Dahil na din siguro sa init kahapon at kakulangan ng tulog dahil sa pagboto kaya highblood na naman kami ng Baby ko around 2am. Patapos na ang lunch break ng makaramdam ako ng hirap ng paghinga o hingal kaya dumiretso ako ng clinic. 140/80 na naman pala ako. Pinabalik ako after 15 minutes and nag137/70 na ako. Normal na daw yun. Tinanong na rin ako sa clinic if stress daw ba ako o pagod. Syempre nagsabi ako ng totoo na stress ako this past few days. Wag daw papakastress and pagod. Buti na lang din mabait trainer ko. Hinayaan nya ako umalis after ng isang call para makapunta ng clinic. Panalo BBM-SARA. ❤️ Sulit ang dumi sa aking kuko. Hehe
2 comments
Oo sis huwag ka nga paka stress kasi kong ano nararamdaman mo yun din mararamdaman ng baby mo sa tummy mo.Sobra nga naman init kahapon.Akin sis tipid sa ink hehe
Naniguro kasi yung bantay baka daw umulit bumoto kaya dinamihan. Ayaw pa nga papunas sa basahan eh. Hehe