read.cash Log in
@Shawn09 more from that month

Asikaso na naman para pumasok. Kinaya ko naman kahit may LBM. Yung huling sumpong tapos sup call nakiusap na lang ako sa sup. "Is it okay if I introduce you now to the customer? Sorry it's just that my stomach is not doing good and I need to go the bathroom." Buti mabait. Sabi nya "Go. Introduce me now." Yung iba kasi pahirapan pa. Dami tanong pagsasabihan ka pa. 😂 Kaso yung TL namin naninigaw. 😔 Nagulat talaga ako nung sinigaw nya pangalan ko. Kawawa naman Baby ko nagulat din siguro. Hayss. Nahihilo ako sa dami ng kailangang gawin. Hindi sya yung pure na sasagot ka ng calls. May mga case ka pang need tapusin or ayusin. Yung process pa nakakalito. Namumutla na daw ako kaninang umaga eh. Hayss. Unting tiis Baby ko. Magreresign din tayo. 😘😘 Good evening people. 🤗

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.