sissy hehehe

$ 0.00
2 years ago