Jimwel's Pov
Isang madilim na paligid sa malawak na bukirin tanging Buwan lang ang nagsisilibing ilaw.. Isang babaeng mahaba at maitim na buhok ang nakatalikod sa akin.. Isang makapal na usok ang pumapaligid sa amin.. Tila ba ako'y nasa langit..
***
"Jimwel!! Jimwel!! Alas sais na ng umaga at ika'y bumangon na diyan!!". Nagulat ako at napaupo agad sa kama.. Akala ko totoo na yun, isa nanaman palang panaginip..
"Opo lola eto na" Papungas pungas kong sagot sa lola ko.
Gabi gabi ko nalang napapanaginipan yung babae na yun.. Simula noong iniwan ako ng aking inay.. Tanging Lola ko ang kasama ko sa bahay.. Yung babaeng laging nagpapakita sa panaginip ko ay tinururing ko nalang na si nanay, dahil siguro hindi ko pa matanggap na wala na siya..
"Osya eto na ang baon mo at lumakad kana sa iyong skwelahan." Dali dali kong kinuha ang nakabalot ko na pagkain kay lola at binigyan ng halik sa kanyang pisngi. Tinuring ko na ding parang nanay si lola dahil sobra nitong pag aalaga sa akin.. Ang papa ko nag tatrabaho abroad kaya hindi din kami nito magkasundo tulad sa aking lola..
Isa na akong Grade 11th sa isang kilala iskwelahan dito sa aming bayan.. Malaki, malawak at maganda ito, aakalain mong Pribadong skwelahan to pero ito lamang ay Pambulikong Paaralan..
"Jim!!!!! Broo Nabalitaan mo na ba???!" Taranta na tumatakbo ang tropang kong si Bricks
"Tungkol sa babae nanaman yan no?" Isa sa chikboy kasi sa school lahat ng babae ata kilala na nya hahaha.
"May bagong istudyante dito at maganda bro at ang se-.."
"Hi Bricks tara sa canteen?" tanong ng babae sa kanya.. Tuwang tuwa nanaman ang Unggoy.
"Hahahaha! Kita tayo mamaya sa klase jim ahh!!" Agad silang nakalayo dahil sa pagkakahatak ng babae.. Napailing na lang ako sakanila.
Hindi kalayuan sa amin ang School.. Kung lalakarin lang ito mga 5mins lang nasa school kana. Napaisip nanaman tuloy ako sa babaeng napanaginip ko kung minsan kasi nakikita ko na ang mukha niya kaso Blurred at nakakalimutan ko agad pag gising ko..
Papunta na akong Room noon at may napansin akong babae na kahawig na kahawig ng nasa panaginip ko.. Tumakbo ko ng mabilis para mahabol ang babae ngunit hindi ko na nakita.. Likod na likod talaga nya yon!! Nakakatawa man isipin na likod lang ang nakita ko pero alam ko na siya yun.
"Uy bat ka tumatakbo bes?" Tanong sa akin ng Best friend kong si Pia.. Kababata ko si Pia, siya lagi ang karamay ko sa tuwing nalulungkot ako.. Siya din ang may alam sa mga sikreto ko..
"Ahhh wala kasi ano.. Malelate na tayo tara na bes!" Hinila ko na siya para pumasok sa room, hindi kasi siya hihinto kakatanong kapag di ko nasagot ang mga tanong niya..
Nagaantay nalang kami na pumasok ang Teacher namin kaso nagulat ako nang may biglang pumasok, bago lang to sa klase namin ahh..
"Te-teka.. Sino yung babaeng yung bes?"
"Alin yung babaeng mahaba buhok na kakapasok lang?"
"Oo.. Bago lang ba siya?"
"Ahhhh! Si Zarish yan bago lang dito, nakilala ko siya kanina naglalakad lakad. Naliligaw ata kaya tinanungan ko.. At yun bagong kaklase pala naten"
"Teka!! Wag mong sabihin tinamaan ka agad diyan ahh? ayieee..." Pahabol na tanong niya sakin pero napatingin ulit ako sa babaeng yun at umupo siya sa likod namin..
Isang morena, matangos ang ilong at bilugan ang mata at muka.. Isang maamong mukha ang nasa harap ko ngayon na para bang matagal ko ng hinahanap hanap sa buhay ko 😳
"What?! Hey!!?"
*,,,,,,,,,,*
"What's wrong with him?"
"Hoy bes!" Kasabay noon ang malakas na batok ni Pia sa akin.. Nakatulala pala ako sakanya nakakahiya.. Feeling ko tuloy namula ang mga pisngi ko..
"Sorry may kahawig ka kasi.. Ako nga pala si Jimuel.."
"So what?" Inirapan lang niya ko at mas lalo akong nahiya dahil doon.
"Nakalimutan kong sabihin sayo na masungit siya..." Bulong sa akin ni Pia.
***
Buong araw siya lang ang nasa isip ko.. Naalala ko pa ang muka niya.. At kinakabahan ako dahil nasa likuran ko lang siya na pakiramdam ko tinitignan niya ko..
Noong naguwian agad siyang tumayo at umalis.. Gusto ko sana siyang habulin pero hindi ko na nagawa dahil nga ang bilis niya maglakad.. Ganon talaga siguro ang advantage kapag maliit. Hahaha!
***
Isang malamig na gabi.. Punong puno ng puno ang paligid at isang makapal na usok ang pumapaligid dito.. Isang mahinang iyak galing sa gilid.. Pinuntahan ko ito at laking gulat ko na nakita nanaman ang isang babae..
"Zarish??" Mahinahon kong bigkas ngunit hindi ito lumingon bagkus nilakasan niya pa ang kanya iyak..
Patakbo na sana ko sakanya..Pero..
"Wag kang lalapit!"Napatayo ito sa kanyang kinauupuan.. nagulat ako sa huling sinabi niya..
"Wag na wag kang lalapit sa akin kahit na kailan, kahit anong mangyari wag na wag mo akong kaibiganin. ." Habang binibigkas nya yon nakatalikod siya sa akin..
Napatayo ako sa aking kinahihigaan dahil alam kong panaginip lang yon.. Alam ko ang nga panaginip na yun ay totoo.. Pero di padin ako makapaniwala sa nangyari..
***
Zarish's POV
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.. Bakit kailangan ko pang makita siya..
Alam ko.. Alam ko hindi siya yon.. Pero bakit pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko..
Sa mga araw na nagdaan.. Hindi siya maalis sa puso at isip ko.. Alam kong di niya ko makikilala..
Pero bakit ganito.. Bakit napakaliit ng mundo.. Ang sakit sakit.. Lahat ng mga nagyari sa akin nakaraan ay nanumbalik noong nakita ko siya..
Bakit.. Bakit.. Siya yung lalaking minahal ko ng lubos noon.. Pero hindi siya yun dahil Patay na siya..
THANK YOU PO SA PAGBABASA!!
ABANG PO MAY NEXT EPISODE PA 😘
No love is everlasting than the love of God