November 03,2021
Araw ng meyerkules, gumising ako ng 7 am kahit na 2am na ako nakatulog sa isang ofw na katulad ko ang limang oras na tulog ay sapat na iyon , dali dali akong naligo dahil ilang araw na din akong hindi naliligo lol.
Pagkatapos kung maligo at nagbihis pagtunog ng alas otso agad akong lumabas ng aking kwarto dahil alam kung gising na ang dalawa kung amo dahil yung isa ay kapapanganak lamang, at hindi ako nagkamali tumawag agad at nagpatimpla ng tea.
Pagkatapos kung magtimpla ng tea dinala ko na sa kanilang kwarto sa itaas dalawang palapag kasi itong nererentahan nilang apartment pero maliit lang ang espasyo inilapag ko sa lamesa ang aking tinimplang tea,at ang sunod kung ginawa ay kinuha ang kanilang mga basura sa dust bin at ang mga huhugasing milk bottle .
Pagkatapos kung maghugas ,pause ng kaunti at akoy mag post muna sa noise.cash syempre dahil 17 hours nang nakalipas ng huli kung update wala na akong kikitain nito hihi.
Atlast nakapag post na din sa noise.cash at syempre balik ulit sa trabaho mamaya na mag heartback wag po kayo mag alala mag heart back ako mamaya lol.
Akoy bumalik sa itaas dala ang hinugasan kung mga bote ng gatas at inilagay ko sa lalagyan wala akong imik sa dalawang camel ay este madam pala basta tahimik ko lang sinusunod ang kahit anong inuutus nila kahit minsan ang sarap ng sasagutin at dahil yung pasensya ko mahaba pa sa mga Sungay nila kaya magpasalamat sila hahaha at dahil nasa itaas na ako hindi nalang ako bumaba ulit tatapusin ko nalang ang mga linisin sa itaas agad akong naglinis ng banyo madalian lang para makadotdot agad .
Trivia lang guy's ng kaunti:
Ang mga amo ko talaga ay marami na din naglayas na mga katulong dati katunayan nga yung katulong na nauna sa akin ay hindi tinapos ang kanyang kontrata kaya pala nung pagpunta ko dito ay 2 weeks akong nag stay sa tiyuhin nila dahil ayaw nilang maabutan ko ang dati nilang katulong dahil baka daw anong ipinagsasabi sa akin Kaya habang naghihintay sa ticket doon muna ako nag stay at kinuha nalang nila ako nung naka alis na ang dating katulong na hindi tinapos ang kontrata, kaya panay sabi nila sa akin na bihira silang makatagpo ng isang katulad ko na blessings daw ako sa kanila kaya panay maganda ang ipinapakita nila sa akin pero minsan hindi talaga nila maitago yung tunay nilang ugali hahaha.
Anyway balik na tayo sa gawain ko mamaya na tsismisan...
At sa wakas natapos ko nang linisin ang banyo ang sunod ko namang ginawa ay nilabhan ko yung damit ng bata kailangan kasi e hand wash ayaw nila ipalagay sa washing machine baka magka allergy daw ede wow hahaha .
At pagkatapos bumaba na ako pause ulit tingin muna sa cellphone basa basa ng kaunting article kahit isa lang muna mamaya naman yung iba ganyan lang ang routine ko bilang isang kasambahay tanging kasa kasama ko ang aking cellphone siya lang ang nagpapangiti sa akin hahaha.
Sa pagsusulat ko nito ilang ulit akong tinawag ng amo ko kapag may inuuutos sila kaya medyo struggle is real yan po yung trabaho ko ,pero thankful pa rin ako sa kabila ng lahat dahil syempre kahit nahihirapan ako minsan pero kailangan ko ito hindi lang para sa sarili ko kundi sa mga taong umaasa sa akin di bale ng akong maghirap basta may maipakain lang ako sa pamilya ko nagrereklamo man ako minsan kasi hindi naman maiiwasan yun tao lang din ako may damdamin na masasaktan char.
Message:
Alam ko sa sarili ko wala talaga akong maisipan na isulat simula pa kahapun , talagang blangko yung utak ko siguro sa dami ng iniisip ,mga bayarin kaya medyo lutang sa buhay nagsulat ako nito kasi alam kung madali lang itong maisulat lalo pa at tagalog ang ginamit ko unlike kapag English baka aabutin pa ako ng bukas bago maka pag upload ulit alam nyo na mababa lang ang pinag aralan" grade one lang ang inbot ko no read no write pa ako paano na ngayon ang buhay ko" ay sorry kanta pala to.
Maraming maraming salamat sa lahat ng tumangkilik at nagbigay ng oras para basahin ito sa mga mag cocoment, mag upvote at sa mga mababait kung sponsors naway pagpalain pa kayu ng may kapal , hanggang dito nalang muna hanggang sa muli nating pagkikita paalam hihihi.
Date published: November 03,2021
Napakahirap talaga mangamohan sis..ganu kana katagal jan sa mga amo mo sis? Anyway,laban lang pra sa pangarap