Bilang isang ina nakakatakot pag may napapansin akong kakaiba sa anak ko. Una yung paghinga nya na babagal at bibilis pero sabi ng doktor ay normal. Pinipigilan daw kasi nila ang kanilang paghinga. Pangalawa ay ang kanyang poopoo. Nung magvitamins na sya bumaho ang poopoo nya. Dumalas din na super ingay. Para syang nagtatae at feeling ko masakit na pwet nya. Sabi ni doc normal daw for 2 to 3 weeks ay panay poopoo ang Baby. Pangatlo, napansin ko last week parang may matigas sa likod ng Baby ko or bukol sa likod. May time na hindi mo sya mapapansin kasi depende sa pwesto nya. Wala namang sinasabi si mama ko kaya akala ko normal lang. Pero sinasarili nya lang pala At nagsalita na nga kapatid ko ngayon na may bukol nga si Baby. May check up ako sa tahi ko this coming Saturday at sabi ni doc isama si Baby. Sakto papacheck up ko na din likod nya. Kailangan kong maging matatag at hindi padala sa takot at kaba. 🙏 May same case ba Baby ko sa Babies nyo Mommies? Ano ginawa nyo? 😔
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Ako 5 yrs straight pills , mas gusto ko kasi ung nag memens ako ..3 months pag tigil ko nasundan ni bunso ..2 girls sna next boy na
Nkpanganak kn pla sis. Congrats
Thank you po. September 9 po lumabas si Baby ko. 😊
Ok sissy. Yngats kau ni bby