Pangako sayo

36 72
Avatar for Sweetiepie
3 years ago

Magandang araw kapwa manunulat at mambabasa, kumusta ang ating araw, naway nasa mabuti tayong kalagayan at malayo sa anumang sakuna, ang Maykapal ay hinding hindi tayo pababayaan manalig lang sa kanya.

Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty

Bago ko simulan ang aking artikulo, ay ipapakilala ko muna sa inyo ang aking mga butihing sponsors, ikakagalak ko kung inyong mararapating bisitahin din sila sa inyong libreng oras.

Ang bawat pangako ay sagrado na pinanghahawakan ng bawat isa ngunit sa panahon ngayon, sagrado pa ba kayang matatawag? Kung ang bawat pangako ay napapako lamang? Ngunit may mga pangakong di natin natutupad ng di sinasadya. Ito ang magiging kwento ko sa inyo ngayong araw. Naway patawarin niya ako kung naibahagi ko ito. Hango sa tunay na buhay.

Noong kabataan ko pa lang, tandang tanda ko pa na nakatira kami sa poblacion, sa isang maliit lamang na bahay. Ang aking mga magulang ay sadyang mababait, diko ito sinasabi dahil mga magulang ko sila ngunit kung makilala niyo ang tunay kong pagkatao ay masasabi niyong mabait nga talaga sila. Sa mga nakakakilala sa aking mga magulang ng personal ay wala silang maipipintas sa kanilang kabutihan,kamag anak man namin o kakilala ay sadyang wala kang maririnig na masamang ipipintas sa aking mga magulang. Sayang nga lang at diko minana ang kabutihang loob na meron sila. Mahinahon kung magsalita at dimo kakikitaan ng pagdadamot o sobrang magalit o mapoot sa kapwa.

Paboritong bakasyunan ng akong mga pinsan ang aming bahay kahit itoy maliit lamang at gawa sa kahoy at yero lamang ang aming atip. Halos sardinas na kung tawagin ang aming kalagayan pagsapit ng gabi. Siksikan na kami sa bahay, walang private room o mga kwarto ang aming bahay dahil nga sa maliit lang ito, ang dahilan bakit gustong gusto nila sa aming bahay ay pala kwento ang aking ama sa kanyang kabataan. Kinukwento niya saming magpipinsan ang kabataan nilang magkakapatid. Ang aking ama ay may malaking pamilya, apat ang asawa ng aking lolo at sadyang masipag c lolo at nagkaroon ng mahigit dalawang dosenang anak hahahaha. Ang aking lola lamang (nanay ng aking ama) ang may konting anak (tatlo lamang) kambal ang aking ama. Masayang nagkukwento ang aking ama at napakabait ng aking ina. Isang kahig isang tuka ang aming sitwasyon dahil sa daming nakatambay sa amin na mga pinsan ko. Ang aking nanay noon ay nagtitinda lamang ng kakanin sa palengke at ang aking ama ay buy and sell ng prutas. Ngunit nakakaraos din ang aming pamumuhay.

Nasa elementarya pa ako noon, pati ang mga pinsan kong binata ay sa amin na din halos nakatira. Tuwing sabado at linggo ay sa amin sila natutulog dahil ang araw ng Linggo sa lugar namin ay ang araw ng pamilihan kung saan ang ibat ibang lugar ay dumadayo sa lugar namin upang magtinda at mamili. Ang aking pinsan ay may kasintahan sa palengke, isang tindera sa karenderia. Lagi niya itong dinadalaw kaya siguro lagi siya sa bahay namin natutulog kapag ganoong araw kasi sa hapon ng sabado 1pwede sila magkita ng kanyang nobya. Minsan dinala niya ito sa aming bahay at ipinakilala sa amin. Mabait ang babae at palakaibigan din. Lagi sila binibiro ng aking ama upang magpakasal na ngunit ang sagot sa aking ama ay darating din sila sa tamang panahon. Pangako nila sa isat isa na kapag makauwi na ang babae galing abroad ay magpapakasal sila.

Hapon ng sabado, ang saya saya pa ng lahat at binibiro pa sila ng aking ama sa araw na yon. Paalis na kasi siya papuntang Manila sa araw ng Martes sana. Sabi ng aking ama ang pangako niyo sa isat isa ay sagrado at saksi kami. Ngunit malupit ang pagkakataon! Isang trahedya ang di inaasahan ng lahat. At dahil ang kasintahan ng aking pinsan ay nagtatrabaho sa isang karenderia sa may palengke at staybin siya kaya doon na din natutulog. Kinabukasan ay araw ng Linggo.

Madaling araw pa ng Linggo ay ginising na kami ng malakas na sigawan. Sunog! Sunog! Sunog! Dali dali kaming bumangon at hinanap saan ngmumula. Sa may palengke natatanaw ang usok, at dahil malapit lang kami sa palengke ay dali dali kaming pumunta doon ngunit pinagbawalan kaming lumapit dahil mabilis ang pagkalat ng sunog. Dikit dikit ang mga tindahan doon at karenderya at iba pang establishment kaya mabilis kumalat ang apoy at matagal naapula. Hinanap ng aking pinsan ang kanyang nobya ngunit pinigilan siya ng mga bombero! Sa karenderya nila nagmula ang sunog at ligtas ang ibang mga ngtatrabaho doon ngunit meron isang babae ang di nakalabas dahil naliligo daw ito ng mga oras na yon at makapal ang apoy. Yon na nga ang kasintahan ng aking pinsan.

Iyak ng iyak ang aking pinsan dahil sa nalaman niya. Ang saya pa nila nong hapon ng sabado ngunit pagdating ng Linggo ay bigla na lang siyang nawala. Isang bangungot ang nangyari. Lalaki ang aking pinsan ngunit umiyak siyang sobra pa sa bata. Lahat ng pangako nila sa isat isa ay biglang naglaho sa isang iglap lamang! Araw ng Martes na sana ang kayang alis ngunit di natin hawak ang panahon at pangyayari.

Naikwento ng kanyang katrabaho na makakalabas pa sana siya ngunit di niya ginawa sapagkat naligo daw siya na hubot hubad at ang kanyang damit ay inabot ng apoy. Mas pinili niyang mamatay kaysa habang buhay na pag uusapan. God knows everything. Yon ang sabi ng katrabaho niya. Masakit man ang ngyari pero pagkalipas ng maraming taon ay nakamove on na din ang aking pinsan. Siya ang kauna unahang babaeng minahal niya sa kanyang buhay.

Kung nasaan man siya ngayon, alam kong tahimik na siya. Masakit ang kanyang pagkamatay ngunit di natin matatakasan ang nakatakdang trahedya para sa atin. Maraming maraming salamat sa pagbabasa ng aking kwento. Naway nagustuhan niyo ito. Hanggang sa susunod, maraming maraming salamat!

October 27, 2021 Wednesday

Article #48

Lead image is mine

Sending of love,

@Sweetiepie ❤❤❤

11
$ 3.14
$ 2.81 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @FarmGirl
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
+ 8
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
3 years ago

Comments

Ouch! Nakakalungkot naman ang sinapit ng nobra ng ponsan mo sis.. Pero kung ako siguro kahit hubo at hubad mas pipiliin kong iligtas ang sarili ko..

Naalala ko yung classmate namin dati nung elementary, namatay din dahil sa sunod..

Gawa lang sa light materials ang bahay nila.. Gabi nun, umalis daw yung nanay, pumunta ata ng kapitbahay.. Eh may naiwang noodles na nakasalang.. Nakaligtaan ata si noodles kaya ayun ang nag umpisa ng apoy.. Nakalabas na silang lahat ng magkakapatid.. Kaso yung nanay nya biglang bumalik pa para ata kunin yung mahahahalagang papeles nila.. Sinundan ng classmate ko kaya ayun.. Dalawa sila namatay.. Nakita sila magkayakap..

$ 0.01
3 years ago

Siguro sis yon na kapalaran nila na mamatay sa sunog gYa ng gf ng pinsan ko. Masakit pero kailangang tanggapin.

Grabe ang trahedya sa sunog, naalala ko noon 2015 nadamay kami sa sunog sa kapitbahay namin, walang nailigtas family ko, binalikan ng bunsong kapatid ko ung pamangkin namin na naiwan na may sakit, kahit nasa taas na ng pinto namin ung apoy pinasok parin nia. Muntikan na nga di cla makalabas. Kaya sabi ko sa pamangkin ko utang nia ang bubay nia sa bunso kong kapatid kaya mahalin nia

$ 0.00
3 years ago

Grabe ang tapang nung kapatid mo sis...

$ 0.00
3 years ago

May sakit kasi pamangkin nia at nakalimutan sa loob kaya binalikan nia,wala kc tatay nia noon nasa abroad at samin iniwan wala n din mama

$ 0.00
3 years ago

awwwtss...kudos sa kapatid mo sis. Sa iba siguro yun magdadalawang isip

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sissy, kung d nia cguro binalikan wala n yon ,now malaki na 2nd year hs

$ 0.00
3 years ago

Nice naman.. Forever nya ititreasure yung second life nya

$ 0.00
3 years ago

Oo sissy sana nga

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot nman ang nangyari sa kasintahan ng pinsan mo sis. Siguro nga ay talagang oras na rin niya nung time na yun.

$ 0.01
3 years ago

Tama ka jan sissy kc kung dipa nia oras eh pwd naman xa lumabas kahit walang saplot db

$ 0.00
3 years ago

Totoo yan sis. Sana peaceful n siya piling ng Ama.

$ 0.00
3 years ago

In Gods will sissy ameen

$ 0.00
3 years ago

Wawa nmn sya sissy.. Muslim din ang nobya ng pinsan mo? Sna sinikap nyang makalabas mn lng.. Nkakaiyak nmn love story nila.

$ 0.01
3 years ago

Oo sissy muslim din. Ngtaka nga ang lahat sissy bakit d xa lumabas mas pinili nia mawala nlng kesa mag iwan ng kahihiyan siguro.nlalabas na wlng saplot o bka Gods plan n yon cguro

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot naman ng love story ng pinsan mo sis. Ganun talagA ang buhay sis, may mga pangyayaring pwede makapagbago sa buhay ng isang tao. Diyos lang ang nakakaalam sa kung ano ang mangyayari dito sa mundo at Siya lang din ang may hawak ng buhay natin

$ 0.01
3 years ago

Tamanka jan sissy, gaano man natin planuhin ang ating kinabukasan pero nakasalalay parin sa Gods will ang lahat. Di natin matatakasan ang mga nakatakda sa ating buhay

$ 0.00
3 years ago

True sis kaya kung ano man ang plano Niya sa atin, kahit masasaktan tayo, kahit mahihirapan tayo, ang tanging magagawa natin ay tanggapin ang lahat ng yun at magpasalamat sa buhay na ipinagkaloob sa atin. Hiram lang natin sa Kanya ang ating mga buhay

$ 0.00
3 years ago

Bawal ba sa relehiyon Islam na ipakita ang katawang walang saplot? Ikinalulungkot ko ang nangyari saduang hindi natin hawak ang panahon at kahit kailan ay pwedeng may mangyaring trahedya. May dahilan kung bakit nangyayari ito lahat, sana nasa mabuting kalagayan na ang kaluluwa ng babae.

$ 0.01
3 years ago

Kung sa bawal, bawal talaga ipakita, cguro mas pinili niang mawala nlng ng tuluyan kesa mabuhay na di namamatay ang kwento para sknia

$ 0.00
3 years ago

Hayy ang saklap nmn, hndi tlaga natin masasabi ang mga mangyayari sa hinaharap

$ 0.01
3 years ago

Oo nga sissy, isipin mo 2days lng aalis na xa then ngyari un. Di talaga natin matatakasan ang Gods plan to all of us

$ 0.00
3 years ago

Totoo sis..tsaka kapalaran na din siguro nya un..

$ 0.00
3 years ago

Tama ka jan sissy destiny lng tlga

$ 0.00
3 years ago

Ang sakit nito Sis no. Actually mahirap din kasi, napaka judgemental ng mga tao, kaya mas pinili nalang niya mag stay sa loob. Hayss

$ 0.01
3 years ago

Oo sissy atleast doon wala na xa iisipin pa kesa mabuhay na puro bully naman. GOD knows nlng sissy

$ 0.00
3 years ago

Sana lumabas nalang siya sissy siguro pero yun nga nangyari na hanggang doon nalang talaga ang buhay niya hindi natin hawak ang ating buhay.

$ 0.01
3 years ago

Tama sissy baka un na nakaplano ni God na mangyari kaya dina xa nag insists na lumabas

$ 0.00
3 years ago

Halla ate kawawa naman yung girl. Buti nate naka move on na pinsan mo ate .

$ 0.01
3 years ago

Oo sissy matagal n din un elementary pa ako nong ngyari un

$ 0.00
3 years ago

May pangyayari talaga na hindi natin inaasahan. Alam kong sobrang nasaktan yung pinsan mo kasi marami na silang bagay na naibahagi sa isat isa at may mga plano na din para sa kanilang hinaharap pero sa isang iglap biglang naglaho yung dahil sa trahedyang nangyari.

$ 0.01
3 years ago

God knows everything kaya minsan meron mga bagay na di natin natutupad, base na din in Gods plan cguro. Oo masakit talaga matagal nia dinamdam pero pagkalipas ng maraming taon naka move on na din

$ 0.00
3 years ago

True, si Allah lang talaga ang nakakaalam sa kung ano ang mangyayari sa ating hinaharap kaya tiwala lang Tayo sa Kanya. Kung ano man ang plano Niya para sa atin, tanggapin natin yun ng buo. Salamat po sa suporta.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka jan , Muslim ka rin ba?

$ 0.00
3 years ago

Yes po, from Maigo, Lanao del Norte po Ako

$ 0.00
3 years ago

Nakakaawa naman yo g pinsan mo,Tadhana Ang nag layo sa kanila

$ 0.01
3 years ago

Ang saklap ng first love nia sissy

$ 0.00
3 years ago