read.cash Log in
@Sirpogs

The Power of a Mother's Love [Missin' My Mother]

There is absolutely no love in this world like the love of a mother. There is something that cannot be filled, no matter what anybody tells you.  **The Power of a Mother's LOVE** Mother's love and emotional availability are vital to their children’s well-being. They brings lights to the family, something that is unreplaceable. With the statement mentioned above, I created a poem focusing on the sacrifices and Loved of a mother. I hope you will find time to read it. ***Tinig na MA[hiwaga]*** Nak gising na Boses nanaman iyon ni Mama Una niyang sambit sa umagang tila hindi nanaman tiyak ang patutunguhan, kagaya ng dati, gising, aral na inaantay lang matapos ang oras parati. Dali daling Bumangon Kahit hinihila pa ng kama pinilit tumayo, ipinadyak ang mga paa. "OPO Ma AKO'Y BABANGON NA" Nak bilisan mong kumilos at baka mahuli kana. Pagkatapos mong maligo kumain ka, Wag kang papasok na Walang laman ang sikmura. Tinig nanaman ni Ina na walang sawang nagpapaalala, kahit ako'y nasa wastong gulang na. Pagkatapos maligo, kumain at magbihis, ito na papasok na, 'di niya nakalimutang magsabing Anak baon mo pala, baka makalimutan mo't baka magutom ka sa iskwela, sabay sambit ko ng "Salamat Ma" Alis napo ako, pahabol niya ang salitang "mag-ingat at nak galingan mo ha" walang ibang nasambit kundi "Opo Ma". Alam mo sa sarili mong malaki ang takot na iyong nadarama baka kasi madapa ka at hindi mo maabot ang gusto nila para sa'yo ganoon paman nagpapatuloy ka, hinaharap ang hirap para maabot ang mga pangarap kahit hindi tiyak ang bukas patuloy na sinusuong ang mga alon, hindi nagpapatangay, nagpapatuloy, lumalaban, inilalaan ang lakas sa kasalukuyan upang maabot ang rurok ng katagumpayan. Ginagawa, pinagsusumikapan, kahit sa anong kaparaanan. Sandata lamang ang tibay ang may lalang ang SIYANG gabay Mandirigma ka sa iyong panahon Nakikipaghabulan sa oras at panahon upang makabangon, upang makaahon ***Dahil sa isang RASON...*** na kung nahihirapan ka mas nahihirapan sila, ngunit walang bakas ng hirap ang makikita sa kanilang mukha kapag naiisip mong sumuko na.. Iniisip mo muna ang hirap at sakripisyong ginagawa nila, para makapag aral ka, para matupad mo ang mga pangarap na binuo mo kasama sila, upang madala ka sa magandang katayuan at maging maayos ang iyong kinabukasan ***KAYA MO'YAN, KAKAYANIN MO'YAn*** *Nay Mahal Kita*

#TulangPasalaysay Yours Truly --Sirpogs

30¢

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.