Room 201

5 60
Avatar for Sheng04
3 years ago

Eto lang ang kasunod na kwento ng isa kong story noon.. Kung hindi mo pa ito nababasa, pumunta lamang sa link na ito ๐Ÿ‘‡

https://read.cash/@Sheng04/ghost-hunting-tagalog-f3efe49d

***

Sa tuwing nagkaklase kami sa room 201 ay hindi talaga makagalaw si Mcdo sa kanyang kinauupuan.. Laging tahimik at nakikinig sa Lesson.

Alam namin kung bakit pero gusto namin na maging komportable siya.. Pero hindi namin magawa..

"Lagi siyang nasa harapan ko masama ang tingin, namumula ang mga mata ang Isang lalaki na naagnas ang muka.."

Lagi itong paulit ulit na sinasabi ni Mcdo.. Kaya minsan noong wala kaming Teacher ay naisipan naming Puntahan ang Room 201.

Naka locked ang Room 201 ngayon dahil hindi ginagamit.. Eto lang ang nilolock na Room sa 2nd floor.. Siguro dahil may hindi talaga tama sa Room na yon..

Mag 5pm yun ng hapon, nasa harap kami ng Room madilim dahil sarado ang ilaw.. Walang mga bangko.. Kundi isang walang laman na Room.

"Dali try mo videohan.. Baka may makita tayo!" Sabi sa akin ni Kim noon.

"Ehh ikaw na akin na cellphone mo.. Lowbat ako!" Sagot ko dito

"Talaga bang ituloy naten to? Baka magalit sa atin si Mcdo?" Sagot sa amin ni Pam.

Tatlo lang kami noon na nagbabalak.. Pero gusto din namin makita kung ano ang nakikita ni Mcdo. At kung totoo ba talaga ito.

"Ohh bilis videohan mona!" Binigay sa akin ni Kim ang kanyang Cell Phone.

Isa daw Bodega dati ang room na ito ngayon ginagamit nalang talaga ng mga Mapeh Teacher.. Ang room na ito ay may Bintana na parang Grills kaya makikitanmo talaga kung sino ang nasa loob.. Magkabilaan ang bintana nito, na hindi katulad sa ibang room na may Jalousie Window.

Pinasok ko sa Grills ang kamay ko.. Habang hawak hawak ko ang Cellphone ni Kim. Mga ilang minuto nang pagvivideo ay nagulat kaming bumaba si Mcdo kasama ang isa pa naming kaibigan na si Alex.

"HUY!!!" Nagulat kami dahil sumigaw ito. Pero nakatingin siya kung saan naka pasok ang aking kamay.

"Bakit?" Tanong ko sakanya

"Alisin mo na ang kamay mo diyan!! Bilisan mo!" Agad ko itong sinunod at dali daling nistop ang video.

***

Tinanong ko kung bakit ito sumigaw kanina.. Pero nagsisi ako na itinanong ito sakanya.

"Yung lalaki.. Yung lalaki nasa harapan mo na kanina nakatitig ng masama sayo!"

Nangilabot ako noon kaya noong pag balik namin sa Room agad namin pinanuod ang video na kinuha namin.

3 minutes ang video.. Noong una ay walang nangyayare pero noong nag2 mins ay biglang may dumaan na mabilis.. Pabalik balik ito hanggang sa malapit ng matapos ay may puting usok sa harap ng camera.

Sa sobrang takot ko ay nabitawan ko ang Cellphone ni Kim

"Ggo kaba?!" Inis na sabi sa akin ni Kim

"Grabi oy di kaba natakot?"

"Natakot pero wag mo na naman bato.."

"Jusko e nagulat ka din naman!!"

"Sabi sainyo totoo yon! Kaya wag na wag nyo ng uulitin yon!" Galit na sabi sa amin ni Mcdo.

Maraming nakichismis na kaklase namin at lahat sila ay kinilabutan at natakot ng dumaan sa room 201. Noong uwian ay nag kanya kanya na kami. Si kim ay sumakay ng Jeep pauwi sa kanila.

Ipopost nya nga daw iyon sa Facebook kapag uwi niya dahil hindi pa noon uso ang mga data na load. Kaya sa school laging walang kaming pang Data kundi umaasa lang sa mga Wifi na sobrang Hina.

Nagaantay ako sa Facebook noon na iPost ni Kim ang Video. Nichachat na nga namin si Kim noon pero wala siyang reply sa amin. Kaya naisipan nanamin siya ng masama noon.

***

Kinabukasan ay nagantay kami kay Kim, at pumasok nga ito. Tumakbo pa kami sakanya at tinanong kung bakit di siya nag Online kahapon.

"Yung Cellphone.. Nawala siya sa Bag ko.. Kaya kahapon pinagalitan ako ni Mama dahil nawala ko yung Cellphone.."

Nagulat kami sa aming narinig.. Maiyak iyak na nga noon si kim

"Yan sinasabi ko sainyo.. Buti nga ganyan lang ang nangyari sayo.. Yung iba nga naaksidente para lang hindi maipakita yang ebidensya."Wika ni Mcdo sa amin

Tumaas ang balahibo namin noon at simula noon ay itinigil nanamin ang video video na yon dahil baka kung ano pa ang mangyari sa amin.

End

Thank you po sa pagbasa!

Note: This is a true Story of Us. This happened when we are on Highschool

19
$ 0.82
$ 0.82 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments

Saya suka dengan artikel anda;artikel ini mengajarkan cara mendapatkan uang;mari saling mendikung untuk mendapatkan uang

$ 0.00
3 years ago

sorry what? hehe

$ 0.00
3 years ago

$$โ™กโ™กโ™ก

$ 0.00
3 years ago

Done Po

$ 0.00
3 years ago

thank youuuu

$ 0.00
3 years ago