This is the continuation of Kingdom. Kung hindi mo pa ito nababasa, mas mabuti muna itong basahin para madali itong maunawaan.. π
https://read.cash/@Sheng04/kingdom-da0c81a7
***
Habang nakaupo ako kaharap ang mahabang lamesa at isang babaeng punong puno ng alahas sa katawan.
Isang masasarap na putahe ang nakahain dito.. Ang mga nagdadala ng pagkain ay may mga alahas din na hindi mo akalain na mga alipin ang mga ito..
"Ano pang hinihintay mo? Kumain kana." Malaki ang boses ng babae na to nakakatakot dahil di mo aakalain na sa ganda niyang iyon may tinatago din siyang kapangitan.. Alam ko na hindi niya talaga yun itsura.. Nakita ko ang mga mata niya na sobrang bilog at kulay Brown kitang kita ko ang kulay kahit ang layo ko sakanya..
Kumuha ako ng mansanas upang kainin habang nililibot ko ang aking mata sa palasyo niya na punong puno ng mga disenyo.. Puro ginto at pilak ang mga kagamitan nito. Ang mga nakasabit sa dingding niya ay mga ulo ng mga mababangis na hayup tulad ng tigre, leon, oso at iba pa.. Ang mga tao roon ay nagsasaya at nagkakainan..
"Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ng reyna. Nagulat ako sa kanyang boses at napatingin agad sa kanyang mga mata.
"Liyah po." Hindi ako makagalaw at nahinto sa aking kinakain.
"Kumain ka ng kumain at mamaya ay may surpresa ako sa iyo." Agad akong lumantak ng mga baboy o lechon at mga manok. Hindi ko alam bakit ko ginagawa to.. Para akong nakokontrol, kaya naisip ko na hindi tumingin sakanyang mata..
"Oh tubig Liyah, dahan dahan lng baka ika'y mabulunan." Inabot sa akin ni rolly ang isang basong tubig habang siya ay nakangiti sa akin. Hindi ako tumingin sa mga mata niya noon. Pero hinawakan niya ako at kinuha ko agad ang inaabot niyang baso..
Di ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko kapag nahahawakan niya ang kamay ko..
Natapos akong kumain nang biglang pumalakpak ang Reyna.. Isang magandang babae na may hawak na tray na may takip ang papunta sa harapan ko.. Nagulat ako nang buksan niya ito.
Mga kendi.. Kending may iba't ibang kulay.. Kending may iba't ibang hugis... Hugis bilog, pahaba, tatsulok at iba pa.
"Kumuha ka nang itim na panghimagas mo.."
Hindi ako tumingin sa mga mata niya kaya hindi niya ko nautusan..
"Busog na po ako.. Salamat po, pero kailangan ko na pong umuwi sa amin.." Nakayuko kong sabe dito.
"Hindi ka maaaring umuwi! Nandito kana at hindi kana makakabalik sa mundo mo!" Isang napakalaking boses ang nagpatigil sa lahat ng tao sa palasyo.
"Pe-pero mahal na Reyna.. Inaantay na po ako ng Pamilya ko, pauwiin nyo na po ako.."
"Kung uuwi ka.. Uuwi kang wala nang buhay.."
Humagulgol ako at tumakbo ako sa harapan nito.. Upang magmaka awa at payagan ng umuwi.
"Sige na po nagmamakaawa ako!"
"Kahit ano! Kahit anong hingin nyo ibibigay ko pauwiin nyo lang po ako!"
Isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa Reyna. At di ako makapaniwala sa sumunod na sinabi nito.
"Isang Sanggol mula sayo! Bigyan mo kami ng isang sanggol mula sayo! Yun lang ang magpapalaya sayo dito!"
Nanindig ang aking balahibo at tuloy tuloy ang agos ng luha ko.. Hindi ko alam ang gagawin ko pero lahat sila ay tumatawa. Eto ang hindi ko napansin sa kanilang kaharian.. Walang bata sa palasyo nila.
***
Wala na akong naisagot sa Reyna at hinatid ako sa isang kwarto ni Rolly. Lutang at walang kibo.. Paulit ulit sa utak ko ang sinabi ng Reyna.
"Pasensya ka na sa inasal ng Reyna ha."Pinuntol ni Rolly ang nkakabinging katahimikan. Ngunit hindi ako sumagot at humiga sa kama para matulog.
"Lahat kami dito ay hindi maka buo ng isang sanggol.. Kailangan namin kumuha ng mga babae sa labas ng mundo para paramihin ang aming lahi namin.. Marami na dito ang namatay at nagpakamatay.. Lahat sila ay bigo na mabigyan ng isang sanggol ang Reyna. Hindi kami tumatanda o namamatay, kaya sabik kami na magkaroon ng sanggol sa aming kaharian." Nagulat ako dahil nagbahagi si Rolly sa akin. Ngunit humahagulgol nanaman ako dahil di ko mapagilang isipin na ang sarili ko.. Ang sarili ko ang kailangan para makaalis dito..
"Namimiss ko na ang Mama ko! Mga kapatid ko at ang lola ko! Pls ayokong isuko ang sarili ko sa inyo!"
"Pero kung kinain mo lang ang mga kendi kanina siguro ay nakabalik kana sa iyong pinanggalingan.."
Nahinto ako sa kanyang sinabi at agad hinarap siya..
"Anong ibig mong sabhin."
"Ang mga kendi na iyon ang magpapalaya sa iyo. Pero wag na wag mong pipiliin ang Itim na kendi na may hugis na puso."
"Bakit anong mangyayari?"
"Magiging bahagi ka na namin at hinding hindi ka na makakauwi." Ngayon ko lang nakita ng malinaw ang kanyang mata amg kanyang mukha. Seryoso ito at punong puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata.. Tahimik ko lang siyang pinapakinggan sa kwento niya.
"Mahal ko si Gregoria. Siya ang nagiisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko.. Pinili niyang sumama sa akin dito.. Nagulat ako dahil masaya siya.. Pumayag siyang dito manirahan.. Ngunit nabigo kami na bigyan ng sanggol ang aming mahal na Reyna, kaya pinalayas siya dito at hindi na pinabalik.. Simula noon ay tinanggalan na kami ng koneksyon.. Nakikita ko siya ngunit si Gregoria.. Hindi na niya ako nakikita.."
Naawa ako dito dahil habang kinukwento niya ito ay tumutulo ang kanyang mga luha.. Ngunit pamilyar ang babae na ito..
"Sino siya.." Isa lang ang kilala kong may pangalan sa bayan na ito.. Hindi ako pwedeng magkamali dito.
"Ang lola mo.. Oo kinuha kita pero hindi para magbigay ng sanggol.. Kundi para ipasabi ang aking nararamdaman sa Lola mo.." Ramdam ko ang sakit habang kinukwento nya ito..
"Alam kong walang kasalanan ang lola mo alam kong kami ang may mali dahil hindi kami makabigay ng anak, pero gusto ko.. Gusto kong sabihin mo sakanya na hinding hindi ko siya papabayaan at lagi lang akong nagbabantay sakanya.."
***
Habang ako ay kumakain sa harap ng Reyna, hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi sa akin ni Rolly.. Dahil kapag nakalabas na daw ako dito hinding hindi ko na din daw siya makikita at ang kaharian.
Papalapit sa akin ang isang tray na nakatakip.. Hindi ako mapakali at hindi makapag antay na kumuha at kumain nito..
Pinili ko ang pulang kendi na may hugis na Puso.. Nakita ko ang Reaksyon ng Reyna. Pagkabigla at pagka mangha.. Pati si Rolly ay napatulala sa aking pinili.. Hindi ko alam bakit pero noong kinain ko ito ay nawalan ako ng malay.
"Liyah!!"
"Liyah!!"
"Ate asan kana!!"
Kilala ko ang mga boses na iyon.. Masakit ang aking ulo noon pero di ko ito ininda at tumayo.. Naalala ko itong lugar na ito. Nasa totoong mundo na ako! Tumungo ako sa kinaroroonan nila mama at mga kapatid ko.. Tuwang tuwa sila noong makita ako at gayun din ako..
Kinuwento ko sakanila lahat ang nangyari.. Kinuha ko pa ang camera ko para ipatingin sa kanila.. Ngunit puro itim lang o blangko ang mga kinuha ko doon sa kaharian..
"Hindi.. Hindi maari.. Nakita ko talaga yon! Pinicturan ko pa!" Inulit ulit kong hinanap ang mga larawan ngunit wala..
"Anak, magpahinga ka muna.. Ilang araw ka ding nawala alam ko pagod ka.."
"Asan si lola?"
"Nagpapahinga siya sa itaas dahil-"
Hindi ko na pinatapos ang sinabi ni mama at agad akong umakyat kung nasaan si lola.
"Lola!!" Nabigla ako sa nakita ko.. Isang matamlay at nanghihinang matanda ang naabutan ko.
"Lola anong mangyari sayo!!" Nakangiti ito sa akin ngunit tumulo ang mga luha nito.
"Salamat at nakauwi ka na at walang nangyaring masama sayo.."
Kinuwento ko lahat ang pangyayare sa kanya.. Ngunit nagtataka lang ito.. Kung sino si Rolly.. Kumirot ang puso ko noon at hindi alam ang nangyari.. Pero baka nakalimutan ni niya ito sa katandaan.
Isang bulong.. Isang bulong ang aking narinig.. Na alam kong siya yon.
"Lando.. Lando ang pangalan na kilala niya.."
"Lola si Lando po."
Noong pagkabanggit ko sakanya noon ay nagumpisa ng tumulo ang mga luha nito.. Tuwang tuwa siya sa mga narinig niya at makikita mong malakas at masigla na siya..
Natutuwa ako sa mga nangyari.. Nawala man ang mga nakuha kong litrato pero hindi mawawala sa isip ko ang mga tao doon..
Pero hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nabigla silang lahat sa aking napili.. Ano kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod.. Naririnig ko padin si Rolly pero hindi ko na siya nakikita..
End
Salamat sa pagbabasa! π₯°
I had to subscribe your page because of your article very interesting keep it up βΊοΈ