read.cash Log in
@Shawn09

Yung ilang araw na akong hindi mapakali. Last Monday kasi nagpa.I.E ako sa doctor ko sumakit kasi puson at tyan ko. Naglakad-lakad kasi kami ni Partner at umakyat ako overpass para sana matagtag. Nanigas kanang legs ko kaya pahinga unti hanggang makalakad ulit maayos. Papagabi na ng makaramdam ako sakit puson at tyan. Nagsampay pa kasi ako at kuskos ng banyo at sahig namin. After kay doc at ma.I.E, pagdating sa bahay naghahanda na for dinner naramdaman kong may lumalabas sa akin. Sabi ko hayaan na muna pero dahil hindi agad huminto pumunta akong banyo. Tuloy-tuloy pa din agos at hindi ko ramdam na naiihi ako. Kulay tubig sya at basa ang undies and shorts ko. Itinawag ko kay doc at sabi ng assistant nya observe ko daw muna. Maglagay napkin at tignan if magsoak. Eh tapos na yung lumalabas sa akin nung tumawag ako sa kanila. Babalik ako today kay doc di bale ng magbayad ulit ako for check up. Natatakot ako baka panubigan ko na yun at matuyuan si Baby. May mga time din hanggang ngayon may nararamdaman akong lumalabas kahit hindi ako naiihi. Super nagwoworry ako. Sana okay lang Baby ko. 🙏😇👶🍼

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.