Mapapaluha ka na lang talaga. Sahod mo minus bayarin. 😭 1700 - pinapaaral 2000 - mama (share ko dito sa bahay) 500 - internet 710 - columbarium 1000 - sss salary loan 5910 - total gastos ngayong katapusan Ang sinahod dahil hindi kumpleto pinasok 7400 lang. Papacheck up pa kami ni Baby ko bukas. Naubos ko na din bigay ng Daddy ng Baby ko. Naluha na lang talaga ako. 😔😭
@Shawn09 in April 2022
Nagpalinis at nagpatanggal na ako ingrown kasi hindi na talaga keri ang sakit. Namalat na yung daliri ko na nagsugat na talaga. Naiwan ata yung pinakakuko na tumutusok sa gilid ng daliri ko kaya super namaga sya at medyo grabe ang inabot. Hindi ko mapalinis ng mga nakaraang araw kasi walang makapunta sa bahay ng tagamanicure. Atleast ngayon pinapagaling na lang sugat. Nanginginig yung tagalinis kasi napapaaray talaga ako. Kinakabahan ata sya lalo na alam nyang buntis ako.…
Good morning 🌄 So ayun kahapon nagpacheck up kami ng Baby ko para sa aming monthly check up. Sobrang saya talaga pag naririnig heartbeat nya. 🥰 Yun nga lang hindi pa naririnig ng Daddy nya kahit isang beses kasi yung oras ng trabaho ng Daddy nya hindi talaga maiano sa oras nf check up. Medyo nagworry ako kasi nung 2 months si Baby 125 heartbeat. Nung 3 months 134 tapos kahapon kung kailan 4 months tsaka naman nag132. Pero wala namang sinabing kung ano si doc. Nagpapalit na…
Gusto ko lang naman sana makapaggenerate ng prn para makapaghulog ulit kahit 1k sa salary loan ko sa sss kaso ayan ang lumalabas. Ilang araw na. Penalty na naman yarn. 🤣 Baka magkaaberya sa maternity benefit kaya pinipilit kong mabayaran yung mga due dates ko. After ko kasi magloan noon need ko na magresign sa dati kong work for my own safety. Ayan tuloy. Natengga. Hehe
Yung unang picture ay yung natransfer ko kahapon from noise.cash wallet to my coinsph. Ang amount nyan is $10.50. Half ng March to April 3 na naipon ko. 🥰 Next picture ay ang total amount ng BCH na hodl ko ngayon (income sa noise.cash from last year till now at bili din from my own money). Talagang pinipigilan ko ang sarili kong iconvert kasi waiting ako sa 70k na presyo nya. Hindi man ngayon pero alam ko soon. Hehe Good morning people. 🥰😇
Melon ice cream. Charot 🤣 Iwas na daw ako sa ice cream so ayan. Dinurog ko yung melon tapos nilagyan condense and nilagay sa freezer. Okay lang naman siguro to. Atleast hindi totoong ice cream. 🤣 Baka daw mahirapan manganak pag panay ice cream, matamis at softdrinks so baka naman pwede yung ganito. Prutas naman talaga sya. Waiting sa pinipritong itlog ni kapatid. Nagugutom na kami ni Baby eh. Inuna ko na dessert habang naghihintay. 🤣
Iniisip na namin ni Bf magsama kahit magrent na lang kami. Kaso iniisip ko magkakasya kaya para sa amin ang sahod nya at sahod ko? Sahod ko na halos walang matira at sahod nya na minimum? Ang work nya kasi is 6 days a week. Magkaiba kami ng oras ng pasok at day off. Hirap din pag hindi kayo nagkakasama. 😔 Para din bawas stress ako kay mama. Madalas kasi kaming nagtatalo. Mama na lang ang meron kami kaya maigi pang umalis na lang ako kesa ako pa maging dahilan ng sama ng loob…
Waiting sa orders ko. Mga pang ulam ang naorder ko kasi nung nakaraang araw wala akong maulam. Hindi ko gusto yung mga inilagay na sa ref na tirang tapos iinitin. Dalawa na kasi kaming kumakain kaya need mag-ingat. Ganito ba talaga pag buntis? Minsan masakit ang tyan o tagiliran? May time din parang may lalabas sa ano. Minsan nakakapraning na pero hindi ko din sure mga nararamdaman ko. Baka oa lang ako o tinatamad na talaga sa buhay. Hehe Good evening 🌆 Kagising ko lang.…
Kapag Baby boy sana ganitong mukha (unang picture) at pag Baby girl naman (2nd picture). Namili ng mukha eh nuh? Hehe Ganda kasi ng eyes nung lalaki pero medyo singkit din naman si Bf. Nagagandahan naman ako sa girl na yan. Natapos ko na kasi ang Business Proposal. Ganda ng kwento hindi boring. Hehe Back to work na ako mamayang gabi 10pm to 7am ang training ko sa new account. One week din akong tambay dito sa bahay so medyo nakapagpahinga din. Iyak na lang ulit sa sahod. 🤣…
Mukhang papasok ako ng walang tulog. Sabi nila after mo umiyak aantukin ka kaya makakatulog ka. Umiyak na ako at lahat lahat gising pa din diwa ko. Hindi ko alam kung sa pagbubuntis pa ba to basta naiyak ako kanina. Sinasabi ko sa Baby ko na maging strong sya kasi hindi namin sya papabayaan. Nagwoworry ako kasi parang low blood naman ako ngayon. Feeling ko ang hina hina ko kasi kung anu-ano nararamdaman ko. May magtatanong "May nararamdaman ka na bang parang pitik?" Hindi ko…
After 3 days straight na may pasok ang day off namin ay Sunday. Isang araw lang muna na off pero feeling ko this week 2 days off na. May pasok kami ng holidays. Galing din pumili ng trainer namin eh. Hehe So far kinakaya ko naman ang training. Kahit not feeling well at suka ng suka pasok lang kasi bawal absent. Mahalaga ang attendance sa training. Yun nga lang napapansin ko lagi sumasakit pwet ko ngayon. Baka dahil sa tagal ng pag upo. Hindi ko na rin naman maipaliwanag mga…
Isang buong magdamag na naman ang natapos sa duty. Medyo pasuka suka pero kinakaya. Hindi ko lang alam kung kakayanin ko yung hagdan. Nasa 4th floor kasi kami and ang elevator ay hanggang 3rd floor lang. Nasa 3rd floor ang banyo, pantry at locker. So akyat baba ako. May time pa naman medyo sumasakit puson ko at yung tinatawag nilang discharge. Bago lang tong nararamdaman ko na to. Buti na lang hindi naman dugo yung lumalabas. Observe observe muna tapos pag parang hindi…
Ang aga ng sahod kaya ayan. Hindi bale ng maubos makabawas man lang ng kautangan kay SSS. Hindi ibigsabihin na hindi ka nila sinisingil ay hindi ka na magbabayad. Dapat may pagkukusa. Unti na lang mahahabol ko na yung mga Months na hindi ako nakapaghulog kaya may penalty na. Medyo malaki sinahod ngayon kasi hindi pa nagkaltas ng contributions or benefits so ayun bayad utang ang Gege. 😊 Kakain sa labas kasama buong pamilya sa linggo at dahil nagbayad ako ng kautangan wala ng…
Eat out nung Eastern Sunday. Pinakanagustuhan ko to pero unti lang nakain ko. Mabilis kasi manigas tyan ko eh so unting kain lang. Wawa naman Baby ko naiipit ng mga kinakain ko. Hehe Laki ng bill namin pero syempre hati-hati kami sa bill na magkakapatid. Paano na rin sa kuya ko na nag-abroad. Kanina sya umalis at nasa Malaysia na sya. Sana maging okay sya dun. Antok pa ako pero may tao sa training room kaya hindi makaidlip. 🤣😅
Ngayon ang celebration ng 1st birthday ni Baby Jillian so ayun daan muna ako. May pasok pa mamaya so need matulog kahit unting oras. And ayun nga nag-away na naman kami ni bunso. Ang alam ko biruan lang yung sa hotdog pero dinamdam nya pala. Inaasar namin sya nung una na bakit sya kumuha hotdog eh bilang yun sa hotdog with mallows pero sa huli nagsabi ako joke lang naman. Sige kain lang sya. Pero seryoso ako pag pinapaalis ko sya sa tapat electric fan kasi ang init talaga.…
Cake in a jar. Ang cute lang talaga nito. Sa unang tingin aakalain mo bagoong sya eh. Hehe Kasama sya sa package ng cake ni Jillian. May cupcakes din at cookies na unicorn. 🦄 Yan kasi ang theme ng first birthday ni Jillian. Hindi ko nga lang gusto ang lasa kasi ang tamis nya sobra tapos chocolate pa flavor. Ayaw ng Baby ko sa tyan ng chocolate. Baka pasukahin na naman ako. So ayun dahil nga sa pumunta ako ay walang maayos na tulog kaya absent ako sa training kagabi. Need ko…
Nakita ko sa post ng kumpare namin ni Bf. Parang ang sarap and fresh from puno talaga. May parang farm kasi sila. Gusto ko sana bumili kaso ang layo. One ride from house ni Bf kaso baka maaya pa sya uminom kasi matagal hindi nagkita-kita. So parang wag na lang. Hanap na lang sa palengke. Hehe Gusto ko kumain kaso walang stock ng mangga dito sa bahay. Ubos na. 😅🤣
May mga pagkakataon talaga na gusto ko magpakalayo-layo. Malayo sa lahat ng kakilala. Feeling ko dun lang ako mapapalagay o tahimik. Pagod na pagod na kasi ako. Ayoko mastress. Makakasama samin ni Baby lalo na hindi maganda pakiramdam ko. May time sumasakit puson ko at parang may gustong lumabas sa akin. Napapagod na ako sa buhay pero lalaban para sa Baby ko na nasa tyan ko pa. Okay naman kami ni Bf. Ewan ko ba. Parang may kulang sa buhay ko. Hindi ako masaya. Nalulungkot…
Isa din to sa kinain namin nung Eastern Sunday. Pasimpleng picture lang para hindi naman ako mukhang ewan. Hehe Ang sosyal talaga ng mga gamit nila dito. Ang bibigat pa. Naalala ko nung mga panahon na panay S&R kami ng mga dati kong kawork. Baso lang nabibili ko kasi mura lang pagsale. Yun lang afford ko. 🤣 Hindi ko sure kung sa pagbubuntis pa ba to pero ayun nga. Naiyak ko na kanina. Hinahanap ko ata paglalambing ni Bf pag ganitong iba pakiramdam ko. Hinahayaan nya na lang…
Galing na ng clinic kasi ga minomonitor ang aking Bp. 110/70 normal naman ata or feeling ko palowblood na. Sa dati kong account highblood ako eh ngayon mababa na lagi. Hehe Pahinga muna bago mag-in. Sa prod daw kami so hindi ako makakaidlip sa training room. Unting oras lang tulog ko pero keri na to. Sayang din isang araw. Sa Saturday schedule ng next check up namin ni Baby. Magkano kaya aabutin ng mga tests? 😅🤣 Ingat tayo people. 😊
Totoo ba to or may update lang? Kahit sa may subscriptions ko 10hrs ago pa yung last. May something ba? Impossible naman kasi. Hehe Nauna na naman ako nagising sa alarm ko. Hindi naman ako excited pumasok. Medyo masakit pa ulo ko at makati lalamunan. Hindi naman ako nagmalamig ngayong araw. Kagabi malamig yung avocado na kinain ko kasi nilagay ko sa freezer after ko durugin at lagyan condense. Nagmani naman ako kaninang umaga. Bagong laga ni mama. Dahil kaya dun kaya ganito?…
Almusal ko kanina. Sayote with fried fish. Sarap. 😋 Yung fried fish din inulam ko sa work. Kailangan magtipid pero may pera naman kahit papano pambili. Sabi nga ni bf tsaka na daw magdiet. Kung anong icrave kainin kasi yun ang gusto ni Baby namin. Nasa tyan palang spoiled na sa Daddy nya. Paano pa pag lumabas di ba? 🥰😅 Ang hilig ko talaga ngayon malalamig. Ice cream vanilla basta wag chocolate. 🍦 Pati avocado kailangan malamig. Lalaki masyado si Baby nito. 😅 Oh sya. Oras na…
Nasa work na. Tapos na din magpuntang clinic. Yung bp ko consistent na sa 110/70. Nagtry na magtanong si mama ng paupahan. Sa apartment daw 3500 wala pang kuryente at tubig. Meron naman sa may likod bahay namin 2k wala pa ding kuryente at tubig sa price. Ang problema may hagdan. Hindi namin keri ni Bf yung 3500. Sayang pala talaga yung paupahan ko. 2500 lang paupa ko kaso tutubusin na ng may-ari ngayong July. Sangla lang kasi at may tao na ulit. Hindi na pwedeng paalisin.…
Yung pag nangutang sa akin, isang salita lang at wala ng masyadong paliwanag eh pinahiram ko. Tapos ngayong naniningil ako pinapahirapan ako. Dapat pala nakinig ako sa mga dati nyang teammates na wag syang pautangin. PinaHr na daw sya dati dahil nga panay utang sa agents. Tnry ko hintayin na kusang magbayad kaso ilang sweldo na wala pa ding bayad. Akala nya siguro nakalimutan ko na. Mas malaki pa sweldo nyan samin pero napakakunat magbayad. Panay aya pa yan sa Gc na…
Yellow bills 💛 💸 Pag yellow bills lumabas sa machine para bang ang dami kong pera. Salamat sa mga double pay at 30% hindi ako namroblema pambigay dito sa bahay at ilang bills. Mga 2k lang natira for me at may check up pa kami ni Baby ko bukas. Okay na din kesa wala. Sana medyo tumaas kahit 19k lang si bitcoincash para makakurot ako ng unti pandagdag. May mga test/lab na kasing gagawin bukas. Sana may ultrasound na. Iniisip ko pa kung papagender reveal ba kami o hindi. 🤣