Landas [Salamat at Patawad]

4 38
Avatar for Sirpogs
3 years ago

Noong mga panahong maayos pa ang lahat, no'ng hindi pa dumarating ang krisis na kinahaharap ng buong mundo ay buwan ng Marso at Abril isinasagawa ang araw ng pagtatapos subalit dahil sa pagbabagong dulot ng pandemya ay naging Hunyo ang araw ng pagtatapos ng karamihan sa mga estudyante at malaki ang pagbabago rin ng moda ng Programang isinagawa bawat paaralan.

Bago ako tumungo sa aking pormal na pagtalakay ay magbabalik tanaa muna ako sa aking nakalipas.

--Alaala ng nakalipas

Naalala ko dati 'yong mga araw na nakasuot kami ng puting toga kasama ko 'yong mga kaibigan na naging kasangga ko sa paaralan at sa pagtupad ng aking mga pangarap

Recognition muna bago sumalang sa Graduation dito kasi isinabit sa amin yong mga katas ng pinaghirapan namin

JJvAL [Lima sana kami kaso lumipat na kasi 'yong isa naming troops sa ibang school]

Isa si @Loveleng18 sa mga mabubuting kaibigan❤️😂.


Upang parangalan ang mga gurong walang sawang umalalay at nagbigay ng kanilang buong lakas upang maihatid sa magandang kinabukasan ang bawat estudyante ay narito ang isang likhang tulang pasalaysay ng inyong abang lingkod.

SALAMAT at PATAWAD

hindi man isang makata

na kayang gumawa ng makabagbag na tula

sisikapin kong ihayag ang nais nais sabihin at nararamdaman

gamit ang aking puso't isipan

magsisimula ako sa pasasalamat,

maraming SALAMAT aking guro

sa walang sawang pagturo,

sa walang sawang paggabay at sa iyong laging pag-alalay.

SALAMAT sa mga panahong ating pinagsaluhan, maikli man ngunit marami kaming natutuhan

SALAMAT sa mga gabing pinagpupuyatan,

matapos lang ang lesson plan,

gabay sa kung ano ang gagawin nang maayos na maihatid at mapaunawa

ang bawat aralin.

SALAMAT sa mga salitang iyong binitawan, pangakong itatatak sa puso't isipan

at hindi namin iyon makalilimutan.

SALAMAT sa pagtayo bilang pangalawang magulang,

hindi man ikaw ang nagbigay ng buhay, ikaw naman ang isa sa naging tulay upang pangarap ng bawat isa sa'min ay unti-unting magkakulay

SALAMAT sa pag-ibig na inyong pinadama na parang bang tunay na Ama't Ina,

laging nagpapaalalang mga Anak mag-aral ng mabuti, wag pairalin ang katamaran at wag petiks-petiks lang, mga salitang lumalabas sa bibig mo sa tuwing katamaran ng iba sa'min ay nangingibabaw imbes na kasipagan 'to.

sa ami'y lagi nagpapaalala na hindi sat ang talino, kailangang may takot sa Diyos at maging mabuting tao.

SALAMAT sa pagbukas ng isip at pagpasok ng mga aralin na kailangan ng bawat isa sa'min

SALAMAT dahil kahit kayo'y may sakit mas pipiliing pumasok sa skwela upang ibahagi ng kaalaman nang sa ganon kami'y may matututunan

SALAMAT sa pagsisilbing baitang sa hagdan patungo sa pgtupad ng aming mga pangarap.

SALAMAT sa pag-intindi at pagtuwid sa baluktot naming ugali, sa pagsisilbing kasangga sa tuwing may takot at pangamba.

SALAMAT sa lahat ng sakripisyo at PATAWAD...

PATAWAD sa pagiging makulit na minsa'y pinagmumulan ng iyong galit,

PATAWAD sa katigasan ng ulo na pilit niyong binago.

PATAWAD sa mga kahinaan namin,

PATAWAD sa mga pagkakamaling nagawa ng bawat isa sa'min,

ikaw sa'min ay gumabay kaya't binibigyan ka namin ng pagpupugay, kami ay napakapalad dahil nagkaroon ng gurong walang katulad, minsan istrikto pero ayos lang para din naman sa amin ,to.

PATAWAD dahil hindi namin kayo lubos na kilala bilang guro, PATAWAD sa mga oras na hindi kami nakikinig sa inyo.

alam naming hindi sapat ang TAWAD at PASASALAMAT pero pwede bang ito nalang?

Ma'am at Sir mahal na mahal po namin kayo, kayo ay walang katumbas at kapantay, maraming salamat at naging parte kayo ng aming buhay, ang aming dalangin ay magandang kalusugan upang trabaho'y maayos na magampanan at marami pang kabataang matulungan at madala sa MAGANDANG KINABUKASAN.

Sa lahat ng mga nagsipagtapos, sa taong panuruan 2020-2021"PAGBATI" hindi naging madali para sa inyo ang taong ito, subalit nagsikap kayo uoang lagpasan ang lahat ng hamong ibinabato sa inyo, at goodluck sa panibagong tatahaking landas. Magtagumpay sana ang bawat isa.

Yours Truly

--Sirpogs

Sponsors of Sirpogs
empty
empty
empty

Maraming Salamat po sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin.

6
$ 0.15
$ 0.10 from @OfficialGamboaLikeUs
$ 0.03 from @ARTicLEE
$ 0.01 from @Bloghound
+ 1
Sponsors of Sirpogs
empty
empty
empty
Avatar for Sirpogs
3 years ago

Comments

Tagos puso :D makikita talaga dito ang pagpapahalaga mo sa kanila. Sarap sabayan sa background un Salamat ng The Dawn :D

$ 0.00
3 years ago

tulo luha talaga pag gano'n.

$ 0.00
3 years ago

Thanks sa pag mention teng. Nakakamiss yung araw na yan.

$ 0.00
3 years ago

sobrang nakakamiss sana maulit muli yong mga oras na ganoon

$ 0.00
3 years ago