Isang buong magdamag na naman ang natapos sa duty. Medyo pasuka suka pero kinakaya. Hindi ko lang alam kung kakayanin ko yung hagdan. Nasa 4th floor kasi kami and ang elevator ay hanggang 3rd floor lang. Nasa 3rd floor ang banyo, pantry at locker. So akyat baba ako. May time pa naman medyo sumasakit puson ko at yung tinatawag nilang discharge. Bago lang tong nararamdaman ko na to. Buti na lang hindi naman dugo yung lumalabas. Observe observe muna tapos pag parang hindi talaga maganda baka stop work muna. Pray lang. Okay lang kami ni Baby. 🙏😇
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet