read.cash Log in
@Shawn09 more from that month

Mukhang papasok ako ng walang tulog. Sabi nila after mo umiyak aantukin ka kaya makakatulog ka. Umiyak na ako at lahat lahat gising pa din diwa ko. Hindi ko alam kung sa pagbubuntis pa ba to basta naiyak ako kanina. Sinasabi ko sa Baby ko na maging strong sya kasi hindi namin sya papabayaan. Nagwoworry ako kasi parang low blood naman ako ngayon. Feeling ko ang hina hina ko kasi kung anu-ano nararamdaman ko. May magtatanong "May nararamdaman ka na bang parang pitik?" Hindi ko alam paano ba yun basta alam ko may heartbeat si Baby ko. "May pera na ba para sa panganganak mo?" Sasabihin ko, "oo may magbabayad na kasi ng utang sa akin 50k." Ang idudugtong nila "Ikaw magpapaanak sa sarili mo? Baka gusto ng boyfriend mong hindi makita ang bata." Nagbibigay naman si bf kaso nagagamit ko sa expenses ko dahil maliit na lang sinasahod kakaabsent. Hindi kasya para sa akin, pinapa-aral ko at share dito sa bahay. Stress na ata ako o hindi ko alam tawag dito. 😔 Buti na lang okay na din site ni SSS. Nakapaggenerate na ako prn at hinulugan ko na din gamit Gcash kaso hindi pa nagrereflect. Sana makatulog ako kahit 2 oras lang. 😔

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.