Nilista ko na ng maayos sa phone ko ang aking Bp. Dapat before and after work yan pero dahil madalas may tao sa clinic before lang namonitor ko tapos hindi pa everyday. Pagalitan kaya ako ni Doc nito? 😅 4/7 -120/70 4/8 - 110/70 4/10 - 120/70 4/12 - 100/80 4/15 - 90/60 4/18 - 120/70 4/19 - 110/70 4/20 - 110/70 4/22 - 120/80 4/26 - 110/70 4/27 - 110/70 4/28 - 110/70 4/29 - 120/70 Wala namang highblood pero feeling ko 90/60 low blood na. Nahilo pa ako that day pero kinaya…
@Shawn09 in May 2022
Almusal ko kahapon. Dahil nga hirap ata akong magdumi kaya ayan gulay gulay muna. May makukuha pang sustansya si Baby ko. So ayun nagpacheck up kami ni Baby at sinamahan kami ng Daddy nya. 3 kilos nadagdag sa akin at okay daw yun kasi ibigsabihin magana ako kumain. Lagi ba namang gutom paanong hindi tataba? 😅 Sa next na pagkikita namin ni doc paultrasound muna daw ako. 2 na din vitamins ko. Hehe At naghanap na din kami ni Bf ng mauupahang bahay. May nakita kami 4k monthly…
At dahil nga plano namin ni Bf mangupahan tumingin ako sa shopee ng ibang appliances. Wala pa kasing pangcash kaya shopeepaylater muna pero sinend ko muna kay Bf kung okay ba sa kanya to. Ang iisipin na lang namin ay kutson. Ang cash kasi namin pang-advance at deposit muna sa bahay. May titignan pa kaming isang bahay kasi yung kahapon naisip ko para syang hotel. Isang kwarto at may cr sa taas pero wala ka masyadong gamit na pwede ilagay. Sa baba naman lababo at parang space…
Nagising ako sa sakit. Sakit ng binti ko. Yun ata yung tinatawag na pulikat. At dahil mag-isa lang ako dito sa taas ang nagawa ko na lang ay "Aww! Aww!" Naging aso na nga. 😅 Pero pwera biro ang sakit nya. Hindi ko alam paano ko ba dapat ipwesto binti ko. Hindi naman ako makasigaw ng bongga kasi baka may meeting yung youngest sister namin na teacher. Hanggang ngayon masakit pa din sya lalo na kapag maglalakad. Para na daw akong namamaga sabi ni mama. Tinanong ko sya ano ba…
Nagising akong pawis na pawis. Nagulat si mama kala mo kasi naghilamos ako eh. Sobrang init talaga sarap ng may aircon pag ganito. Naiisip ko na naman yung house for rent na may aircon kaso feeling mo hotel sya hindi bahay. Gusto ko ng aircon. 😅 Laging matigas ang tyan ko ang sabi ni dok dapat lalambot din sya. So iwas malalamig muna kasi feeling ko dahil sa kakainom ko ng malamig na tubig eh. Madalas pang may icecream. 🍨 Last day ulit ng pasok tonight tapos 1 day off lang.…
Yung nastress na lang ako kasi paggising ko problema sumalubong. Meron ba sa inyo dito may alam sa mga paupa? Paano ba yung tama kasi sinangla sakin yung paupahan ng 50k sakin napupunta ang upa pero nung hindi na makabayad yung umuupa hindi din nabigay sakin 1 month advance and 1 month deposit? Kasi nagastos na ng mama ni Bf. Bago pa kasi isangla sakin may umuupa na kaya hindi na napunta sakin yung 1 month advance and 1 month deposit. Ngayon may bago ng umuupa hindi rin…
Happy Mother's Day sa mga Mommies. 🌹💐 Pwede na din ata ako batiin kasi may laman na din tyan ko. 😅 Five months na si Baby. 🥰 Maraming pagsubok pero kakayanin. 😊 Dahil nga nagkaissue about sa paupahan kaya siguro hindi na ako hinintay ni Bf. Umuwi na sya sa kanila at hindi na kami nakapaglakad-lakad. Nagkakatagpo kasi kami pag uwian kasi same kami panggabi at same halos binababaan. Ito sana ang ayoko eh. Yung malamang na kami ni Bf maapektuhan ng dahil sa pera na yan.…
Kahit sino masasaktan sa mga ganitong salita. Pamilya nya yung hinusgahan ni mama. Yung word na niloloko masyadong masakit kaya dapat unawain ko kung manahimik muna si Bf. Nasa akin ang paupa 1 month advance and 1 month deposit lang ang hindi naibigay na ipinagpaalam din sa akin ni Tita at umoo ako dahil nga tutubusin na nila this coming July ang paupahan. Nahihiya din tuloy ako pumunta sa bahay nila kasi mabait sila sa akin eh. Kita ko naman ang effort ni Bf para sa amin ni…
Good morning NFSFG. 🌄 Ang aga ni mama umalis kasi sya ay watcher ba ang tawag doon. Ngayong umaga sya at iba din ata sa hapon. Kami naman ng younger sister ko mga 6:30am aalis para maagang matapos. Excited na ba kayong bumoto? Sino president and vice president nyo? Charot. Wag nyo ng sabihin. Maganda ng tayo na lang nakakaalam sa sarili natin kung sino. Para walang mang-aaway satin. May iba kasi nag-aaway or namimilit based on my own experience. 😅
Dahil na din siguro sa init kahapon at kakulangan ng tulog dahil sa pagboto kaya highblood na naman kami ng Baby ko around 2am. Patapos na ang lunch break ng makaramdam ako ng hirap ng paghinga o hingal kaya dumiretso ako ng clinic. 140/80 na naman pala ako. Pinabalik ako after 15 minutes and nag137/70 na ako. Normal na daw yun. Tinanong na rin ako sa clinic if stress daw ba ako o pagod. Syempre nagsabi ako ng totoo na stress ako this past few days. Wag daw papakastress and…
After kumain kaninang umaga nagpakwan ako. Hindi ko sure if dahil ba sa pakwan kaya ako sinisipon ngayon. Masakit din ang aking ulo. Baka dahil din sa init. Minsan naaawa na lang ako sa sapin ng higaan eh. Basang-basa dahil sa pawis ko. Tinry ko sana matulog sa baba kaso tumabi si mama. Higaan nya kasi yun. Ang problema hindi ako makakilos plus nangangati ako. Ganito ako pag pinapawisan. 😅 Sana umulan para naman lumamig basta pagdating ng 6:30pm wala ng ulan. Oras na kasi ng…
Nagpicnic sila nung nakaraang linggo. Sakto namang need ni mama umalis nun kasi pinapatawag sila ng politician na sinusuportahan nya at nawalan pa gas. Ayan tuloy ako na lang nagprito. Kawawa naman si mama kasi kung hihintayin pa syang makauwi at makapagluto. Ang nangyari pa naiwan na si mama kasi naiinip na mga bata. Hehe Sinulit na nila kasi baka daw maglockdown after election. Sana wag naman maglockdown. Lalo na wala pang ipon. 😅 #friedchicken
Utang now iyak later na ba ako? 😅 6 months na si Baby ngayong katapusan pwede na daw bumili ng unting gamit. Sakto Payday Sale tapos may SPayLater. Ayan tuloy. Kailangan magsipag talaga ako magwork kasi ako magbabayad nito. Yung binibigay kasi ni Bf pinapatabi ko kay mama. Bakit? Para hindi nya pinaghihinalaan si Bf na hindi nagbibigay. Pati sa paupahan pinapatabi ko na din kay mama para walang ingay. Hehe Pinag-iisipan ko pa mga New born clothes kasi madami naman kami nun.…
New target 🎯 Mahilig talaga ako sa mga gamit sa bahay at bet ko talaga to. Sana makuha ko sya ngayong May 16, 2022. Gusto ko tong set of plate, glass and pitcher. 🥰 May unting nakuha na akong gamit ni Baby kaya soon gamit sa bahay naman kahit wala pa kaming nahahanap na maayos na paupahan. Hehe Ino-offer ni kuya ko yung inuupahan nila ngayon 6k up and down. Sariling banyo, tubig at ilaw. Ang mahal masyado plus two rides kami ni bf papasok at pauwi galing work. Aakyat pa ako…
Still feeling sleepy and keep on sneezing. 🤧 I have work tonight and thank you for one day off last night. I'm feeling dizzy this past few days and I think that's because I can't sleep that much in morning. It's so hot that I keep on waking up to find out that I'm sweating a lot. Hope this won't affect my Baby. Tomorrow is my another off and then Tuesday. So after a night of working I can rest again. My off for this year in this account is Monday and Tuesday. We were able to…
One popsicle ice cream a day to make the hotness away. 😋 Sabi nila bawal daw sa buntis kasi lalaki si Baby kaso super init talaga. Malamig na tubig at electric fan ay kulang. Hehe Pero nangako naman ako kay Bf na pag 6 months na si Baby stop na ako sa mga bawal. Tulad ng malalamig na inumin at pagkain. Babawas na din ako sa rice at magtitira ng budget para sa fruits. Ako din mahihirapan manganak pag lumaki si Baby ng bongga eh. Oh sya try ulit matulog. Day off later and…
Pwede na ulit ako magloan sa SSS. 🥰 Kaso bawal ata payroll bank account tama po ba? Sino dito nagloan this year? Need ko pa ata tuloy mag-open ng savings account. May paymaya, Gcash at coinsph naman ako kaso hindi pa daw pwede nung tinry ko na yun gamitin. Yung dati ko namang ginamit para sa loan nawala yung mismong card ko. Sa online ko na lang nagagamit hindi sa pagwithdraw. Next month pa ako makakapunta ng bank kasi need din nun ng deposit. Hehe Good evening people. 😊…
Yung dapat happy ako kasi ang likot ng Baby ko kaso nagwoworry ako kasi parang ang baba nya ngayon. Ramdam ko sya sa may private part ko pag gumagalaw sya. 🥺 Okay lang ba yun? Nung mga nakaraang araw mataas na part ko naman sya nararamdaman pero ngayon sa babang part. 🥺 Siguro kakabangon ko sa higaan panay need kasi magbanyo. Sana umangat ulit Baby ko para hindi na ako nagwoworry. Okay lang malikot sya basta sa bandang taas hindi sa babang-baba. 🥺 May pasok na pa naman…
Dahil magtry na ulit ako magloan sa SSS kaya nag-enroll na ako disbursement account. Sana maapprove. Para saan yung iloloan ko? Hmm. Para lang may back up na budget just incase. Ayoko kasi ng nabibigla eh. Nakakastress. Hehe At ayun na nga nagloloko na tyan ko. Kumain ako ng oatmeal na may bearbrand kasi nahihirapan ako magbawas. Feeling ko napupwersa si Baby ko kaya sya bumaba. Pero relax lang ako kasi alam kong strong ang Baby ko mana sa akin. Lahat kakayanin. 😊😇🙏 Time to…
Kagising lang at medyo nakakatamad pala pag ganitong oras. Hindi na ako sanay. 😂😅 Pero nakatulog naman kahit papano. Problema ko na lang is LBM pero tingin ko keri naman pumasok. Bawal ba ako uminom gamot sa LBM? Luke warm water na may salt na lang siguro. Nahihilo pa ako nabigla siguro sa panggigising ni kapatid. 😂😅 Mukhang maulan pa din kahit gabi na. Isa sa dahilan bakit nakakatamad bumangon at mag-asikaso pero kailangan magtrabaho para sa Baby ko at pambayad sa shopee…
Asikaso na naman para pumasok. Kinaya ko naman kahit may LBM. Yung huling sumpong tapos sup call nakiusap na lang ako sa sup. "Is it okay if I introduce you now to the customer? Sorry it's just that my stomach is not doing good and I need to go the bathroom." Buti mabait. Sabi nya "Go. Introduce me now." Yung iba kasi pahirapan pa. Dami tanong pagsasabihan ka pa. 😂 Kaso yung TL namin naninigaw. 😔 Nagulat talaga ako nung sinigaw nya pangalan ko. Kawawa naman Baby ko nagulat…
Yung kinaya ko pumasok nung may LBM pero hindi ko kinaya ang sakit ng binti ko. Friday afternoon habang natutulog ng pulikatin ako sa kaliwang binti ko. Grabe ang sakit na tiniis ko that time. And hanggang ngayon masakit sya kapag kumikilos ako. Kahit nga pag nakahiga masakit pa din. Lalo pag naglalakad at umaakyat or baba ng hagdan. Nagpaalam ako sa TL ko na aabsent tonight kasi masakit talaga. Naaawa ako sa Baby ko na tiniis ang sakit ng tyan ko nung LBM tapos ngayon sakit…
At nakahanap na kami ni Bf ng uupahan. Php 3,500.00 monthly at ang need namin idown ay Php 10,500.00. Dapat ay 14k pero hiniritan namin. Sa totoo lang wala pa kaming 10,500. Hindi ko rin naman makuha kay mama yung 8k na pinatabi kasi baka magalit. Para kasi kay Baby yun eh. Ang meron palang na hawak kong cash ay 3k. 😅 Ang huling mahuhugot ko ay ang aking .7 na BCH. Lugi pa ako dyan kasi nung bumili ako ang mahal pa ng BCH kaya hindi ko pa mabenta eh. Sahod naman na next week…
Laging sumasakit tyan ko kaya madalas maririnig ko magresign na daw ako kasi si Baby nagsusuffer. I feel sorry for my Baby kasi hindi ako ready financially. Pinipilit magtrabaho kasi ayokong may masabi sila sa akin o sa amin ni Bf. Gusto kong ibigay sa Baby ko yung maayos na buhay pag lumabas na sya. Ayokong maranasan nya yung naranasan ko noon. Gumigising maaga para magtinda at may pambaon. Ibubully ka kasi wala kang pambili. May gusto kang kainin hindi mo mabili. Kaya…
Nakapagloan na nga sa SSS pero for approval pa. 13,500.00 una kong nautang noon tapos 15k naman ngayon. Dahil siguro sa matagal pumalya kaya yan lang offer nila. Tapos mga 8k makukuha ko kasi ibabawas pa yung balance ko. 😅🤣 Okay na yan kesa pakialaman ko ang aking Bitcoincash. Parang sasama loob ko pag nagalaw ko ipon kong BCH eh. Goal ko kasi talaga maka1 BCH and malapit na mangyari. Dahil na rin sa mababa presyo kaya mas nakakaipon. Road to .9 BCH na ako. 🥰 Sana tumaas pag…
Nakuha ko na yung platong inaasam-asam ko. 🥰 Pero medyo mabigat pakiramdam ko. Nag-usap kami ng younger brother ko kanina about sa amin ni Bf. Kung ano bang problema bakit parang hindi sila masaya sa nangyayari. Naiintindihan ko naman na may hinahanap pa sila kay Bf. Like effort na makita kami ni Baby araw-araw. Ako naman tumatanggi na dumalaw sya pag may pasok ako kasi need ko ng pahinga. Gusto ko talaga pakauwi hihiga na ako. Nagbibigay naman sya ng pera every sahod.…
Happy 2nd Birthday sa pamangkin ko na si Andres. 🥳🎉🎂 Noong May 26 pa ang birthday nya at dahil naghanda si Mommy nya ng mismong 26 hindi kami mga nakapunta. May mga pasok kasi sa trabaho kaya hinandaan na lang namin sya dito sa bahay. Kanya-kanya kaming magkakapatid ng share. Syempre ako sa ice cream. Dalawang 2L na ice cream ang aking inambag. Hehe At ayun na nga. Antok pa ako pero last day ng pasok kaya pipilitin na kayanin. Umabsent na naman kasi ako nung Wednesday at…
Paa ko na laging masakit. Hehe Mula ng magbuntis ako nagkaroon na ako ng mga kagat-kagat ng hindi ko malaman kung ano ba. Kaya ayan kitang-kita ang peklat. 😅 Nakatayo muna sa may locker para magcheck ng phone. Naninigas na naman din tyan ko at masakit. Kakalunch ko palang kaya try muna tumayo baka makatulong. Nagiging sensitive na din tyan ko eh. May time unting dikit sumasakit. Di bale lapit na check up namin ni Baby. Basta healthy sya at maayos okay na ako kahit madaming…
Received na ang aking Locaupin na storage box. 🥰 Kina ate ko na pinadeliver para hindi na ako mahirapan pag lumipat na ako sa June 8. Unti-unti na kaming nagkakagamit ni Bf. Kalan, kawali, kaldero at kutson na lang ata kulang para magmukha naman kaming may gamit. 🤣 Kakakain lang upo na may sahog na karneng baboy ang aming hapunan. Ang sarap. Panghimagas ko ay nilagang saging na saba. 😋 First day ng day off ko at ang ginawa ko lang ay matulog. Kailangan ko ng madaming tulog…
Good morning 🌄🌻 Panay gising ako tapos kakain at tutulog ulit. Sarap buhay pag day off. Hehe So ayan na nga dami tukso na gustong magpautang. Meron na akong SPayLater, Lazpaylater, SSS Loan tapos inaalok na rin ako ni Gcash. 🤣 Buti si Unionbank walang paramdam para pautangin ako kasi igagrab ko talaga yun since hindi naman super laki ng tubo nila tapos no need for documents. Hehe Ang monthly bill ko ata kay Shopee ay halos 1500.00 tapos Lazada ay may inano akong babayaran…
Masama ang loob ko sa plano ko pero kailangan eh. Mababawi din naman soon. Unti muna kukurutin ko para kung tumaas pa eh di may tira pa. Pero feeling ko kailangan ko na halos lahat next week. Nakalimutan ko magtira ng budget para sa amin ni Baby. Monthly check up na naman namin and need na ultrasound at urinalysis para malaman if may UTI ba ako. May ibang laboratories na din na need gawin. Mamimili pa kami sa puregold ng ilang gamit. Ang mahal pala pag magsasarili ka na ng…
Tinrasfer ko na yung kita ko buong May sa aking coinsph. Nakurutan ang aking ipon pero atleast may madadagdag naman. Hindi ko pa kinonvert lahat baka sakaling tumaas si bitcoincash kahit hanggang 19k lang. Malay natin di ba? Hindi naman masama na isipin yan. Hehe Katapos lang din magdinner. Ginisang pechay na may giniling. Masarap naman pero mas bet ko adobong pechay or kangkong. Sarap nun. 😋
Isa to sa pinag-iisipan ko kung bibilhin ko ba o hindi. Syempre gagamit ako ng Lazpaylater kaso laki na ng bills ko sa Lazada and shopee kaya hanggang add to cart muna. Nung tinignan ko ulit paggising ko hindi na sya sale. Atleast wala akong dagdag utang yun nga lang wala pa kaming gamit. 😅 Himbing na ng tulog ng iba ako ito pinipilit wag matulog para bukas ng umaga ako tulog. May pasok na bukas eh. 10:30pm ang pasok so maghapon dapat tulog para may energy sumagot ng calls.…