Iniisip na namin ni Bf magsama kahit magrent na lang kami. Kaso iniisip ko magkakasya kaya para sa amin ang sahod nya at sahod ko? Sahod ko na halos walang matira at sahod nya na minimum? Ang work nya kasi is 6 days a week. Magkaiba kami ng oras ng pasok at day off. Hirap din pag hindi kayo nagkakasama. 😔 Para din bawas stress ako kay mama. Madalas kasi kaming nagtatalo. Mama na lang ang meron kami kaya maigi pang umalis na lang ako kesa ako pa maging dahilan ng sama ng loob nya at ganun din ako. Hindi makakabuti sa aming dalawa ni mama ang laging mastress. Kaso hindi ko din alam kung kaya na ba namin ni Bf. Sabi nya kakayanin namin. Ako lang to na nag-ooverthink. Hayss 😔
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet