Sa buhay, maraming bagay ang laging nagbibigay sorpresa sa atin. Napakaraming bagay ang sumusubok sa ating katatagan, na siyang sumusubok sa atin. Gayunpaman, marami ring mga kadahilanan upang hindi sumuko at magpatuloy lang ng magpatuloy sa buhay na hindi lang itinakda na puno ng hirap at pasakit.
“Hard work beats talent when talent doesn’t work hard.”
Maaaring narinig mo na iyan, at maaaring isa 'yan sa nagbibigay ng tatag ng iyong kalooban. Ang buhay ay patuloy na dumadaloy sa napakaraming proseso ng pagbabago. Huwag basta sumabay sa maling agos kapag napagod na. Sa halip, tatagan ang iyong sarili dahil ang umaga'y darating rin, at ito'y magbibigay ng pag-asa.
Narito ang salitang tagumpay. Maaari itong bigyan ng kahulugan sa maraming paraan. Ang isa ay ang katuparan ng hinahangad na mga pangarap at pinaghihirapang makamit.
Kaya, upang magtagumpay sa buhay ang isang tao ay kailangang lampasan ang anumang hamon ng buhay na maaaring makapagpatatag sa atin.
Bagaman ang pagdaig sa mga hamong ito ay hindi isang madaling gawain, ang pagbibigay ng lahat ng iyong makakaya ay kinakailangan upang maisakatuparan ito, at upang mapagtagumpayan mong maging pinakamahusay na bersyon ng iyong sarili.
Kapag nakamit mo ang mga tagumpay, huwag mong gamitin ito upang magyabang sa mga nasa paligid mo. Sa halip, laging ilagay ang iyong sarili sa lupang pinanggalingan mo, matutong lumiongon sa pinanggalingan, at maging isang mabuting ehemplo para sa pagbabago. Gumawa ng mabuting impluwensya sa iba upang matulungan silang makamit rin ang tagumpay na kanilang pinakahahangad.
Kung hindi ka nagsumikap upang makamit ang tagumpay, hindi mo makukuha ang katumbas na sarap ng tagumpay na maaari mong maranasan kung pinaghirapan mo ito.
Kung gaano kahirap gawin upang makamit ang layuning iyon, mas matamis ang prutas na makukuha.
Palaging tayong binabantayan ng Diyos kaya huwag sumuko. Palaging ipaglaban ang ating mga pangarap at huwag hayaang hadlangan o huwag magpadaig sa anumang hamong dumating sa ating paglalakbay patungo sa tagumpay ng inaasam-asam.
Ang mga sumusunod ay ang mga paraan na mamaaring gawin ng sinuman upang magsumikap at makamit ang tagumpay.
Ganyakin ang iyong sarili na magagawa mo ito
Napaka-trending ngayon ng "Law of attraction." Ako, ang aking sarili, ay naniniwala dito. Nagiging mas epektibo ito kapag sabay na sinamahan ng pagganyak, pagtitiwala sa iyong sarili, at pagkilos.
Huwag isiping mahirap itong makamit. Sa halip, gawin ito ng buong puso. Nagiging hamon lamang ang mga bagay kung sa palagay mo mahirap ito. Ngunit kapag ginawa mo ito, mas matatamasa mo ang tunay nitong halaga.
Hindi baleng mabagal basta't tumpak
Tulad ng sinasabi nila, "mabagal man, ngunit tiyak." Huwag magmadali. Mag-enjoy lamang habang nagpapatuloy sa proseso. Maaari mong hatiin ang iyong mga gawain at gawin ito nang paunti-unti. Subukan mo ito upang malaman ang tunay nitoing bisa.
Huwag maghintay hanggang ang mga bagay ay mismong darating sa'yo dahil wala namang ganon. Matutong tumayo gamit ang iyong sariling paa dahil kung hindi ay baka magsisi ka sa huli kung ito'y hindi mo makukuha. Kahit pa uso ang pag-cramming, may pagkakataon kang pilhing gawin na ito ng mas maaga. Karamihan sa atin kahit hindi pa aminin, gagawin lamang nila ang kanilang kinakailangang gawin isang araw bago ang deadline. Sa bagay na ito, subukang maging mas proactive. Kung hindi mo ito matatapos sa isang pag-upo lamang, maari mo itong gawin paunti-unti.
Magkaroon ng konsentrasyon
Mas mahusay na gumawa ng mga bagay kung mayroon kang konsentrasyon. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagrerelaks muna bago gawin ang anumang bagay upang maging handa ang iyong isip at katawan. Hindi ibig sabihin na kapag ika'y magrerelaks ay magcecellphone agad, maaaring magdilig na halam o di kaya'y makinig sa musika habang nakahiga sa duyan. Maaari mo ring patugtugin ang ilang musika kapag ginagawa mo ang iyong gawain upang mas ganahan ka sa paggawa nito.
Pinakamahalaga sa lahat, laging limitahan ang iyong sarili sa mga bagay na nakakagambala sa iyo. Ibig kong sabihin, lumayo ka sa mga nakapagbibigay sa iyo ng distrakyon.
Laging tandaan kung bakit mo ito sinisimulan
Ang pag-alala sa dahilan kung bakit mo sinimulan ang bagay na nais mong makamtan ay tiyak na hahayaan kang magpatuloy ng magpatuloy. Wala nang mas nakakainspire at nakaka-motivate kaysa sabihin sa iyong sarili ngayon na makakaya mo ito, at kung bakit mo ito ginagawa sa una pa lang. Napakahalaga na lagi mong ipagpatuloy ang pakikipag-ugnay sa kung ano ang nagbibigay-inspirasyon sa iyo.
Kapag ang mga bagay ay tila nagiging kumplikado, at nararamdaman mong gusto mo nang sumuko, mangyaring huwag gawin ang bagay na iyan. Laging magbibigay ang Diyos ng dahilan para tayo ay magpatuloy lang sa buhay. Panghawakan at alalahanin ang mga dahilan kung bakit ka nagsimula.
Maraming mga indibidwal ang sumusuko kapag hindi sila tunay na naniniwala sa kanilang mga pangarap o di kaya'y nahirapan na sa unang yugto pa lang ng pagkamit ng kanilang mga hinahangad na pangarap. Sa pamamagitan nito, masasabi kong walang shortcut sa tagumpay. Ang bawat isa sa atin ay maaaring kailangang umakyat sa rurok ng isang mabatong bundok ng tagumpay bago ito mapunta sa ating mga kamay. Manampalataya ka lang sa Diyos at maniwala sa proseso. Siguradong makakarating tayo doon.
Ang bawat salitang nabanggit ay may kaakibat na kiliti kapag iyong binasa. Tunay ngang maganda ang iyong pagkakasulat.