read.cash Log in
@Shawn09 more from that month

Nakuha ko na yung platong inaasam-asam ko. 🥰 Pero medyo mabigat pakiramdam ko. Nag-usap kami ng younger brother ko kanina about sa amin ni Bf. Kung ano bang problema bakit parang hindi sila masaya sa nangyayari. Naiintindihan ko naman na may hinahanap pa sila kay Bf. Like effort na makita kami ni Baby araw-araw. Ako naman tumatanggi na dumalaw sya pag may pasok ako kasi need ko ng pahinga. Gusto ko talaga pakauwi hihiga na ako. Nagbibigay naman sya ng pera every sahod. Minsan 3k or 2500. Hindi na ako naghahangad ng kung ano pa. Bakit? Nasanay ako na nagkakapera galing sa pinaghirapan ko hindi galing sa bigay ng ibang tao. Nahihiya pa akong tanggapin yung binibigay nya nung una kasi feeling ko nampepera ako. Hindi ako sanay ng binibigyan ng pera pero para naman sa panganganak ko binibigay nya. Nakukulangan pa family ko sa efforts nya. 😔 Napaisip tuloy ako, magsasama na kami at ako ang nag-aasikaso ng pera pangdown namin. Gamit ni Baby ako din. Nangungutang ako sa SPayLater. Ganun din sa ilang gamit sa bahay once lumipat na kami. Pag nalaman pa siguro to sa bahay mas lalong lagot si Bf. Pero anong magagawa ko? Gusto ko ipakita sa family ko na pinapanindigan naman kami ni Baby ng kanyang Daddy. Ako ang mas maraming source kaya ako talaga kikilos. Ayokong may masabi pa sila sa Daddy ng Baby ko kaya ginagawan ko ng paraan. Pero para akong napagod bigla ngayon. 😔😩

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.