First try, foot massage! #5 (135) Magandang araw sa lahat, naway nasa mabuti tayong kalagayan palagi at patnubayan ng Poong Maykapal. Ang dami kong namissed today π plano kong mag walking/jogging sana kaninang madaling araw para makatipid na din sa pamasahe at di halata na nagtitipid ππ idaan sa walking walking papunta sa weekend market sana pero di ako nagising on time! Masyadong late na ako nagising siguro around 8 AM na yon kaya dina ako pumunta ng weekend market pa. Naglaba ang pamangkin ko kaya tinulungan ko siya sa paglalaba habang maganda pa ang sikat ng araw, maaga din kaming natapos maglaba at naki marites na din tuloy sa mga kaibigan hehe. Dikj namalayan tumatanghali na pala habang nakikitsismis kami ng hipag ko sa harap namin πππ ng tingnan ko ang oras naku 11:40am na pala at wala pa kaming naluluto hahahaha kaya nagmadali akong magsaing since karga ng hipag ko baby nia. Mabuti nalang at tamang tama may naglalako ng mga isda kaya nakabili ng matambaka at mabilis kong nilinisan at prituhin. Ng matapos ako sa kusina natawa nalang ako bigla hehehe pwede din pala ako sa pabilisan π€£π€£π€£ After namin mananghalian,saka ko napansin na dipa pala ako nakakaligo wahahaha kaya nagmadali akong maligo. Nagpahinga ng saglit at naisipan kong pumunta ng Sunshine mall at ipinagawa ko ang cellphone ko na di gaano maicharge kasi natatanggal ng kusa ang charger wire. Sa una kong pinuntahang shop ang sabi sakin ay isang libo daw ang pag aayos labas pa ang labor kasi meron daw papalitan, A30s ang cellphone ko kaya ganon daw ang price so diko afford kaya tumanggi ako, ayoko pabuksan ang cellphone ko baka maformat bigla at mawala mga laman ng cp ko at mawalan na ako ng access sa lahat (hehe advance mag isip!) Tinawagan ko ang utol ko at on the rescue agad naman si kapatid, don niya ako dinala sa kakilala nia. Sabi nong lalaki di naman daw need may papalitang piyesa, lilinisan nalang daw at maraming dumi sa loob πππ meron xa inispray sa CP ko, brush nia saglit at kinalikot ng pin ang paglalagyan ng charger! Naku po! Ang cellphone ko may maraming tutuli hahahaha pasintabi po. Kahit pala CP nagkakaganon kaya need din pala natin sila linisan ππββ tinanong ng kapatid ko magkano bayad sa paglilinis niya pero ang sagot samin ok lang daw kahit wala na kasi simple lang naman ginawa niya pero binigyan ng kapatid ko ng isang daan kaya nagpasalamat siya at tuwang tuwa na. After namin ipagawa ang CP ko, umalis na din ang kapatid ko dahil meron daw xa booking, food grab delivery kasi ang work ng kapatid ko. Napadaan kami sa kung saan kami ngpa massage noon, chair massage pero this time try ko ang foot massage! First time ko to kaya expected na ang mga susunod na ngyari. Paglagay pa lang ng mga paa ko sa machine ay medyo nakikiliti na ako, lalo na ng nag start na ito, sobrang lakas ngbtawa ko kasi super kiliti talaga at napapalingon ang bawat dumadaan π€£π€£ diko mapigilang di mapahalakhak ng malakas pero ilang minuto pa ay parang nasanay na ako at dina masyado malakas ang tawa ko. Masarap sa pakiramdam ang magpa foot massage, nakakarelax talaga. Sa halagang 50 pesos ay pwede ka ng magpa foot massage ng 30minutes. Sulit na sulit ang bayad.
Paniguradong uulitin ko magpafoot massage sa susunod. Try niyo din minsan, ang sarap sa pakiramdam. Nakakatanggal ng stress kahit saglit lang. Kailangan magrelax kahit saglit ang mga paang pagod sa lahat ng bagay π kaya huwag ipagdamot sa ating mga paa ang sandaling marelax π ****Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta. Naway biyayaan pa tayo ayon sa ating pangangailangan. Lagi tayong mag iingat sa lahat ng oras. Ang bawat araw o oras ay mahalaga kaya pahalagahan natin ang ating buhay para sa ating pamilya.****
**March 5,2022 Saturday** **Philippines time: 10:56 PM** **All photos are mine unless stated otherwise** **Sending of friendship,** @Sweetiepie β€β€β€
29 comments
Gusto ko ma try ang foot massage sis. Soon try ko yan.
Nacurious din ako sissy kaya nagtry ako hahahaha
Never pako naka experience mag ganyan sis..anong feeling?
Unang try ko sissy super duper kiliti at halos maihi na ako π€£π€£π€£
Ahahahaha...sa talampakan ba yung massage?
Oo sissy sa talampakan hahahha
Ay kalerkey naman pala..nakakakiliti nga yun
As on super sissy hahaha
Sarap yarn sis at mura na samantalang kapag regular foot reflex done by therapist samin 250 per 30 mins. Mahirap kc magpindot pindot eh hehe.
Pero mas masarap yata kapag done by tgerapist sissy hehehe mas nakakarelax ng todo
Foot massage is really a useful therapy to overcome stress and pain in different body parts
So agree with you mate although so tickling at first try π€£π€£π€£
Ang ganda ng machine for foot massage. I joked my husband magpabili nyan. Hahaah
Masarap magkaroon niyan sissy pero dito sa amin ang mahal ng kuryente kaya nakiki foot massage nalang π€£π€£π€£ super nice sa pakiramdam pero super kiliti sa una
Couldn't read everything but I know you had a foot massage. It feels good and is important to do once in a while.
Sorry sis its on our national languange but yes your right, i have try foot massage and its good to the feeling π₯°π₯°
Tamang tama sis may foot massage dini sa bahay di ko pa na try ma e try nga hahaah
Sa una sissy suoer kikiti talaga pero masarap sa pakiramdam
Maganda iyan sis foot massage narerelax paa natin.
Pero sa unang try ko sissy halos maihi ako sa kiliti πππ
Ah gnun b sissy. Hahaha. Mbuti hindi k inabot
Hindi ko pa natatry yan sis,hahahha parang gusto kong etry.
Nakakarelax din sissy pero sa una halos maihi na akobsa kiliti π€£π€£π€£
Ang Nah try ko sis Yung back lang anong tawag dun? Electric din gamit, pero yan sah foot hindi ko pah nah try.
Sa una kong try nong chair massage sissy natakot ako parang iniipit ulo ko π€£π€£π€£
Hindi po yan nakakatakot po?
Saa una natakot ako sissy kc parang iniipit mga paa ko π€£π€£
Parang ang sarap sa feeling nito Sis ah. Next time na to pag vacant, sa ngayon sariling massage muna haha
First try ko din sissy super kiliti hahahaha