September 02,2021 Thursday
Kuwait time: 11:15 am
Mapagpalang araw sa lahat, naway lagi tayong nasa mabuting kalagayan at ligtas sa lahat ng oras. Ang pasko ay nalalapit na naman. Ilang buwan na lang at kapaskuhan na, mga ninong at ninang ay magsisimula ng mag ipon para sa mga regalong ihahandog sa mga inaanak.
Nagagalak kana rin bang marinig muli ang mga tugtuging pamasko? Mga kumukuti kutitap na ilaw at mga parol na naggagandahan. Mga Christmas tree na naglalakihan na may ibat ibang makukulay na dekorasyon. Mga pagkaing kakaiba at espesyal na ihahanda sa noche buena ay sadyang nakakatakam.
Bagaman sa aming mga Muslim ay walang selebrasyon ng pasko ngunit iginagalang namin ang bawat paskong dumarating. Karamihan sa amin ay nakikisaya din sa araw ng pasko. Natutuwa at napapa indak sa mga tugtuging masasaya at kaaya-aya. Mga nakasabit na dekorasyon sa paligid na sadyang nakaka akit ang ganda. Makulay ang paligid sa buwan ng pasko!
September pa lang pero paskong pasko na sa diwa ng karamihan lalo na sa mga Pilipino, ngsisimula ng marinig ang mga tugtuging pamasko ,sa radyo at television bida ang saya, sa ibang gusali at malls ay may makikita ng palamuti ng pasko.
Simulan ng ipunin ang ating mga barya, alkansya ay punuin bago dumating ang araw ng pasko. Upang meron tayong madudukot pagsapit ng Disyembre, simpleng handaan na dapat paghandaan, noche buena na inaabangan ng lahat,maraming pagkain,prutas at iba pa ang makikita sa ating hapag kainan.
Ang sarap sa pakiramdam kapag ang buwan ng pasko ay sumapit na sapagkat ngsasama sama ang buong pamilya, ngkukwentuhan at nagsasaya,kanya kanyang gimik upang mapasaya ang lahat. Nakaka miss lang talaga ang dating pasko.
___________________________
CLOSING:
Tanging masasayang alaala na lang ang panghahawakan, masasayang sandali na kasama sila. Ang sarap sa pakiramdam na kasama sa saya ang pamilya, damang dama ang diwa ng pasko kahit akoy isang Muslim.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MESSAGE:
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking artikulo,masyadong napaaga ang aking pagmumuni muni ng pasko.nakaka miss lang ang dating buhay na sana maging normal ulit ang lahat.
Sa aking mga Sponsors, maraming maraming salamat sa tiwalang ibinigay niyo sakin. Diko man ito deserve pero sisikapin kong maging qualified ako sa challenge na ibinigay niyo. Godbless sa lahat at hanggang sa muli.
(#4)
Note: contents and photos are all original
Sending of love,
Sweetiepie β€
...and you will also help the author collect more tips.
Merry christmas ate ramdam na ang pasko hehe