This is a poem originally written by yours truly, during lockdown. This is based on my experiences and observations as well in the year 2020 where there was a lockdown and at the same time binuksan ang taong panuruan 2022-2021.
PS: it is written in FILIPINO LANGUAGE, I hope you will read and appreciate it. I will publish also the English version of it soon.
Thank you!
July 14, 2021
11:29am
Ang buhay ng tao ay parang nobela
Nahahati sa mga kabanata
Bawat taon ay may bagong istorya
at sa bawat istorya ay may lungkot at saya
Taong 2020, binago niya ang lahat
Ito ang taon kung saan sinubok ang katatagan ng marami sa atin
Maraming nawawalan na ng pag-asa
Hindi na alam kung saan kukuha ng lakas para magpatuloy pa
maraming mga tanong sa isip at marami ring nakadama ng takot at pagkadismaya.
Isa ka ba sa kanila?
araw-araw nilalamon ng pangamba
kung kakayanin pa, kung magpatuloy pa ba, dahil nakakapagod na ng sobra
Sa tuwing gigising sa umaga
wala na ang tuwa sa mga dating ginagawa
parang ang hirap nang
hanapin ng saya
hindi naman sa tinatamad ka
ngunit hindi makahugot ng lakas kung papaano sisimulan ang lakad
bakit sa bawat pag hakbang ay may takot at pangamba
bakit sobra naman ata ang kaba
Pilit na bumabangon pero bakit parang may humihila
pabalik sa madilim na sulok na nakasanayan na nga atang kasama
Pinipilit namang kumawala, pero bakit ang bigat, bakit ang hirap
hindi makita, hindi masilayan, unti-unti nang
nabibitawan ang salitang PAGLABAN.
Parang humihinto ang mundo,
hindi na alam kung saan patungo, saan dadako?
hanggang sa maligaw nanaman ako
Nasaan na nga ba ang daan?
wala na bang paraan?
Parang isang kandilang unti-unting nauupos,
liwanag nito'y unti-unti ring nauubos.
kailangan pigilan ang pagpatak
ng kandilang ito,
na kumakatawan sa mga luha ko
Hindi maaaring marinig ng iba,
ang hikbi at iyak,
dahil sanay silang nasisilayan
ang matamis na guhit ng aking mga labi:
ang ngiti, ang tawa, ang saya
GANOON NILA AKO NAKILALA...
Hindi maaaring makita nila
ang malakas na "AKO" na ngayon ay nanghihina
tinatangay nanaman ang isip ng malakas na alon
hindi nanaman alam pa'no aahon
nalunod nanaman sa kalungkutan
'di nanaman alam pa'no lalaban
nandito nanaman ang isip ko
bumubuo nanaman ng sariling mundo
hindi nanaman alam saan huhugot ng lakas
hindi alam paano tatakas
WAKAS!
END THOUGHT
Always find time to talk to your loved ones, you don't know what they're going through everyday and the word "hello" "how are you" really means a lot to them. Because DEPRESSION HAS NO FACE!
I read the publish article of @TengoLoTodo it is mentioned there that he is struggling with depression and I hope and Pray that you will cope with it. God will protect you.
Thank you as always to my very kind sponsors @TengoLoTodo @Bloghound @OfficialGamboaLikeUs
God bless you and your family ❤️❤️❤️
Yours Truly❤️
--Sirpogs
Isa ako sa dyan , araw araw halos di ko na alam ang aking gagawin, ang aking pakiramdam ay wala ng saysay ang aking buhay dahil hindi ako matulong sa aking pamilya , pero hindi ako sumusuko lahat ng lungkot pangangamba ay dinadaan ko nalang sa sulat at binabahagi ko dito sa readcash. Hanggat may pag asa malalampasan lahat ng ito.