Magandang buhay readers and writers, kumusta ang lahat? Minsan sa ating buhay di natin namamalayan ang ibat ibang pagsubok na ating kinakaharap. Dapat ba tayong sumuko agad sa mga pagsubok ng di man lang lumalaban? Dapat ba tayong sumuko agad sa sandaling panahon ng ating pagsubok sa isang bagay? O kailangan nating ipagpatuloy hanggang ating makamit kung ano man ang ating minimithi?
Sa aking isip gusto ko ng sumuko at baka ang lugar na ito ay hindi talaga para sa akin. Gusto ko ng iwanan ngunit hindi ko magawa. Binabalik balikan ko parin sa tuwing wala akong ginagawa. Nagbabasa sa mga artikulo upang makapulot ng idea sa dapat kung gawin, hanggang napadpad ako sa short post ni @Miyuki1991 ! Bigla akong nabuhayan ng loob at nasabi ko sa aking sarili, ipagpapatuloy ko ang aking sinimulan. Hindi man ako napapansin ngayon ni RUSTY, marahil sa mga susunod na linggo o buwan ay kusa ding magtatagpo ang landas naming dalawa.
Para sa akin ang mapansin ng Random Rewarder ay malaking bagay na upang magkaroon ng lakas ng loob na maging aktibo ngunit naisip ko din na, ang mapansin lang ng mambabasa ay sapat na upang akoy magpatuloy sa aking ginagawa. Ilang beses kong sinubukang sumuko ngunit kapag nakikita ko ang mga taong sasayangin ko ang ibinigay nilang tiwala sa akin ay bigla akong nahihiya sa aking sarili at sa kanila. Kaya naisip kong ipagpapatuloy ko ang lahat kahit ano man ang aking kapalaran sa platapormang ito.
Naisip ko na diko dapat ipilit sa sarili ko ang mga bagay na diko kakayanin. Mga bagay na kayang kaya ko lang at tama sa tema ko ang aking gagawin, ang mahalaga nagiging totoo ako sa lahat at yon ang mahalaga nagiging masaya ako sa kung ano ang kaya ko. Darating din ang araw na makakaya ko din ang mga ginagawa ng aking mga hinahangaang manunulat.
Sisikapin ko na lang na magkaroon ng oras para dito kahit sandali man lang sa oras na libre ako bilang isang katulong. Sabi nga nila kung gusto may paraan at kung ayaw maraming dahilan. Napaisip ako bigla, hindi pa ito ang tamang oras upang sumuko, mananatili ako dito hanggang nararamdaman ko pang masaya ako at tanggap ng mambabasa. Mahirap magsimulang muli, nangangapa ngunit sisikaping matuto. Mapapagod ngunit hindi susuko, mawawalan ng lakas at magpapahinga ngunit magpapatuloy parin kapag nakaipon ng lakas.
Message:
Maraming maraming salamat sa pagbabasa ng simple kong artikulo. Maraning salamat din sa mga sponsor ko at mga readers, Godbless you guys.
Authors thought:
Marahil di man ngayon ang tamang oras para sakin pero alam kong darating din sa oras na mangyayari ang mga bagay na gusto kong mangyari. Matutong maghintay ng tamang oras at habaan ang pasensya, ang lahat ay may tamang oras
Sinubukan kong icheck ang plagiarism ng ginawa kong artikulo sa PLAGIARISM CHECKER, ngunit 91% Unique lng ito dahil naka plagiarized ang 9% sa salitang ginagawa at kanila.
Photos are mine:
(#11)
September 22, 2021 WEDNESDAY
KUWAIT
Sending of love,
Sweetiepie ❤
Laban lang tyo sis at malay mo nxt mnth mapansin na tlga hehehe.. Itawa na lng natin sissy