This is the part 1 of the Story 👇👇
***
Minsan lang siya magpunta doon sa Libray madalas wala ito. Hindi ko pa nga siya natatanong kung anong Year or Section niya dahil hindi talaga siya Pamilyar sa akin. Minsan pag 4 at wala na si Ma'am Lily ay pumapasok na siya.. Lagi nga silang hindi nagkakatagpo kasi pag malapit na mag 5 agad ng umaalis di Adrian para hindi daw siya malate sa kanyang Last Subject.
"Oh mukhang Blooming ka ngayon ah, may paribbon kapa sa ulo!" Bungad sa akin ni Manong Guard sa Gate.
"Ahaha! Manong inspired lang."
"Inspired o Expired?"
"Hahaha!"
Nagulat ako dahil sumingit sa amin si Ynnah na laging nangbubully sa akin.
"Ewan ko lang sa mukha mo? Expired ata gamit mong make up kaya puro kulubot na yang mukha mo.." Sagot ko kay Ynnah. Di ko alam san ako humugot ng lakas para sagutin ang babaeng ito. Pero ang alam ko lang sawa na ko mag pa apak sakanya.
Nakita kong nagtatawanan ang mga Studyante sa kanya.. Kaya ang sarap sa pakiramdam dahil nakaganti na ako.
"How dare you?!!" Tangkang sasabunutan na niya na ako noon ngunit nakita ko yung balat ng saging na katabi ng basurahan noon na biglang tinangay ng hangin papunta kay Ynnah dahilan ng pag ka dulas nito. Nagulat ako dahil di naman matatangay yung balat ng saging bakit ganon..
"HAHAHAHA!"
"Ayan karma yan sayo!"
"Haha! Buti nga sayo pangit!"
Mga bulungan ng studyante kay Ynna..
"Ano Krystal?! Di mo ko tutulungan ditoo??!"
"Why naman kasi di ka tumitingin?!"
"Shut up!"
"Hoy tigilan niyo na kakabully nyo kay Chelsea kung ayaw nyo maGuidance ha!" Pagtatanggol sa akin ni Manong Guard, sabay ngiti sa akin.
"What?! Really Manong? Ako na nga nadulas, ako pa nangbully?!" Pagtatanggol ni Ynnah sa sarili niya.
"Karma is real! Bagay ka diyan mukha ka kasing lumot." Sabay alis pero narinig ko pa itong bumulong pero hindi ko na pinansin.
Umalis na ko dahil masyado ng maraming nanunuod sa amin at baka mareport pa kami..
***
Noong Vacant ay hindi ko nakita si Adrian dahil madalas tuwing 4 lang siya nagpapakita.. Pero iba pala ang makikita ko..
"Well, well, well ang munting katulong ni Lily.." Wika ni Ynna habang papasok ng Library.
Wala sa oras na yun si Ma'am Lily kundi nasa Canteen para bumili ng kanyang pagkain.
"Oh bakit andito kayo? Eh di nga kayo marunong mag-aral hahaha.." Matapang kong sagot kay Ynnah kahet na natatakot na ako noon.
Isang Bully si Ynnah.. Yung iba natatakot sakanya dahil grabe manakit.. Minsan mananabunot o mananampal nalang siya. Di siya na eexpelled kasi may kapit sa Principal.. Mayaman kasi ang Pamilya. Yung dalawang Tropa niya na si Krystal at Lyra sa tingin ko nahawa lang ng kamalditahan sa kanya.
*Paaaaaaaaak!*
Di na ako nagulat na masampal ni Ynnah. Sanay na ako dahil madalas niya itong ginagawa sa akin..
"Sa susunod umayos ka! Hindi mo alam sino ang binabangga mo!"
"Kilala kita isa kang kawawang babae na walang alam gawin kundi manakit ng kapwa!" Buong tapang kong sagot sakanya..
*Pakkkkkk
*Pakkkkkk
*Pakkkkkk
Sunod sunod na sampal na mula sa kanila.
"Nagmamatapang kana?! Bakit sino pinaglalaban mo?! E wala kang Kaibigan!" Gigil na sabi ni Ynnah
"Hoy sis tara na baka maabutan pa tayo" Singit ni Lyra
Hindi ko man lang naramdaman ang sakit ng kanilang mga sampal bagkus ang sakit ng nararamdaman ko ngayon kung bakit galit na galit sila sa akin ay malapit ng sumabog..
"Tapos na kayo? Kung di kayo magbabasa.. Umalis na kayo.."Hindi ako nagpatinag sa takot ko at sumagot padin ako.
"What the?! Gusto mo talaga a-.."
"Ynnah! Ano nanaman iyan!" Sigaw ni Ma'am Lily sakanya.
"Ahh wala po ma'am nakikipag ayos na kami sakanya.." Pag tatanggol ni Lyra sa mga kaibigan.
"Yes Ma'am nakikipag ayos lang kami.. Bye Chelsea see you!" Plastik. sabay taray ni Ynnah saken.
"Ayos kalang bat may sugat pisngi mo namumula pa?" Pagaalalang tanong ni Ma'am Lily sa akin.
"Ahh wala po yan Ma'am.. Mamaya palang uwian baka di ako makapunta dito, ipabantay mo nalang po kay Adrian.."Kumunot ang noo ni Ma'am Lily sa sinabi ko..
"Ha e sinong Adrian? Sige okay lang wala naman akong klase mamaya dahil pinagpahinga ko muna sila para makareview bukas sa Exam."
"Sige po ma'am need ko din po kasi mag review mamaya kaya kailangan kong umuwi ng maaga.."
***
Nagpaalam ako kay Ma'am para maglabas ng sa ng loob sa bakanteng lote sa likod ng school namin.. Hindi ko kayng kimkimin to dahil wala naman din akong masasabihan..
"Bakit?! Bakit kailangan nyo akong saktan!!" Malakas na sigaw ko noon, walang mga tao o maski mga bahay noon tanging Puno at malawak na lote lang ang makikita at sa likod ay ang School namin..
"Mahirap ba akong mahalin?!" Nasasaktan na ako sa Pang Bubully Nila.. Apat na taon tiniis ko mga Pambubully nila sa akin..
Naramdaman kong lumamig ang paligid habang nakaupo sa naputol na puno ay nakayuko akong umiiyak..
"Umiiyak ka nanaman?"
Napalingon ako sa nagsalita.. Di ako nakontrol ang sarili ko at tumakbo para yakapin siya..
"Ang sa-sakit.. A-ano bang mali ko at gi-ginaganito nila ako." Para akong batang nanlilimos ng Pag Ibig..
"Tahan na.. Wala ng mangaaway sayo.. Andito na ako.."Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at haplos ng kanyang kamay sa aking ulo..
Kahit papaano ay nahimasmasan ako dahil kay Adrian.. Siya lang ang nagpapa gaan ng loob ko..
Napakabango ng kanyang Cologne parang bulaklak na hindi ka magsasawang amuyin..
"Sa-salamat.."at noong ay bumitaw na ako sa yakap niya.
"Grabi basang basa ang uniporme ko sayo hahaha!" Pangaasar nito sa akin..
"Sorry na lalabhan ko na-"Di ko na natuloy ang nasabi ko dahil hinalikan niya ako sa aking pisngi..
"Okay kana?" Nakangiting sabe nito ngunit di ko maiwasang mapangiti..
Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun.. Dahil sakanya nagbago ang lahat.. Nagbago lahat sa akin.. At sa pag babago kong iyon ay nagkaroon ang nga mga bagong kaibigan.. Dahil sakanya nag bago ang buhay ko..
***
Next ay ang Last Episode ❤️
Salamat sa Pagbabasa!!
[deleted]