Dimo ako makukuha sa mga basket ng prutas mo!

74 50
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Ang sarap balikan ng mga alaala ng kahapon, mga alaalang naghahatid ng sekretong ngiti sa ating mga labi ngayon. Masarap alalahanin ang masasayang araw ng kabataan, mga araw ng kasiyahang bihira lang nararanasan ng kasalukuyang henerasyon!

Ang mga dalaga noon mahirap ligawan kumpara ngayon, dadaan ka muna sa maraming love letters! Maraming klaseng panunuyo, ipag iigib mo ang pamilya niya, ipagsisibak mo ng kahoy at minsan may parega regalo ka pang nalalaman 🀭 regalong malayo sa mga pinanreregalo ngaung henerasyon, regalong pang buong pamilya, yon ay ang basket basket na prutas at sari saring mga gulay, iba talaga kapag taga bukid ang manliligaw mo 😊

Pagkatapos ng walong araw na pakikipagrelasyon ko na natapos lang sa isang nakaw na halik, ay unti unti kong natutunan ang mga bagay bagay. Ganon na pala kapag dalaga kana, bawal ka ng mglaro ng bahay bahayan o lutu lutuan, bawal na din maging parang taong grasa na namunulot ng balat ng candy o tansan ng softdrinks upang gamiting pera perahan sa laro πŸ˜‚ habang tumatagal natuto na din akong alagaan ang sarili ko.

Nong 1st year high school pa lang ako maliligo lang ako, magdadamit at magsusuklay tama na, papasok na ako sa school pero ng tumungtong na ako ng 2nd year high school at sa dami na din ng mga nagiging kaibigan ay naimpluwensyahan din nila ako sa pabeauty beauty nila kahit hindi naman beauty 😁 natuto na din akong gumamit ng baby powder, lotion at pabango (naku dagdag gastusin pa tuloy ng mga magulang ko!) Dati papasok ako kahit walang plantsa ang uniform pero ng mag 2nd year na ako, di ako papasok ng di nakaplantsa ang damit ko. Natuto na din akong humanga sa mga cute na nakikita ko, marami din nagpapahiwatig na may gusto sa akin pero diko pinapansin. Nakakaramdam na din ako ng konting kilig kapag may umaakyat ng ligaw (hoy huwag kang umakyat hindi matibay ang bahay namin!) Ganon pala talaga yon? Bigla nalang kakabog kabog ang puso natin kapag nakakasalubong natin yong taong nanliligaw satin? Natatakot na kinakabahan, ahayy bahala kayo dyan basta yon na yon!

Noon mahilig akong magbakasyon sa bukid sa bahay ng mga half sister ko, syempre bagong salta kaya maraming bumibisita at nagtatanong sa ate ko kung sino daw ako, ipapakilala naman ako ng ate ko sa kanila. Di naman ako kagandahan at di nagyayabang pero kapag isinasama ako ni ate sa bahay nila tuwing malapit na harvest nila ng mais ay andaming mga manliligaw na pumupunta sa bahay ni ate, siguro dahil bibihira lang ang dalaga sa lugar nila at magkakakilala na sila. Nasa fourth year high school na ako noon. Tuwang tuwa ang ate ko kasi nakakalibre siya ng maghaharvest ng mga mais nila kasi yong mga kalalakihang dumadalaw doon ang pinapaharvest ni ate hahaha, kape at tinapay lang ok na sila tapos ako din parang prensesa nakaupo sa isang tabi at pinapanood sila. Deep inside tuwang tuwa ako sa mga ginagawa nila lalo na tawang tawa ako sa ate at bayaw ko dahil ako ginagawang paing sa mga kalalakihan. Diko naman pinapansin mga panliligaw nila kasi wala naman sa isip ko yon.

Isa sa mga nanliligaw sakin ang diehard talaga. Pinsan siya ng bayaw ko, tuwing bibisita ako ky ate ay sumasalta narin siya doon, malayo din ang bahay nila sa bahay ng ate ko, halos lahat na ng panunuyo nagawa na niya sakin pero diko sinasagot. Madalas nghahatid siya ng basket basket na marang sa bahay namin, mga niyog at buko minsan pati saging na nahinog na sa puno. Ewan bakit ganon ang way niya. Tinatanggap ko naman lahat ng bigay niya hahaha pero sinasabi ko din sa kanya na wala pa sa isip ko ang makipag relasyon ngunit patuloy parin siya sa panliligaw at panreregalo kahit alam niyang walang patutunguhan ang lahat. Madalas niya akong padalhan ng love letters minsan pinapabasa ko sa tatay ko, natatawa na lang ang tatay ko at kinakausap ako na bakit diko daw sagutin eh matagal ng nanliligaw at mabait naman pero sinabi ko sa tatay ko na wala pa akong balak makipag relasyon.

Graduation day ko ng high school, nandoon parin siya kasama ng ate at bayaw ko, neregaluhan nia ako ng photo frame na meron heart design na meron orasan πŸ˜‚ kinilig ako ng konti lang ayiee pero wala parin nagbago,friends parin ang turing ko sa kanya. Dumating ang time na pumunta ako ng manila para mag abroad. Lagi parin siya ngpapadala ng love letters at tinatawagan ako sa cellphone ng recruiter ko kasi wala pa akong cp noon, minsan ngpapadala siya ng pera sakin. Inabot ako ng 8months yata sa manila, kinausap ko siya na tigilan na niya ako dahil mayron na akong boyfriend. Sabi ng ate ko matagal daw niya yon dinamdam, lubos siyang nasaktan hanggang nagpakasal daw siya sa isang babae na never niyang naging kasintahan.

After 6yrs muli kaming nagkita at nalaman na wala naman pala akong asawa, gusto niya akong ligawan ulit ngunit sinabi kong ano pang dahilan may dalawa na siyang anak. Ang di niya alam noon, habang nanliligaw siya sakin ay mayroon na akong boyfriend na itinago ko sa kanya, alam din ng ate ko yon pero ung boyfriend ko ayaw ni ate kaya pinipilit akong sagutin ko daw ang pinsan ng asawa niya haha (bad ko talaga), mayron din palang playgirl na pangit πŸ˜‚βœŒ super bad ko pala noon πŸ€”

Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty

Kindly visit first my generous sponsors, they are awesome promise!

Mukhang ang gulo yata ng kwento ko hahaha feeling ko nasa panahon ako ng kahapon, basta marami pa kayong malalaman sa kwentong pag ibig ko, pagpasenyahan niyo na kung masyadong magulo pero yan talaga ang mga pangyayari. Sana di kayo nabagot sa kwento ko, may mga susunod pa dito na mas kikilig sa inyo at nalalapit ng mabunyag ang totoong pag ibig ko hahaha chaarrr!

Maraming salamat sa matiyagang pagbabasa ng magulo kung buhay pag ibig, hanggang sa muling pagkikita at mas kikiligin pa kayo, not sure hehe naraming salamat.

October 20, 2021 Wednesday

Kuwait time: 1:31 pm

Article #42

Lead image is mine

Sending of love,

@Sweetiepie ❀❀❀

10
$ 1.65
$ 1.25 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @FarmGirl
+ 9
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Comments

hahaha masugid talaga yung manliligaw mo sis, may dalang prutas at ayon, may frame pa!

$ 0.01
2 years ago

Taga bukid kasi xa sissy hahahaha masarap mgkaroon ng ganong klaseng manliligaw busolve c tummy πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, sayang din noh :D Baka pag uwi mo, may dadalaw na ulit sayo :)

$ 0.01
2 years ago

Nasa manila na kami nakatira sissy kaya wala na hahaha

$ 0.00
2 years ago

Abah, malay mo kung may magdala hahaha. Kidding sis!

$ 0.00
2 years ago

Niahahaha baka isda na sa susunod sissy hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hindi masama sis, haha. Ulam na kung sakali, lol!

$ 0.00
2 years ago

Nyahaha tama sissy tapos merin pa mgdadala ng bigas jackpot na πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Yung photoframe ang nagdala jan, sis :)

$ 0.01
2 years ago

Sana yon ang title ko sissy hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Ate may tinatago kapalanag kagandahan.. Ligawinhm hehe

$ 0.01
2 years ago

Hahaha hindi sissy kaso alam mo nmn kapag bago ka sa lugar kahit pangitbpa sinusubukan ligawan ayiee

$ 0.00
2 years ago

Hmm. Mukhang may pag asa ba mabigyan ng pagkakataon ang dating pinagdamutan ng pagkakataon? Hehe

$ 0.01
2 years ago

Nyahahahaha nakakalokang pag ibig, na excite tuloy ako hehehe parang tele serye lang merong aabangang karugtong πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Ito... Na naman po tayo kinikilig na nmn po ako 😁moree pa more,dito nalang ako kinikilig sa mga kwento ng ibang taoπŸ˜†

$ 0.01
2 years ago

Hahaha sissy mas nakakakilig ung kwento mo hehehe

$ 0.00
2 years ago

Sag tingin moh sis Hindi kah kagandahan, pero may iba kang katangian nah wala nino man,at yun Ang nakikita nila,, pero anyways lahat tayo maganda kasi c God Ang gumawa natin.

$ 0.01
2 years ago

Ayiee salamat sissy, tama ka jan may kanya kanya tayong katangian maliban sa ganda lang, cguro kasi joker ako kaya ganon hehehe

$ 0.00
2 years ago

Ahehe,, kaya nga sis,, same tayo may pagka jologs din minsan,,ahahha, joke.

$ 0.00
2 years ago

Tama sissy hehe mas ok kasi ang ganon kesa seryoso

$ 0.00
2 years ago

Ayay mayroon ka oang ibang nakatagong mga alaala dyan sis, share mo naπŸ™Š. Ang sarap magbasa ng ganitong kwento

$ 0.01
2 years ago

Hahaha sissy ang gulo ko mgkwento eh hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hehe Hindi naman sis, ang galing mo kaya.

$ 0.00
2 years ago

Salamat sissy sana nga gumaling talaga πŸ₯°

$ 0.00
2 years ago

Ang Ganda nyo po siguro ate, kaya madami kaung manliligaw..Ang cute po ng pagkakakwento ninyo.

$ 0.01
2 years ago

Maraming salamat akala ko ang gulo hehe, hindi ako maganda pero salta lang kasi ako kaya bago sa paningin ng taga doon kaya ganon siguro hehe

$ 0.00
2 years ago

Hehhee ganun po ba, sabagay dto din po sa probinsya namin ganun pag may bagong salta halos lahat Ng mga binata dto excited makilala ung bagong dating.

$ 0.00
2 years ago

See hahaha hindi sa kagandahan pero bago sa paningin hahaha after non ilang araw wala na laos na hahaha joke

$ 0.00
2 years ago

I had to translate it to read but does this really happen? 🀣🀣

$ 0.01
2 years ago

Yes sis it is πŸ˜‚ as long as the translator make it right hahaha

$ 0.00
2 years ago

may ganun ate, hahaha. parang madami pang mga kuwento na nasa baul mo ah. hahaha

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sissy mukhang mailalabas na mga iyon hahahaha

$ 0.00
2 years ago

maghihintay ako sa ibang kwento mo

$ 0.00
2 years ago

Naku naku nasalang tuloy ako hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Part 2 sis? Hahahaha..nung high school ako hndi ko naranasang magkaron ng manliligaw, hahhahaha

$ 0.01
2 years ago

Taga bukid kasi sila sissy kaya sarap makidayo nagiging sikat hahahaha Hala nakakahiya na talaga mukhang reveal na talaga ang mga nakatago ko hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha truth sis, naranasan ko ding ligawan , pulis student nmn ung nangligaw sakin..pabor na pabor tiyohin ko dun kc ang lawak ng lupain.. hahahhaha kaso bata pa ako nun eh.. hahhahaha

$ 0.00
2 years ago

Nako sis inuunti unti mo pala ung story mo heheh.. nakakilig naman tlga balikan ung mga nangyari nong kabataan hehe..

$ 0.01
2 years ago

Masyadong mahaba sissy kpg isabay ko lahat hahaha baka makatulog at magising ka nlng dipa natatapos nyahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha kya nga eh kaya ok lang yan more articles ka niyan hehe

$ 0.00
2 years ago

Bibitinin kita sa love story ko hanggang dumating na sa part na nasa rainbow world na ako hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha sige exciting yan sis... Malalaman namin kung kilan hehe

$ 0.00
2 years ago

Dahil maraming excited puputulin ko na hahahahah

$ 0.00
2 years ago
$ 0.00
2 years ago

Hahahhaa wag kasi inaabangan namin.

$ 0.00
2 years ago

Mauna ka muna lumantad hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Mukhang dpa ready sis.. mukhang uunti untiin ko din hehe..

$ 0.00
2 years ago

Hihintayin kong maging ready nakau sissy hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahha sige sis pag ready na hahaha

$ 0.00
2 years ago

Paunahin muna kita sissy hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Ay grabe hehehe kw muna sis hehe

$ 0.00
2 years ago

Hahahah.naguluhan nga ako sissy kasi sabi mo ayaw mo muna magka boyfriend yon pala ay may secret boyfriend.hahaha..Pero sissy super bait nong nanliligaw sana sayo kaya lang hirap naman siguro turuan ang puso kung hindi mo naman talaga mahal..Tsaka sa una palang sinabi mo na yon sa kanya..

$ 0.01
2 years ago

Sympre sissy itatago ung isa hahahhaa. Ung naging bf ko araw araw un nasa bahay na namin hehehe fourth year nako naging playgirl hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahah....sabagay kasi baka pag nagkita mag away away.hahahah

$ 0.00
2 years ago

Niahahaha hindi nmn kasi nong umuwi na ako galing kuwait ngkasabay cla dumalaw sa bahay hahahah

$ 0.00
2 years ago

Nakakatuwa nmn sissy at naging apple of the eye ka pa don hehehe.. Nkkamis din ang buhay teenager.. Wlang prblma.. Wlang stress diba.

$ 0.01
2 years ago

Hahaha natatawa na lang ako sissy lalo na sa mga title ko hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Umasa, nasaktan, at tuluyang nagpakasal hahaha ayii kinilig ako sa love story mo lods.. hanggang ngayon single ka parin lods?

$ 0.01
2 years ago

Single na in relationship lods hahaha Ang gulo ng buhay ko πŸ˜‚ may mas gugulo pa sa sory na yan nextime hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahhaa aabangan ko lods

$ 0.00
2 years ago

Haha paano ba yan single na in a relationship? Hahaha LDR ba meaning niyan lods? Aabangan ko ibang kabanat lods hehehe fan mo na ako hehe

$ 0.00
2 years ago

Hahaha lods diko din mapaliwanag basta ang gulo hahaha, salamat lods

$ 0.00
2 years ago

There's no doubt in your writing abilities here but my problem is not understanding anything here hahahaha...i must learn your language so i can also be commenting with it

$ 0.01
2 years ago

I try to write in English soon, im so sorry for ghis time. Im not so good in writing English but I try my best, thank you again, maybe google translator can help this time 😊

$ 0.00
2 years ago

You are welcome my sweet beauty

$ 0.00
2 years ago

I have English articles but not so good, im not good in English

$ 0.00
2 years ago

Sissy, sikat ka pala sa lugar nyo dati hihi ganyan talaga noon kapag bago ka sa lugar prinsisa ka kung ituring marespeto pa yung mga tao noon kumpara ngayon wala ng mga Batasan hahaha.

$ 0.01
2 years ago

Niahahaha salta kasi sissy kaya nasa akin ang attention hahaha

Welcome to read sissy

$ 0.00
2 years ago

Ang sarap balikan ng lumipas , pero di mo nga ba minahal yong tao?asan na ngΓ yon yong boyfriend mo?

Kung kayo siguro ang nag katulunyan sis siguro marami na kayong anak

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sissy ambilis niyang manganak hahaha

Ikukwento ko ung bf ko nextym para suspense hahaha

$ 0.00
2 years ago

Sige hintayin ko yan

$ 0.00
2 years ago

Hahaha na excite nba sissy

$ 0.00
2 years ago

Yes super excited

$ 0.00
2 years ago

Nalalapit na talaga sa katotohanan hahaha

$ 0.00
2 years ago