Ghost hunting (tagalog)

2 70
Avatar for Sheng04
3 years ago

Laging kinukwento sa amin ang mga napapanaginipan ni mcdo. Di ko na nga alam kung totoo ang mga sinasabi niya until one day pati kami nakaramdam na pero hindi ito ang kasunod na kwento.

Ito ay tungkol sa Ghost Hunting naming magkakaibigan, naisipan namin na mag Ghost hunting sa aming paaralan plano namin libutin lahat ng floor pababa.

Una naming try is sobrang nakaka kaba, nagpahuli kami sa mga umuwi na at umakyat na sa 3rd floor, ako si mcdo boyfriend nya, si kim, pam at alexadria bali anim kami nagpartner partner kmi habang naglalakad . Pag tung tong palang namin sa floor ay lumakas ang hangin makikita sa pasilyo ang sobrang dilim liwanag na nagmumula lang sa buwan ang ilaw namen. Unang room na nadaanan namin ay nakita naming nag gagalawan ang kurtina sa sobrang lakas ng hanging na akala mo ay may bagyo, nasa gilid kami kung saan malayo kami sa room. Padaan palang kami sa pangalawang room bigla namang gumalaw ang isa sa mga bangko at biglang bumukas ang pinto. Napatingin si Mcdo at sinabing Bilisan na namin ang paglalakad. Medyo natakot na ko sa pananalita niya.

ayan yung school namin 🤩

Tinitignan ko padin ang mga classroom na nadadaanan namin wala kong ibang nakikita kundi mga nagliliparang kurtina. "Bilis be may nakita ako!" bulong sa amin ni Mcdo pababa kami ng 2nd floor at doon madadaanan ang 201 na kung saan isa itong bakanteng room na minsan lang ginagamit kapag P.E class marami daw nagpaparamdam doon.

Di na namin nagawang ikutin ang 2nd floor at 1st floor.. Noong malayo na kami sa School tinanong namin ano ang nakita niya.. Puro Blurred daw na imahe pero mas malinaw yung imahe sa room 303 kung saan yung pinto ay biglang bumukas at ang silya ay gumalaw. Yung iba kasi doon sira ang lock kagaya ng room 303 minsan di nadin nila nilalock mga pinto sa ikatlong palapag. Nakita nito na nanlilisik ang mga mata sa amin at galit na galit yun daw ang dahilan bat gumalaw ang silya at bumukas ang pinto.

Pag uwi ko noon ang sama ng pakiramdam ko, nanaginip nga din ako na nag goghost hunting pa din kami sa school at nakikita ko mga multo pero hindi malinaw sa bawat room na nadadaanan namin. Kaya nagising ako ng alas tres ng madaling araw at pakiramdam ko may nakatingin sa akin nagdasal ako ng taimtim hanggang sa nakatulog ako.

Pag pasok namin sa school may nabalitaan kami na may namatay daw sa room 203 kaya pala may mga nakasinding kandila.. Dinasalan nila ito noong umaga namatay daw dahil sa Heart Attack. Nagulat kami at hindi namin iyon inaasahan. Isa na siyang 4th year Highschool di na din namin inal kung bakit na Heart attack.

At noong kinagabihan bumaba kami ni mcdo para mag Cr nang nakita namin na maraming tao sa tapat ng guidance office katabi kasi noon ang Cr, sinilip namin kung anong meron at nakita namin ang nakahigang babae at hawak hawak ng mga studyante ang mga mata nito ay nanlilisik at galit na galit at nagwawala. First time ko makakita ng ganon, Noong taon pa naman iyon madaming nababalitaan na school na maraming sinasaniban na estudyante. Kaya medyo natakot ako noon.

"Hala fefi bilisan na naten baka kung ano pa mangyare sa akin" Lapitin daw kasi sya ng sanib, gusto ko pa sana makichismis pero malelate na kami sa last class namin at natatakot na si mcdo.

Di namin alam nangyayari sa School pero tuwing naboboring kami ay nag GoGhost hunting padin kami. At ganon pa din ang nangyayari malakas na hangin at laging may nagdadabog. Nagulat nga kami nang may sumigaw samin sa dulo " Hoy magsibaba na kayo! Kung ayaw niyong malockan ng gate!" Kaya dali dali kaming bumaba naiwan pa nga ni mcdo yung sapatos nya doon sa tapat pa ng room 201 kaya binalikan nya pa ito at napatingin daw siya sa room 201 at doon nagsisisigaw siya pinuntahan namin siya at tinulungan namin makatayo noong time kase na iyon wala yung boyfriend niya absent, kaya nauna na kami bumaba. Namumutla si mcdo at hindi makapagsalita..

Noong nakalayo na kami sa school at nahimasmasan na siya dun niya sinabi ang nakita niya. "Isang lalaki na naagnas ang muka nakakatakot dahil nanlilisik ang mga mata" Kinilabutan kami ng todo.

Doon namin nalaman ang muka ng multo sa room 201. Hindi masyado ginagamit yun dahil isa iyong bodega na tinatambakan ng silya. Pero noon ay wala ang mag silya dahil ginamit daw. Sobrang takot kami kapag doon ang klase namen..

Lagi nalang di mapakali si Mcdo pag doon ang classroom namin lagi siyang nangangatog pero nakaharap lang ang ulo nya sa harapan. Sabi niya sa amin nanggugulo sakanya yung multo sa tuwing nandoon kami at tinititigan siya ng masama.

End ❣️

Sana nagenjoy kayo 🙏 This is a real story . Okay lang kung di kayo maniwala 😃

Have a strong Faith with God because he is our Saviour. 🙏

Thank you everyone!

9
$ 3.62
$ 3.62 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments

Dhjfsgjhcsdikbsdukhdayjjcstjjddjjggtuihggtuigsfjkjvdryijgsshkvd

$ 0.00
3 years ago

why?

$ 0.00
3 years ago