read.cash Log in

@Shawn09

Joined 21 October 2022 · 2998 posts

Gege_06 First time Mom struggling but fighting πŸ€±πŸ‘ΆπŸ’ͺ

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Shawn09

Natuwa na nasurprise ako kanina dahil dito. πŸ₯° May naligaw sa aking notification. Ito ang unang-una at feeling ko ay galing yan dito. Surprise πŸ˜―πŸ™€ Makikita nyo rin dyan yung notification galing sa seller ng Lazada na inorderan ko ng gamit ng pusa ng kapatid ko. Hirap kasi magpaligo gawa ng nangangalmot kaya inorderan ko ng cat bag at panlagay sa paa. Hehe At hindi ko na nga alam kung bumuka ba ang sugat ko o kung ano ba. May butas kasi sya at may lumalabas na tubig. Gusto ni Partner pacheck up ko daw. Syempre ayoko sayang din 400. Hehe

@Shawn09

Yung akala ko dahil papeklat na tahi ko sa pagkacs ay okay na yung sugat ko. Nag-iingat pa naman ako pero hindi ko akalain na susugat sya ulit. May mga cs Mom ba dito? Ano ginawa nyo para hindi matamaan ng garter ng undies at shirts ang sugat nyo? Chineck ko kanina sa salamin ayun may sugat na sya. Kaya siguro masakit ang nararamdaman ko. Akala ko ay guni-guni ko lang or paranoid ako yun pala nasugat na ulit. Bumili na ako underwear na highwaist na girdle kaso ang hirap din. Pag pinawisan at nangangati. Hayss. Ang hirap talaga pag may tahi. πŸ˜” Maulang hapon people. β˜”πŸŒ§οΈ

@Shawn09

Yung nalilito pa talaga ako sa kabila. πŸ˜… Almost same sya ng noise.cash maliban sa para syang party. Need invitation para makapagregister ka. Pag wala invitation read only ka lang. Sinasala na kasi ang mga spammer at iba pa. Hindi ka basta makakapagcomment at message. Kung titignan para syang fb kaso mas mahigpit. Hehe Pero hindi ko alam paano ka mag-earn. πŸ˜… Nahanap ko na yung invitation or link pang invite https://noise.app/invite/rmoxavel Goodnight people 😴

@Shawn09

I registered at noise.app because of curiosity. I've been seeing post and I thought that noise.app is noise.cash app in google play so I downloaded the noise.cash app only to find out that they are different. I'm not really active since they want me to avoid using phone. Reason why I don't know the updates. πŸ˜… https://noise.app/Shawn09 This is me at noise.app Don't know where to find the invitation link. πŸ˜…

@Shawn09

I've been seeing post in noise.cash about this noise.app so I got curious and look for an invitation so I can also register and try. My username here is different from my noise.cash. I'm wondering about something. πŸ€”

@Shawn09

Ito yung gamot na reseta ng doctor ko na two weeks ko lang nainom pero dapat talaga ay 1 month. Dahil nga kinapos na kaya hindi na ako nakapagpabili ulit. Ang nasa isip ko dapat unahin ang gatas ng anak ko bago ang akin. Hehe Nagustuhan din to ni Partner parang hindi daw sya nauubusan ng lakas. Plano ko pag sahod nya papabili ulit ako ng para sa aming 2. Bumalik kasi sya sa 12hrs a day na duty as machine operator kaya need nya vitamins. One day lang pa naman day off nya. Naappreciate ko effort ni Partner pero natatakot naman ako magkasakit sya kasi walang sapat na pahinga.

@Shawn09

Gusto ko talaga magkaron ng Maya Card kaya ayan bawas laman sa hiniram ko sa Gcash para ideposit sa Maya ko. Sana makuha ko yang Card para pwedeng withdraw na lang kung sakali na need ng cash. Pwede na kasi ako magpacash out pag nagkataon. Nagkaron din ako Cashback sa dineposit ko pati yung fee binalik din ni Maya. 😊 Yung isa naman malabo na macomplete ko kasi may Maya Savings na ako before pa magkamission. Hindi ko rin naman bet Eheads. 🀣 Goodnight people. Umuulan na kaya medyo malamig na. Sarap na matulog. 😴πŸ˜ͺ

@Shawn09

Gumawa si mama ko ng duyan na kumot pero hindi tumalab sa anak ko. Umiiyak pa din sya lalo pag gusto karga kaya tinanggal na din ni mama yung duyan. And ayan nga may time na pag nagigising sya at may ginagawa ako ginagamit ko paa ko pang tapik sa kanya. Ayoko na makaramdam sya na hindi sya pinapansin o hindi sya mahal. Syempre may sapin para hindi mismong paa ang didikit sa kanya. Hehe Good morning people. πŸŒ„ 🌞

@Shawn09

First time magupitan ng kuko ni Baby Shawn ko kanina. Struggle is real kasi nga baka magkamali ako. Nakakatakot baka magupit ko yung mismong balat nya. Sumakit likod ko sa tagal ng paggupit ko pero atleast hindi sya nasaktan. πŸ₯° Kayo din ba inilagay sa Bible unang gupit na kuko ng Baby nyo? Yan kasi sabi ni Mama ko. πŸ˜…πŸ€£

@Shawn09

Itsura namin kagabi sa higaan. Naglaba maghapon si mama kaya sa tabi ko natulog si Baby magdamag. At syempre hirap aki sa higa kasi dapat maluwag ang space ng anak ko. Binabantayan ki din siko ni Partner at baka matamaan ulo ni Baby. Ang gising talaga ng anak ko ay 2am tapos tutulog ulit ng 7am. Team puyat na naman ako. πŸ˜…πŸ€£ Ako na din nagpaligo sa Baby ko. Sinuot ko na lang binder para hindi mapwersa ang tahi ko. Hehe Maulang hapon People. πŸŒ§οΈβ˜”

@Shawn09

Maulang hapon sa lahat πŸŒ§οΈβ˜” Parang ang sarap magkape pero nagkape na ako na may gatas kaninang umaga. Nagpabili din ako tinapay kasi masarap kumain ng kumain. Parang hindi ko kaya ng walang tinapay kaya ayun lumabas si mama at bumili ng monay. Hehe Si Baby ko naman katabi ko kasi tulog sya. Panay gulat gulat ang anak ko kahit wala namang ingay kaya nasa tabi nya ako para yakapin sya. Feeling ko hindi maganda na lagi syang ganito eh kaya nakabantay lang ako.

@Shawn09

Kulambo para makaiwas sa lamok at kung ano pang insekto. Naglabasan ang gamu-gamo dito sa amin kaya pinakuha ko kay kuya ko ang kulambo na pang Baby. Mahirap na baka pumasok sa anak ko ang mga insekto. 1am pa nga ako gising at hanggang ngayon ay hindi pa ako makatulog. Hindi na ata umaabot ng 5 oras tulog ko sa isang araw eh. Hehe Good morning people. πŸ˜ŠπŸ˜‡

@Shawn09

Good morning πŸŒ„πŸŒ… Medyo malamig ang umaga. Dahil gipit kapit muna sa mga nagpapaloan ng wala masyadong requirements. Kung sakali mang ituloy ko ang loan na to this will be my second time na. Kung titignan parang ang laki ng interest pero feeling ko okay na to. May credit na rin ako sa PayMaya. Tinry ko at kung ikukumpara kay Gloan mas okay si Gloan. Tara na at magkape. 1am ata ng binaba si Baby ko at hanggang ngayon ay wala pa akong tulog. Bukod sa panay iyak Baby ko madami din insekto kaya bantay much ako. Hehe

@Shawn09

Dahil nga sa hindi ako mapakali ayun nagchat ako sa Shopee. Naghanap ako ng live agent kasi hindi naman masasagot ng FAQs nila ang concern ko. At para may laban ako ayan may screenshot. Hirap ako maghagilap pambayad tapos mauuwi sa wala. Iniiwasan ko talaga yung late fees tsaka bad record kaya malayo pa man inaasikaso ko na ang kautangan ko. πŸ˜πŸ˜‚

@Shawn09

Yung nagbayad ako ng due ko sa Sloan tapos hindi nagreflect. Pag ako lang talaga nagkalate fee bahala sila dyan. Nakaltas na sa Gcash pero ayan namumula pa kasi due ko na daw. Kaloka. At para makabayad nga dyan hinugot ko na yung nasa Maya ko. Hindi kasi buo sahod ni Partner kaya lahat na ng mahuhugot ko ayun hugot. May Lazada pa ako. 😭

@Shawn09

Yesterday was my Baby Shawn's first month celebration. I ordered customized number one cake but it doesn't look like number one. πŸ˜… I ordered this cake from my younger sisters church mate. It taste better than the cake that she sell before. I wish for my Baby to be healthy always. I love my Baby Shawn so much. I'm willing to sacrifice myself for him. 😊 I love you Shawn. πŸ₯°β€οΈπŸ˜˜πŸ‘ΆπŸΌ

@Shawn09

Almost 1 month na mula ng manganak ako kaya ito. Ilang buwan ko ding ininda ang ingrown ko. Hindi na talaga kinaya kaya ayan kinutkot na ni mama. Napapasigaw pa ako sa sakit kaya nagising ang Baby ko. Hehe Si mama naman nanginginig daw. Parang yung tagalinis talaga namin ng kuko. Nanginginig sya pag nililinisan ako. Hindi ko talaga kasi kaya masaktan. πŸ˜…πŸ˜”

@Shawn09

More malunggay for my Baby Shawn. πŸ‘ΆπŸΌ My doctor also recommended some malunggay capsule to have more milk. My Mom and OB want me to breastfeed my Baby. I also want to breastfeed him but I'm afraid that my milk is not enough for him. His current wait is 4.3 kg with mix feeding S26 and my milk. Tinola with lots of malunggay. 🍲

@Shawn09

Good evening πŸŒ† Waiting kay Partner na makauwi. 10pm out nya at nakakauwi sya mga 11pm or higit pa. Pag gabi kasi unti na lang bus na bumabyahe kaya umiikot pa sya pauwi. Baka kasi 11 or 12 pa dumaan bus. Hinihintay ko sya kasi alam kong hindi pa sya komportable dito sa amin. Parang hindi nga sya makakain ng maayos. Kagabi nagtinapay lang sya at saging. Ilang araw pa siguro papayat na sya kapag ganyan ginagawa nya. Hayss. Kung kaya pa sana ng budget namin at kung kaya ko alagaan ng maayos si Baby hindi kami magstay dito sa bahay ng parents ko. Tiis-tiis muna kami hanggang makaahon.

@Shawn09

Postpartum πŸ’” May mga tao talagang nagiging dahilan bakit nakakaramdam ng postpartum ang isang tao. Nasa punto ako ng pangiti-ngiti tuwing: *Sinasabi nila na hindi mo tinulungan anak mo. Kaya lumaki ulo nya kasi hindi mo sya tinulungan na makalabas. *Iyak ka kasi ng iyak kaya ka napagod kaya hindi mo nakaya normal delivery. Nagpabebe ka pa sa asawa mo. *Hindi ka marunong magkarga kaya siguro nagkabukol anak mo sa likod. Napilay na siguro. *Wag kang papagutom. Nakakabaliw yan sa bagong panganak. Mga sinasabi nila na hindi nakakatulong sa akin. May time na sinisisi ko sarili ko. Buti na lang andyan si Partner laging sinasabi na "Wag kang maniwala sa kanila. Wala kang pagkukulang at kasalanan."

@Shawn09

Bilang isang ina nakakatakot pag may napapansin akong kakaiba sa anak ko. Una yung paghinga nya na babagal at bibilis pero sabi ng doktor ay normal. Pinipigilan daw kasi nila ang kanilang paghinga. Pangalawa ay ang kanyang poopoo. Nung magvitamins na sya bumaho ang poopoo nya. Dumalas din na super ingay. Para syang nagtatae at feeling ko masakit na pwet nya. Sabi ni doc normal daw for 2 to 3 weeks ay panay poopoo ang Baby. Pangatlo, napansin ko last week parang may matigas sa likod ng Baby ko or bukol sa likod. May time na hindi mo sya mapapansin kasi depende sa pwesto nya. Wala namang sinasabi si mama ko kaya akala ko normal lang. Pero sinasarili nya lang pala At nagsalita na nga kapatid ko ngayon na may bukol nga si Baby. May check up ako sa tahi ko this coming Saturday at sabi ni doc isama si Baby. Sakto papacheck up ko na din likod nya. Kailangan kong maging matatag at hindi padala sa takot at kaba. πŸ™ May same case ba Baby ko sa Babies nyo Mommies? Ano ginawa nyo? πŸ˜”

@Shawn09

Maulang gabi. β˜”πŸŒ§οΈ Maulan na pero naiinitan pa din ako. Ingat po tayo at mukhang malakas ang bagyong paparating. Ang metro manila ay signal # 4. Sa ngayon ay medyo malakas ang hangin at maulan. Manatili tayong alerto people. Kahit maulan ay hinakot na ang mga gamit namin. Nagrent ng Van at buti tumulong maghakot Papa at kuya ni Partner. Basa sila ng ulan pero atleast nakita na nila in person si Baby Shawn. Next time ay sa kanila naman daw kami. Basta may kutson talaga kaming mahihigaan ay papayag ako na doon matulog. Hehe So ayun nga, dito muna kami sa bahay ng parents ko. Natatakot kasi si mama baka ako mabinat. Namanas kasi talaga ako ng bongga at may katigasan din kasi ng ulo. Kagaya ngayon panay cellphone ako. Cs naman so feeling ko okay lang magcp..hehe

@Shawn09

September 15 birthday ni Partner at dahil wala masyadong datung ito lang nabili. Hehe Cake na sya din bumili at ako lang nag-isip ng dedication. Ang mahalaga may Baby na kami. πŸ₯° September 17 naman birthday kuya nya at naghanda sa bahay nila. Kaloka gabi na pinapapunta pa si Partner ng mama nya. Syempre tumanggi sya kasi hindi nya kami maiwan ni Baby Shawn. πŸ˜…πŸ€£

@Shawn09

Good evening.πŸŒ†β˜”πŸŒ§οΈ Yung super nagwoworry ako kasi naligo ako kahapon pang9 days ko na after manganak. Ang problema ay nabasa ang aking tahi which is bawal pa mabasa kasi baka magnana. Nilagyan naman sana plastic kaso bumigay. Hindi kasi nakinig si mama at partner na dagdagan ang tape. Meron ba ditong naexperience yung ganito? Mga CS mommies? Nagnana pa ba kahit 9 days na kayo? Hayss

@Shawn09

Yung pinilit ko namang iire para normal at mas mura kaso need na talaga iCS na. Kaya pala kahit 10cm na ayaw pa lumabas ni Baby ay nakapulupot ang cord nya. Ubos na din panubigan. Still nailabas na healthy ang aming Baby Shawn. September 9, 2022. πŸ™‚πŸ˜‡πŸ‘ΆπŸΌ At ang manas ay lumabas after manganak.

@Shawn09

Still 2 to 3cm. They insert a medicine πŸ’Š in my private part. I feel like I'm gonna poop or pee. My back hurts too. There is also blood in my urine. I'm sure this is not yet what they call labor. I'm not allowed to move too much to avoid losing more water. It's really hard giving birth. Please pray for my safe delivery. πŸ˜‡πŸ™πŸΌπŸ‘Ά

@Shawn09

Dahil nga sa medyo tumatagas panubigan ko kaya ayan admit na ako. Still 3cm at hindi pa naglabor. Need na induce para wag maubusan tubig si Baby. Sana maglabor na mamaya at mailabas ng safe, healthy at normal si Baby. Sakit pala mga turok. πŸ˜‚

@Shawn09

Yung ilang araw na akong hindi mapakali. Last Monday kasi nagpa.I.E ako sa doctor ko sumakit kasi puson at tyan ko. Naglakad-lakad kasi kami ni Partner at umakyat ako overpass para sana matagtag. Nanigas kanang legs ko kaya pahinga unti hanggang makalakad ulit maayos. Papagabi na ng makaramdam ako sakit puson at tyan. Nagsampay pa kasi ako at kuskos ng banyo at sahig namin. After kay doc at ma.I.E, pagdating sa bahay naghahanda na for dinner naramdaman kong may lumalabas sa akin. Sabi ko hayaan na muna pero dahil hindi agad huminto pumunta akong banyo. Tuloy-tuloy pa din agos at hindi ko ramdam na naiihi ako. Kulay tubig sya at basa ang undies and shorts ko. Itinawag ko kay doc at sabi ng assistant nya observe ko daw muna. Maglagay napkin at tignan if magsoak. Eh tapos na yung lumalabas sa akin nung tumawag ako sa kanila. Babalik ako today kay doc di bale ng magbayad ulit ako for check up. Natatakot ako baka panubigan ko na yun at matuyuan si Baby. May mga time din hanggang ngayon may nararamdaman akong lumalabas kahit hindi ako naiihi. Super nagwoworry ako. Sana okay lang Baby ko. πŸ™πŸ˜‡πŸ‘ΆπŸΌ

@Shawn09

Naglakad ako kanina papunta ng bakery. Need kasi walking exercise since hindi ko magawa squat. Natatakot ako baka matumba ako pero tinatry ko naman lalo na pag may dadamputin akong nasa lapag. Hehe Panay din kilos ko sa bahay namin ni Partner. Kusot, sampay at ayos sinampay. Kahapon naglalakad lakad din kami. Bumili na kami drawer kasi feeling ni Partner aanuhan ng mga daga ang gamit namin. Inabot ng ulan pero okay naman. Hehe

@Shawn09

Good morning πŸŒ§οΈβ˜” Maulang umaga sa lahat. Lakas ng ulan kanina kaya sarap ng tulog ng mga tao dito kina ate. Nang magising ako akala ko 8am na. Naisip ko agad si Partner kung nakauwi na ba. Baka nakatulog mag-isa which is delikado. Minsan kasi binabangungot sya sa bahay namin. Kaya gusto ko magkasama kami pag tutulog sya. Ayun nga chineck ko ang aking seabank. May interest syang .13 cents. Okay na din kasi sa ibang bank monthly ang interest hindi pa kalakihan. Waiting sa 150 pesos adjustment ni Shopee. Pambili din load. πŸ˜‚