August 29, 2021
Writer: Stories4u
Normal na sa ating buhay na makaranas tayo ng iba’t ibang sakuna tulad ng mga bagyo, sakit at iba pa. Sa pagdating ng mga ganitong sakuna, hindi natin maiiwasan ang pagkawala ng mga bagay na mahalaga sa atin hindi lang kundi at maaaring pagkawala ng mga ating mahal sa buhay. Ngunit sa hindi natin inaasahan, palubha ng palubha ang mga dinaranas nating sakuna, na mas malakas pa kaysa sa nakalipas na mga taon.
Sa kasalukuyan, isang sakit ang ating dinaranas hindi lang an gating bansa kundi maging saang lupalig ng mundo. Corona virus disease-2019 o mas kilala sa tawag na Covid-19, ito ang pangalan ng sakit na kasalukuyang dinaranas ng mundo. Ang sakit na ito ay nagsimula sa bansang China at kumalat sa ibang ibang lugar maging ang ating bansa.
Dahil sa banta na dulot na ito, ang mga lider ng bansa ay nagpatupad ng mga iba’t ibang alituntunin para mapigilan ang sakit na ito. Sa ating bansa, an gating pangulo ay nagpatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ buong bansa. Kaagapay ng ating pangulo sa pagsugpo ng sakit na ito ang mga tinaguriang frontliners upang maprotektahan tayong mga backliners at kailangang sumunod sa mga utos ng pangulo. Sa unang lingo ng pandemic na ito, mga pinuno sa mga lugar ay nagpahayag ng kanilang tulong sa pamamagitan ng mga relief goods, maging ang iba’t ibang personalidad ay nagpahatid ng kanilang sariling tulong sa kanilang mga kababayan tulad ng bigas at makakain.
Ang ating pamahalaan naman ay nagtalaga ng isang programa na tinawag na Social Amelioration Program o SAP o mas tinawag na ayuda, sa pamamagitan nito ang pamahalaan ay nagpapamahagi ng pera bilang tulong sa ating kababayan. Ang pahayag ng pamahalaan sa atin, tayong mga Pilipino, dapat ay magkaroon tayo ng disiplina at sumunod sa mga alituntunin upang mas mapabilis ang pagpuksa sa naturang virus at magkaroon na tayo ng mapayapang pamumuhay.
Alam nating lahat kung gaano tayo maapektuhan ng covid-19 kapag tayo ay nahawaan nito. Kailangan lang natin mag-ingat sa araw-araw, ugaliing maghugas ng kamay at mag alcohol, at kapag tayo ay lalabas magsuot ng mask at umiwas sa mga matataong lugar. Matuto tayong sumunod sa utos ng pamahalaan upang tayo ay makaiwas at maprotektahan ang ating mga sarili maging ang sarili nating pamilya.
Latest Articles
Have a blessed night guys!
At this juncture, I want to say thank you for reading! This has been @Stories4U . I hope you are well entertained!
Special thanks also to my sponsor ate @OfficialGamboaLikeUs . May God bless you more po 😊
tama, wala namang masama sumunod sa pamahalaan ayun oang talaga pasaway tayo