Sayang, kung maibabalik ko lang sana! Magandang buhay kapwa manunulat at mambabasa, ang bilis ng araw di natin namamalayan ang paglipas ng oras Nobyembre tres na pala at ilang oras na naman Nobyembre quatro na naman hehehe O sadyang marami lang talaga akong ginagawa at halos kulang ang oras ko kaya pakiramdam ko lang na mabilis talaga.ang paglipas ng panahon? Ganon din ba ang pakiramdam niyo? Parang kay bilis matapos ang araw? ***Anyway, ipapakilala ko muna sa inyo ng paulit ulit ang aking mababait at magagaling na mga sponsors bago man o datihan na. Mangyaring pakidalaw na din sila sa nga libreng oras niyo, masisiguro kong mamamangha kayo sa kanilang mga artikulo at sadyang ngbibigay inspirasyon ang artikulo ng bawat isa sa kanila***. *Nasasambit niyo din ba minsan ang katagang "******sayang! Kung maibabalik ko lang sana?******" Dahil ako maraming beses kong nasasambit sa maraming bagay na nasasayangan ako at gusto kong balikan sana ngunit hindi na maaaring balikan pa. Mga bagay na imposibleng maulit pang muli. Mga alaala ng lumipas na hanggang alaala na lamang.* Pinapangarap kong balikan ang nakalipas kung saan buo pa ang pamilya ko. Kung saan buhay pa ang mga magulang ko. Kung saan malaya at masaya pa ang pamumuhay ng mga tao, ngunit ang lahat ng iyon ay isang pangarap lamang na imposibleng balikan sa kasalukuyan. Maaaring maibalik ang tuwa sa mukha ng mga tao at saya kung mawala na ang pandemyang ating kinakaharap sa ngayon pero hindi ang mga buhay na nawala sanhi ng covid19 ngunit kailangang tanggapin dahil ang lahat ng ito ay naaayon sa ating kapalaran at di matatakasan. Ang Panginoon lamang ang tanging nakakaalam. Fly to the moon BCH! Naaalala ko pa noon, ilang buwan na ang nakakalipas. Sadyang ang ganda ng araw na iyon sa lahat ng mga may hawak ng mga tokens at isa na ako noon. Sino nga ba naman ang hindi masisiyahan sa mga nakikita na presyo ng cryptocurrency na sadyang umangat ng kay taas! Sadyang ang tataas ng mga value ng bawat tokens at isa na doon ang pinakamamahal nating ****BITCOINCASH o BCH!**** Diko makakalimutan ang araw na iyon dahil ang araw na iyon ay ang araw ng aking kapanganakan MAY 12! Ito na yata ang may pinakamataas na naitalang record ng high pump ng BCH. Tumaas ito hanggang sa value na **74,172 PHP ang bawat 1BCH**. Ito ay naitala noong **MAY 12, 2021 sa oras na alas tres ng madaling araw dito sa Kuwait**.
Mahirap paniwalaan na umabot sa ganitong rate ang BCH lalo na doon sa mga baguhang pasok pa lamang ngunit yes! Ngyari po talaga ito last MAY sobrang nakaka moss nga na sana bumalik na siya sa ganitong halaga as soon as possible. Ang laking tulong ng BCH sa karamihan and thankful for this mostly sa dalawang platapormang ito noisecash and readcash. Sana marami pang taon natin silang makakasama in Gods will Insha Allah ameen. Ang sarap pagmasdan ang BCH sa mga panahong yon at sadyang ang lahat ay nagagalak at natutuwang ibahagi sa noisecash ang kanilang nararamdamang saya at isa na din ako noon. Ngunit patuloy parin kaming nakaHOLD sa mga hawak naming BCH at nagbabaka sakaling tumaas hanggang maabot ang 80k PHP ngunit biglang bumaba ito ng bumaba at hindi na bumalik sa ganong value hanggang ngayon. Sayang! Ang siyang nasasambit ko na lang ngunit hindi parin ako sumuko k bitawan ang hawak kong BCH. Hold ko parin ito hanggang ngaun at natutuwa akong nakikita na halos maabot ko na ang pangarap kong 1BCH sa tulong ng mababait na upvoters, maraming salamat sa inyo! Maraming maraming salamat sa lahat ng ****readers, commentors, likers, my sponsors and ofcourse sa mga di nagsasawang mag upvotes mostly THE RANDOM REWARDER**** thank you so much!
**November 3, 2021 Wednesday** **Article #56 (3)** **Photos are mine** **Sending of love,** @Sweetiepie **❤❤❤**
76 comments
Sana maulit pa yan sis no para naman ma experience ko din yang kalaki halaga😅
Sana nga sissy nakaka miss din hahaha
Just hold on lang po, dadating at dadating din ang panahon na yan. Malay naten next month.
Tama ka jan lods sana nga in Gods will
Have a wonderful day to you sweetie :*
Hello sissy same to you have a blessful day. Im sorry again its in my language
hahaha don't you worry about that at all :)
Thanks sis your the best
*Sana maulit yan sissy, ang laki ng price ni BCH noon. Noong nag 71000 pesos ang presyo niya, naconvert ko yung akin dahil nagkaproblema kami financially that time. Malaking tulong talaga sa amin nung tumaas ang presyo ni BCH*
Sakin talaga sissy keep holding hanggang super bumaba na hahaha
*Tataas din yan sissy, hold ka lang. Ako nakahold ngayon pero kunti pa,hehe*
Still holding sissy, ngbenta ako kanina pero reserve pambili din ng bch kpg bumaba
*Ang ganda ng strategy mo sissy*
Hanggang tingin lang Tayo noon di man lang Tayo na ka convert,sana bumalik ulit
Kaya nga sissy sa kakahintay maging 80k hahaha
Tataas yan sis
Sana nga sissy hehe
Di ko inakala na umabot pala yung BCH sa ganyang value, alam ko naabutan ko yan pero hindi ganoon kalakihan ang pera ko nun kaya medyo di ko ramdam yung pagbaba, sana nga bumalik na sa ganyang presyo para masaya ang lahat.
Tama ka jan lods cant wait to see na lumipad ulit sa buwan c bch hehehe
Sayang Nga sissy any laki ng value niya dati sana bumalik siya sa dating price baka maiconvert ko ng wala sa oras hold ko.
Hahaha me too sissy kpg ganyan na ulit dko na hihintayin maging 1bch hahahaha
Sayang at hndi pa ako ganun ka seryoso sa mga token.. hndi ko pa ito masyadong pinapahalagahan..pro sana lng talaga bumalik xia sa dati para lahat masaya.
Ako sissy bch unang nalaman ko na tokens, sayang nga lang at nagamit ko ang iba pinambili ng ibang tokens na rugs lng pala. More rhan 1bch n sana hawak ko now hahaha
Sana soon mag fly to the moon uli sya
Be positive sissy inaayos pa daw ang spaceship niahahaha
Naku sana maayos na agad bago magdecember sis
Aigoo.. Wala talaga ako masyadong alam about sa tokens.. Hehehe.. Oo nga noh? Ang laki nung value.. As in 74k..Woah..Kailan pa kaya ako magkakaroon nang ganyan lalaking pera.. Hehe
Soon babalik sissy hehehe
Sana pag bumalik yan sis. May hodl ako ma malaki-laki na.. Hehe
Sayang hindi ko pah nakilala c noise at read sah time nah yan sis,, Ang laki pala Ng BCH dati.
Oo sissy last MAY lng yan
Sayang talaga, kakilala ko lang neh BCH last month ehh,
Atleast ngaun magkakilala na kau sissy hehe
Ahahaha kaya nga sis,, kaso wala pang BCH ehh,,ahahha
Magkakaroon din yan sipagan lang
Ang galing nio Naman,,Hindi Kasi kami magkakilala no bch o no crypto dati last month lang kami nagkakilala no noise o ni bch.
Hehehehe ok na yan sissy atleast now mgkaìbigan na kau ayiee
Oo NGA sis hehehe
Be active nlng lagi sissy at sikapin makapagsulat na din
Sis, akala ko eh recent yung screenshot mo..ahahaha..buti may remembrance ka pa nung time na biglang napump si BCH
Oo sissy binabalik balikan ko hahahah
Hahaha.. Nice naman.. Atleazt may remembrance noh
Oo sissy ayieee
Ako te ung goal kona 1bch diko alam kung kelan ko marereach eh pero let's try our best nalamg. Malay mo mag pumpdown sya bigla
Sissy im happy you made it . Hayaan mo soon makakamit mo din yan, malaki tiwala ko sau at ang gaking mo kaya
Malay natin Sis mas lumaki pa lalo next month or next year. Pero ika nga, di na maiibabalik ang dati pero pwede tayong gumawa ng mas masaya at mas mabuti. Bilis nga ng panahon hahha
You have the point sissy atleast sa lahat ng yan meron tayong magagandang memories ayiee
Ang taas pala dati ni bch don't worry sis baka mas tumaas pa siya next year think positive lang tayo sana that day malaki na ang na naipon ko haha.
Tama ka be positive nlng tau and yes Im sure makakaipon ka talaga
Ako bago palang ako sa Mundo nang bch salamat sa kontent mo ngayun para ayaw ko nang bitiwan ito.. Go go go laban lang
More comments