Ikaw bay may problemang hinaharap sa ngayon?
Sa buhay natin kasama na natin ang mga pag subok sa pang araw araw nating pakikibaka dito sa mundong ibabaw bibigyan tayo ng panginoon ng problema upang e test ang ating pananampalataya sa kanya at sa mga oras na yun huwag tayong lalayo o bibitaw sa kanya mas lalo pa tayong magdasal upang malagpasan natin ang pagsubok na iyun.
Sa 35 years kung pamamalage dito sa mundo masasabi kung marami na akong napag daanan lalo pa at kamiy mahirap lamang ngunit sa bawat trials na iyun ay mas lalo akong naging matibay mas lalo akong napalapit sa Panginoon dahil sa tuwing mag isa lang ako kinakausap ko siya nasasabi ko sa kanya lahat ng hinanakit ko sa dibdib , ipinipikit ko ang aking mga mata habang nakikipag usap ako sa kanya hindi ko man siya nakikita pero nararamdaman kung may roong nakikinig sa bawat salitang aking binibigkas at unti unti gumagaan ang aking pakiramdam na para bang may nagpupunas sa aking mga luha sabay yakap sa akin upang akoy maging mapanatag ang loob.
I am blessed
Minsan mas iniintindi pa natin ang problema na ating kinakaharap iniisip natin na wala tayong blessings na natatanggap dahil nakafucos lang tayo sa mga hindi kanais nais na pangyayari sa atin nalimutan natin yung mga magagandang bagay na nakapalibot sa atin .
Masasabi kung napa ka blessed ko dahil mayroon akong malusog na pangangatawan, meron akong trabaho , may nasisilungon , may nakakain araw-araw, at higit sa lahat ang kaligtasan at kalusugan ng aking buong pamilya hindi ko man sila nakakasama pero pinunan lahat ng iyun ng Panginoon.
Kaya sa lahat ng may mga pinagdadanan ngayon.
Huwag po tayo mawalan ng pag -asa lage nating iisipin na habang may buhay may kaakibat na pag -asa sa huli kung ikaw ngayon ay walang trabaho, maraming utang na bayarin ,mayroong dinaramdam na sakit, walang bahay na matutuluyan , walang makain lahat ng yan ay pagsubok lamang gumawa ka ng paraan upang maalis ka sa kinalalagyan mo ngayon kung gusto mo nang pagbabago sa iyung sitwasyun ngayon work for it huwag kang maghintay ng himala dahil sabi nga ni Nora Aunor ay walang "HIMALA ".
Mensahe:
Ang problema hinaharap hindi iniiwasan dahil lahat ng yan ay may solusyon ang pag iwas ay isang maling hakbang kaya magkaroon ka ng lakas ng loob para harapin ito at isipin mo lage na Hindi ka mag iisa sa pag harap nito isama mo palagi ang Panginoon sa lahat ng laban mo sa buhay upang ikaw ay magtagumpay.
Hanggang dito na muna ang aking maikling artikulo naway hindi kayu mababagot sa pagbabasa nito ,itoy galing sa aking pusot isipan sapagkat lahat ng nabanggit ay aking naranasan ang problema koy walang katapusan pero akoy naging matatag para sa aking mga mahal sa buhay.
Sa aking mga minamahal at magagandang dilag na sponsors maraming maraming salamat sa inyu napaka swerte ko at nakilala ko kayo sa pamamagitan ng plataformang ito hindi man tayo magkakilala personally pero yung bonding natin dito ay nagbigay sa akin ng lakas upang ipagpatuloy ko ang anumang aking nasimulan dahil nandyan lang kayu handing sumupurta sa aking desisyon at dahil dyan lubos ko itong ipinagpasalamat sa Panginoon at nagkaroon ako ng makakausap kapag akoy nakaramdam ng pag iisa.
Sa aking mga magbabasa, mga nag comment, sa mga nag upvote maraming salamat!
Date published: October 23,2021
Tama ka sis..lahat ng problema ay Kelangan harapin para mas lalo pa taung tumibay..