Jeepney Driver

2 23
Avatar for Sheng04
3 years ago

This Story is about how hard a work of a Jeepney Driver. Some Filipino People don't know that the work of a Driver is so hard.

***

"Manong para sa tabi!"

"Sandali lang ho.. Ita-.."Di na naituloy ni manong dahil kahit umaandar ay bumaba ang lalaking pasahero.

*Prrrrrt prrrrrt*

Isang malakas na pito mula sa isang Pulis na nanghuhuli sa kalsada ang narinig ni Manong Lito.

"Magandang Umaga po ano pong aten?"Isang magandang bati nito sa Pulis.

"Nako Manong Penalty kayo, nagbaba kayo ng pasahero sa hindi tamang babaan."

"Eh pero Sir kasi pinilit niyang bumaba kahit umaandar pa ko.."

"Sana kase manong sinabihan mo.. Hindi pwedeng magpababa nalang basta basta sa kalsada!"

"Pasensya na po talaga.. Kasi kahit anong sita ko po bumababa sila.."

"Hindi paba aandar to?!"

"Nako mukhang matagal pa yan.."

"Lumipat na nga tayo ng Jeep."

"Hoy manong amin na binayad namin.."

Narinig ni Manong na nagrereklamo na ang kanyang mga Pasahero.

"Hindi po ba pwedeng pagusapan nalang to.."

"Oh sige manong di kita titikitan o kunin ang lisensya mo.. Magbayad kana lng ngayon ng 500."

"Ha e bakit po ang mahal.."

"500 o ang Lisensya mo?"

Walang nagawa si Manong Lito kaya naibigay niya ang naipon nitong kita ng dalawang araw.

***

"Ma.. Andito na ko.." Bati nito sa kanyang asawa.

"Pa may tuyo diyan kumain kana.."

"Pasensya na Ma natikitan ako ngayon eto lang muna mabigay ko.." Nag abot ng konting pera si Manong Lito sa kanyang asawa.

"Bakit eto lang?! E magdamag kang nasa kalsada diba?!"

"Nahuli ako ng isang Pulis ka-.."

"Kasi sa katangahan mo! Kahit kailan ka talaga, ano tuyo nalang ba ang uulamin ng mga anak naten kung hindi tuyo.. Asin o toyo?!" Galit na paliwanag ng kanyang Misis.

"Pasensya na talaga Ma.."

"Pasensya?!! Nakakain ba yan?!"

***

May dalawang anak si Manong Lito, isang 5 limang taong gulang na babae at apat na taong gulang lalaki.

20 years na itong nag Dadrive ng Jeep at nabibigyan lng ng Violation dahil sa makukulit na Pasahero..

Minsan pa nga ay nagsita siya na wag muna bumaba e mas nagalit pa ang kanyang Pasahero.

Alas sais ng umaga hanggang alas syete ng gabi si Manong Lito bumabyahe upang kahit papano ay maka Boundary ito.

"Magandang Umaga Manong Lito!" Isang pag bati ng kanyang suking Pasahero.

"Magandang Umaga din sayo Iha, ohh may pasok ka ngayong Linggo?"

"Ahh hindi po may kikitain lang po sa bayan."Sagot ng Dalagita.

"Hoy Lito iandar mo na yan ng makarami din kami!"

Sigaw ng kapwa niya Driver. Kaya inandar na ni Manong Lito kahit di pa napupuno ang kanyang Jeep ng Pasahero.

"Nako manong bakit inandar nyo agad baka wala kayong kitain niyan."

"Hayaan mo na Iha, mas okay na yan kesa mapaaway ako.."

"Di naman tama yon Manong ikaw nauna sa Pila eh."

Nginitian nalang ito ni Manong at bumabyahe ng taimtim.

***

Noong hapon ay sobrang lakas ng Ulan ilang pasahero ang sumakay kay Manong Lito.

"Doon ka na sa likod pre mababasa ka diyan.." Sabi ng lalaking katabi ni Manong sa Harapan. Binalewala niya yun dahil tama naman ang sinabi nito.

"Manong pakibaba naman tong trapal mo nababasa na kami!" Wika ng isang pasahero niya sa likod.

"Pakitanggal nalang po iyang butones at kusa na yang bababa."

"Jusko manong hindi namin alam! Mas mabilis kung ikaw na." Pagpupimilit nito kay Manong.

Walang nagawa si manong kaya agad tong bumaba sa Jeep para ibaba ang trapal niya. Ngunit napansin niya ang lalaki na may kinuha doon sa kita niyang pera at agad itong bumaba.

"Magnanakaw!" Sigaw nito sa lalaki at hinabol niya ito..

Madulas ang daan at nahabol niya ang magnanakaw ngunit dumikit sa kanyang tyan ang panaksak ng lalaki na ikinagulat ni Manong Lito..

Napahiga ito habang dumadaloy ang kanyang dugo sa daloy ng ulan sa kalsada..

Pilit siyang nakikipag laban kay kamatayan dahil ayaw niyang maiwan ang pamilya niya na nahihirapan. Kinaya niya ito kahit mahirap..

Kaya sa kahit na sinong makahalubilo naten ay ugaliing maging mabuti dahil hindi natin alam ang kanilang pinagdadaan sa buhay.

6
$ 2.00
$ 2.00 from @jiroshin
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments

❤️❤️❤️ interesting article keep it up dear

$ 0.00
3 years ago

Thank you 🙏🙏

$ 0.00
3 years ago