Everlasting love part 2

2 28
Avatar for Sheng04
3 years ago

Part 1 of this story https://read.cash/@Sheng04/everlasting-love-part-1-2b8adc4b

***

Zarish's POV

Gustong gusto ko siyang yakapin, gustong gusto ko siyang halikan at sabihing miss na miss na kita..

"1 year palang ang nakakaraan noong iniwan moko.. Lahat ng sakit nanumbalik noong nakita ko siya. Hindi ko alam sino siya pero pakiramdam ko ikaw at siya ay iisa.." Nasa harap ako ngayon ng puntod nang pinakamamahal kong Kasintahan.. Namatay siya sa isang aksidente..

Ang huling sinabi niya sa akin na magiging masaya siya ngayon dahil makikita at makikilala niya na ang Totoong magmamahal at magpapasaya sakanya.

Masakit sa akin yon pero mas masakit ang pag iwan niya sa akin. Alam ko may dahilan ang lahat kung bakit nangyari sa kanya yun.. Kaya kahit hindi ko alam kung kanino siya nakipagkita noon ay pinayagan ko padin siya.

Isang taon na noong iniwan mo ako pero hanggang ngayon.. Ikaw padin ang nasa puso't isip ko.. Masasabi ko na sa sarili ko na matapang ako dahil hindi ako lumuha sa harap ng mahal ko o sa kamuka ng mahal ko.

***

"Zarish! Zarish!" Hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa akin si Jimwel. Nanlambot ang puso ko pero kailangan ko tong pigilan.. Ayokong masali siya o malaman ang aking nakaraan.

"Why?"

"Naiwan mo.." Nagulat ako dahil eto ang aking diary.. Kinuha ko agad to sakanya.

"Thanks." Binilisan ko ang pag lalakad ko..

Hindi ko na dapat to ipagpatuloy.. Kailangan ko ng lumipat ng iskwelahan.. Di ko siya kakayanin na makita araw araw.. Alam ko wala syang kasalanan pero ang sakit sakit.. Dahil nakikita ko sakanya ang mahal ko.

Pero hindi pwede.. Si mommy napaka supportive niya sa akin.. Simula noong namatay si Max, araw araw kumayod si mama para lang makapag aral ako sa skwelahan na ito.. Binigay niya lahat ng luho ko para maging malakas, pero hindi padin sapat yon.. Lahat ng pasakit at paghihirap ni mama habang nagtatrabaho ay nakita ko pero nagbulag bulagan ako.. Hanggang siya ang naaksidente, wala na kong pag asang mabuhay noon. Pero lumaban si mama para sa akin.. Oo nabuhay siya kaya ngayon lahat ng sakripisyo at paghihirap niya para mapag aral ako ay papalitan ko ng sipag at tiyaga sa aking pag aaral kahit ikadurog pa ng aking puso..

Gustong gusto ni mama na dito ako magaral.. Gusto niya dito ako magtapos kaya di ko kayang suwayin si mama dahil mahal na mahal ko siya at sobrang stressed na siya.

Jimwel's Pov

Habang tumatagal mas nagiging misteryosa niya sa akin. Lalo na at nabasa ko ang ibang page ng Diary niya.. Nawalan na pala siya ng minamahal.. At sure ngayon hindi siya makapag move on kaya mas gustong gusto ko siya makausap o maging kaibigan..

"Jimwel! Halina at baka gabihin tayo!" Sigaw sa akin ni lola sa baba na kanina pa nagaantay.

"Opo lola!" Lingo lingo kaming nagsisimba. Malakas ang pananalig namin sa kaniya lalo na noong iniwan ako ni inay.. Sakanya lang kami kumapit at hindi bumitaw.. At ngayon kahit papaano ay mas naging matibay ako..

***

"Apo.."

"Bakit po lola?"

"May gusto akong sabihin sayo.."

"Ano po iyon lola?"

"Jim!!! Saan kayo punta?" Nahinto ang paguusap namin dahil sumingit sa amin si Bricks.

"Pauwi na kakatapos lang namin magsimba bakit?"

"Tara! Sama ka muna sakin."

"Oh apo mukang aalis kayo.. mauuna na ako umuwi"

"Ehh lo-" Di ko na naituloy dahil hinila na ako ni Bricks.

"Ingat ka paguwi lola!" Ngumiti lang ito at diresto na naglakad.

"Ano ba yan Bricks! Mamaya kung ano mangyari sa lola ko e." Galit kong sabe dito dahil minsan nakakainis din mga ginagawa nito e.

"Sorry pre. Gimik sana tayo kasi di na kita nakakasama simula noong nawala si mama mo.."Nalungkot nanaman ako at naalala ko si mama.

"Ohhh sorry na Jim tara na minsan nalang eh!" Pagpupimilit neto sa akin.. Sumama nalang ako tutal namiss ko na din gumimik kasa mga tropa.

"Sige saan ba?"

"Sa bahay nila Jenna! Birthday nya ngayon kaya inaaya niya tayo pumunta."

Siya yung babaeng nag Confessed sa akin ng feelings. Awkward man pero sumama padin ako para di naman ako mag mukang Guilty sa ginawa ko.

***

"Wow! Ang lalaking nag Busted sa akin! Thank you at pumunta ka ngayon.." Bungad na bati sa akin ni Jenna

"Salamat. Sinamahan ko lang to-"

"Shhhhh.. Pasok welcome kayo dito! Kalimutan ang nangyari sa nakaraan at magsaya ngayon.."Halatang nakainom na ang babaeng to.

Malaki ang kanilang bahay at masasabi kong parang mansion na ito. Di ko siya Nibusted pero hindi ko siya sinagot dahil yung mga araw na yun masakit pa din ang pag kawala sa akin ng inay ko kaya siguro di ko napansin ang mga tao sa paligid ko.

Isang taon palang noong nawala siya sa amin kaya sariwa padin. Pero dahil sa aking lola at Panginoon ay tumibay ako..

"Jim! Tara dito at sumayaw!"

" Sige inom lang ako dito." Inaaya ako ni Bricks pero hindi ako marunong kaya andito lang ako sa gilid umiinom..

"Wow beer.. Try mo Wine para di ka malasing.."Nagulat ako nasa tabi ko na pala si Jenna.

"Happy birthday nga pala"

"HAHA! Salamat!" Halatang masaya siya dahil kahit di nakakatawa ay tumatawa siya.

"May sasabihin sana ako sayo e."

"Oh ano ba yun Jenna?"

"Noong naaksidente mama mo."

"Ha?" Nakita ko sa mukha niya na seryoso na siya.

"Nakita ko mama mo.. Kasama ka niya.. Hindi ako pwedeng mag kamali.."

Nagtataka ako sa mga sinabi niya dahil noong naaksidente si mama ay nasa bahay ako kasama si lola.

"Kitang kita kita kasama ang mama mo noong naaksidente kayo!"

Thank you For Reading!

Next episode later sorry busy po kasi.

7
$ 4.60
$ 4.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @jiroshin
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments

Bitiiiin 😂

$ 0.00
3 years ago

HAHaha waiiiit 😝

$ 0.00
3 years ago