Ang pag ibig na panandalian lamang

68 47
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Maraming nagtatanong kung dumaan din ba daw ako sa mundo ng pag-ibig? Sagot ko ay OO naman, tao din akong katulad niyo, may puso at damdamin ding nasasaktan chaarr! Anyway during my young age at first year high school if I'm not mistaken, nagka boyfriend ako for the first time 😂 ang mga kabataan noon ay halos wala pang muwang sa sinasabing pag ibig lol! Malayong malayo sa kabataan ngaun.

Nagkaroon ako ng unang puppy este puppylove yata ang tawag doon. Kahit nasa high school na ako noon ay bata parin mag isip 😁 sinagot ko c boy pagkatapos ng dalawang buwang panunuyo. Paano ba niya ako sinuyo at sinabing nanliligaw siya? Ako ay lumaki sa poblacion at si boy naman ay taga bukid. Tuwing bumababa sila sa Poblacion every sunday, nagdadala siya ng mga gulay, buko at iba pang mga prutas. Ang saya ko noon tanggapin mga bigay niya not knowing na ganon pala ang way niya sa panliligaw. His 5years older than me that time. Di naman ako kagandahan ngunit paano siya na fall inlove sakin? Nakakarami na siya ng naibibigay saking mga pasalubong noon, pagkatapos ng dalawang buwang ganon ang ginagawa niya ay sinabi niyang mahal niya daw ako at dahil wala yon sa isip ko at akala ko ay laro lamang kaya sinabi ko na lang din na OO 🤭. Isang araw niyaya niya kaming sumama sa kanilang family bonding, maliligo daw sa dagat! At dahil kilala naman sila ng tatay ko kaya pinayagan akong sumama kasama ang ilan sa mga kaibigan ko.

Habang naliligo kami sa dagat at nakasakay sa iisang salbabida ay panakaw niya akong hinalikan sa pisngi! Nagulat ako at nagalit bakit niya ginawa yon sakin. Sa oras ding iyon ay umuwi ako sa amin dahil isang sakay lang sa traysikel ang layo ng bahay namin sa beach. Kinabukasan pinuntahan niya ako sa bahay namin at diko na siya pinatawad. Nakipaghiwalay ako sa kanya. Nagtagal ang aming relasyon sa loob ng walong araw lang hahaha. Si Sammy ang unang lalaking nakahalik sa pisngi ko. Kahit anong panunuyo niya sakin noon ay ayaw ko na talaga. Nawalan na ako ng tiwala sa kanya kasinpakiramdam ko di niya ako nirespeto ng halikan niya ako ng hindi nagpapaalam.

Ganon pala ang pakiramdam ng unang halik kahit sa pisngi lamang? Yung magugulat ka na lang at magagalit? O baka ako lang may karanasan na ganon ang naramdaman lol! Hindi ko pa kasi alam ang pakikipagrelasyon sa panahong yon. Nasa 12 yrs old pa lang ako noon ngunit sa panahon ngayon kabisado na ng kabataan ang makipag relasyon ngunit diko naman nilalahat, base lang sa aking mga nakikita.

Pagkatapos ni Sammy sa buhay ko, nagkaroon ako ng marami pang manliligaw, nong 2nd year high school na ako ay natuto na din akong mag ayos ng sarili ko dahil mas marami na akong naging kaibigan na matured mag isip. Di man kagandahan pero marami din nanliligaw ngunit diko sinasagot. Nakikipagkaibigan ako sa mga manliligaw ko pero hanggang kaibigan lamang!

Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty

Flex ko lang ang aking mababait na sponsors. Bisitahin po natin ang kanilang mga isinulat, sigurado akong magugustuhan niuo din.

Marami pa ang kwentong pag ibig na ibabahagi ko sa inyo sa susunod na article, medyo busy na naman kasi si yaya sa trabaho maraming salamat sa bumasa sa nakakaloka kong puppylove 🤭

Plagiarism check via 1text.com https://1text.com/plagiarismchecker

Plagiarism check

October 19, 2021 Tuesday

Kuwait time: 8: 45 pm

Article #41

Lead image is mine

Sending of love,

@Sweetiepie ❤❤❤

11
$ 1.60
$ 1.23 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Adrielle1214
$ 0.05 from @Zcharina22
+ 8
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Comments

Wahhh..1st year memories...naalala ko tuloy yung classmate ko noon na napakaclingy ..haha babae pa naman .. Kaya pag nakikita ko iniiwasan ko siya pero wala parin ..makulit ..tas seatmate kopa hahah

$ 0.01
2 years ago

HHaHh sarap balikan ang kahapong ngdaan,matatawa na lang tayo kapag naaalala ngaun hehe

$ 0.00
2 years ago

Puppy love ba talaga tawag dun?? Hehe.. Charissabble!!..😅 First ko ding experience na pumasok sa relasyon is when I was a 1st year highschool..HAHA..As in, ang bata ko pa talaga nun. Parang ingot lang ako..SKL..

$ 0.01
2 years ago

Niahahaha sarap balikan ang buhay na ganon sissy ,natatawabnalang tlga hahaha

$ 0.00
2 years ago

Oo, tas isipin mo ha, ngayon na medyo may edad na tayo tas nakikita natin yung mga kabataan na meron nang karelasyon sa murang edad, Aigoo!! Kaloka talaga.. XD

$ 0.00
2 years ago

Hahaha kaya nga sissy, iba na talaga ang mga new generation

$ 0.00
2 years ago

hahaha... Iba na din ways nila sa pakikipagrelasyon, di gaya nung dati na mag-e-effort talaga manligaw at magpaligaw in person. Ngayon kasi, kadalasan sa cellphone na lang..

$ 0.00
2 years ago

Cellphone lang dymadaan sissy, stickers lang, emojis tamang gift na haha dati meron pa mga gulay at prutas 😂

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga.. Ang swerte na lang din talaga natin na naexperience yung mala-old fashioned na panliligaw ng lalaki. Mas gusto ko din talaga sa personal ako ligawan..☺️

$ 0.00
2 years ago

Tama ka jan sissy

$ 0.00
2 years ago

Ahaha relate ako nito,, 1st year high palang ako nun, may gustong sumama sah akin pauwi sah bahay,, pero wala pah aqng muwang nuon tumakbo talaga ako Hanggang makarating ako sah bahay namin nah hiningal Ng subra,,ahaha,, iniwan ko yung tao, para akong baliw at pinagtawanan nila ako sah bahay,, ahaha.

$ 0.01
2 years ago

Hahaha nakakatakot nga sissy mga ganong karanasan hehe

$ 0.00
2 years ago

Haha. Nakakatawa naman yan sis. Bakit kasi hindi nagpaalam si Sammy. Haha. Pero sigurado ako, kahit nagpaalam un, di mo pambibigyan na makahalik sa pisngi mo. Tama ka sis, napakabata para maranasan ang halik. Sa akin, nung nagkaedad na ako ng bente. Hahaha. Ang tanda noh. Medyo may pagka old school din kasi ako eh. 😅😂

Gusto kong makichismiss. Kumusta na ngayon si Sammy sis?. Hihi.

$ 0.01
2 years ago

After ng incident sissy ayoko na siya papuntahin samin, nabalitaan ko unuwi xa sa ate niya sa marawi, after a year yata 2nd year hs na ako ngkita kami, pumunta ulit sa bahay, dina ako galit pero ayw ko parin sa kanya, last uwi ko sa Mindanao nakita ko siya andami na anak 😂 tumatanda na haha samantalang ako feeling bata pa niahahaha joke sissy isip bata pa

$ 0.00
2 years ago

Ahahhaa okay sis. Baka may nararamdaman pa din siya sa u. Joke. Hihi.

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha nakakalokang pag ibig sissy

$ 0.00
2 years ago

May naalala ako sayo sissy dyan sa unang halik..Mabuti nga sayo sissy kasi nong nag nakaw halik sayo e kayo talaga..sa akin hindi..Emagine grade 4 palang ako sissy....Di naman ako kagandahan pero muse ako sa amin.hehehe.May isang boy na super crush daw ako..eh ano naman alam ko noon napakabata pa namin..tsaka mataray talaga ako sissy pagdating sa boy...Kaya lang dahil hindi ko siya pinapansin..reces namin habang papalapit ako sa may pintuan ng room namin...Bigla siyang lumabas na akala mo madadapa yon pala hahalikan lang ako sa pinsgi..Kaya until now kahit teacher na siya di ko talaga siya kinikibo..

$ 0.01
2 years ago

Hahaha sissy natatawa na langbtayo kapag naiisip natin ang kabataan natin. Malayong malayo sa mga kabataan ngaun. Ngaung generation grabe kinder pa yata marami ng alam haha

$ 0.00
2 years ago

Tama ka sissy..madami ng alam ngayon ang babata pa nga nila siguro dahil sa mga nakikita like youtube,tv etc...noon kasi tv lang ata at wala pang youtube sa 3310.hahaha

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sissy tpos 14inch lang ang tv namin dlwang channel lng at black in white 😂

$ 0.00
2 years ago

Grabe nman na the moves yan ng may crush sayo sis dapat sinalo mo hehe..

$ 0.01
2 years ago

Ewan sissy unang halik hahaha galit na galit ako sa panahong un hehe

$ 0.00
2 years ago

Hahaha.naku swerte niya sis eh nakakainis nga

$ 0.00
2 years ago

Hahaha sissy

$ 0.00
2 years ago

Halaaa siyaa... Kinikilig po ako haha ,aabangan kopo ang iba nyo pang kwentong pag ibig mukhang exciting haha

$ 0.01
2 years ago

Salamat sissy hahaha ibang iba kasi kabataan noon sa panahon niyo ngayon sis, isipin mo 12 na ako noon naglalaro pa ako sa lansangan na akala mo taong grasa 😂

$ 0.00
2 years ago

Haha... Natawa po ako dun sa "akala mo taong grasa"😂 kahit naman po 12 ako nun nakikipag laro parin po ako ng luto lutuan sa mga pinsan ko hindi papo kasi uso nun ung cellphone sa probinsya kaya sobrang enjoy kopo talaga ang tumira sa probinsya hehe

$ 0.00
2 years ago

Oo sissy probensyana din ako mas masarap ang buhay. Maniwala ka o hindi namumulot ako ng balat ng candy para sa paglalaro ng tinda tindahan hahaha dalagita na un 😂

$ 0.00
2 years ago

Halaa,ginagawa rin po namin yan😂ung balat ng candy (snober is 100pesos na po kunwari) haha tapos perya perya po,ung ibabayad po namin is mga balat ng candy at minsan takip ng buti hehe

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha danas ko yan sissy haha ung tansan tinutupi pa nb tatay ko kaloka, mahirap lang kasi kami bibihira lang makabili ng magagandang laruan hehe

$ 0.00
2 years ago

Nakakatawa yan sis ha pero bat kinilig din ako?hehe ang cute talaga ng puppy este puppy love .Naalala ko tuloy si Sammy yung una kong pag ibig haha!pero naghiwalay din kami kasi 15 palang ako nun😅

$ 0.01
2 years ago

Nakakaloka sissy haha coincidence na din magka pangalan pa sila .. natatawa na lang ako kapag naaalala ko yon, dpt kikigin pero nagalit tuloy haha

$ 0.00
2 years ago

Haha oo nga eh sis ,baka same person lang sila haha charot lNg😂

$ 0.00
2 years ago

Niahahaha baka nga sissy ayieee pero nasa mindanao un haha

$ 0.00
2 years ago

Yong unang halik na nagdulot ng kabiguan ni boy hahaha. Ang cute niyo siguro nun😂

$ 0.01
2 years ago

Nakakaloka nga sissy, dapat excuted pero nauwi pala sa galit hahaha kabataan talaga noon ibang iba sa new generation

$ 0.00
2 years ago

Morning sissy.. hahha may naalala ako sa unang halik na yan.. sa akin kc ang unang halik ko na naalala ko ay sa girl hehehe ay talagang dko siya pinahalik hahaha pero alam kong hahalikan niya ako sa una palang namin ang kaso ay tinulak ko siya hahaha dnman gaanong malakas basta parang natorete ako hhah sabi ko hala magkikis kami dko alam pano magkis sa isang tulad niya hahaha... Pero siya ready na aba.. dahil ang alam ko non ok na yung holding hands lang...

$ 0.01
2 years ago

Hala sissy hehe noon pa pala nasa rainbow community kana ayiee, iba kasi kabataan noon sa ngaun ang laking pagkaibahan talaga

$ 0.00
2 years ago

Hindi sis nong bata ako gusto ko din ang boys hehehe pero wala nman ako kasing experience na kiniss ng biglaan.. itong kinkwento ko ay yung ngayon na hehehe siya lang talaga ang first ,and first ko na alam mo na hehe..

$ 0.00
2 years ago

Niahahaha sissy silahis ka pala ayiee, sympre c ex hubby mo pala ayiee

$ 0.00
2 years ago

Hehehe now ko lng din nalaman na ganun pala ko sis hhaa..

$ 0.00
2 years ago

Gawan mo na article paano story nio ni ex hubby haha excited nako ✌

$ 0.00
2 years ago

Nako sis hindi na ako inspired mgkwento about sa story namin hahahha...

$ 0.00
2 years ago

Hahaha alam ko na dahilan sissy hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Grabe ka pala sis nanunulak ka..sigurado napahiya yon sis.hahahh

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha hindi ko lang alam sis kung napahiya siya.. pero hindi nman ata hehe basta kilig lang ang naramdaman ko noon kontento nako mahawakan kamay niya parang wala pa akong malay na pwd kaming magkiss hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ayiii hahaha nagka gf din ako 4th year high school na ako di ko alam na may magkakagusto sa akin hehehe pero hindi ako humalik sa kanya. Hehe

$ 0.01
2 years ago

Kung titingnan natin lods ibang iba talaga ang panahon noon sabpanahon ngaun, mga kabataan ngayon ang bata pa meron na kasintahan base sa nakikita ko

$ 0.00
2 years ago

Tawang-tawa ako sa article mo Sissy HAHAHA, intro palang e Pero bet ko yung nagalit ka sa ginawa nya, halerr your precious face Sissy:D

$ 0.01
2 years ago

Salamat sissy, nakakaloka talaga kwentong pag ibig ko, mas kiligin ka sa susunod na hahaha

$ 0.00
2 years ago

Woww walong araw na pag ibig sissy hehehe. Gnyan tlga pg walang paalam magagalit tlga. 2nd yr highakol din ako nagka jowa non hehehe. Pero di nmn seryoso din.

$ 0.01
2 years ago

Wala pang seryoso satin noon sissy ibang iba sa panahon ngaun hahaha

$ 0.00
2 years ago

May iba nmn seryoso sa akin kya lng ang bz ko tlga non hehehe

$ 0.00
2 years ago

Ako sissy busy nakipaglaro sa kalye hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ahaha cute naman ata yung nakaw nyang halik sayo sis :D

$ 0.01
2 years ago

Hindi sissy nakakainis nga eh ,bakit simula pa lang magnanakaw na hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Ahahaha, sayang! Lol!

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha dami kong tawa 😂😂

$ 0.00
2 years ago

Haha iba kapa magalit ate hehe ate ligawin ka pala ate noon ate hehe

$ 0.01
2 years ago

Hindi naman sissy kaso ewan bakit marami nanliligaw hahaha siguro kasi madalas salta lang ako sa lugar bagong mukha. Mahilig kasi ako magbakasyon noon sa lugar ng mga tita ko at half sister ko

$ 0.00
2 years ago

Ahahhaha parang ako lang sis nkipaghiwalay dahil ninakawan ng halik..pro nsa 20 na ako nun..hndi ako nagkaron ng manliligaw nung sobrang kabataan ko..

$ 0.01
2 years ago

Nakakaloka talaga kapag ninakawan tayo noh hehehehe, napapansin mo sissy mga kabataan ngaun ibang iba na pagdating sa buhay pag ibig hahaha

$ 0.00
2 years ago

Sissy hindi ka kinilig sa unang halik hahaha.

$ 0.01
2 years ago

Hindi sissy, nagalit ako hahaha, wla pa akong alam sa pag ibig noon hahahaha

$ 0.00
2 years ago

I don't understand your language but all I know is that for you to be able to write an article using your own language without making any mistake, then, it all means that you are so special and I really do appreciate you so much

$ 0.01
2 years ago

Thank you so much, its in my dialect Filipino, im so happy to read your compliments, Its really my pleasure

$ 0.00
2 years ago

Isang linggong pag ibig pala kayo, di ka na excited sa unang halik? Kase nakaw

$ 0.01
2 years ago

Hahaha sissy bata pa kasi ako noon diko alam ang mga ganon, unlike sa kabataan ngaun andami ng alam sa mundo hehe

$ 0.00
2 years ago