Kain muna ng apple habang inaantay na antukin . Hello noise friends kamusta ang lahat dito? Yung prutas na pwede sakin piling pili na din. Buti nalang pwede sakin apple. Maasim dina pwede hayys yung peras pwede din. Need ko talaga mag stock ng mga fruits and veggies na pwede sakin para anytime na magutom may lulutuin ako haha. Kahirap ng ganito. Yung dati pag wala ng time mag luto papadeliver nalang ngayon kailangan ako mismo magluto ng ulam ko then asin lang pampalasa. Haha hanggang kailan kaya ako ganito?
Balik loob na ulit kay noise. Gandang hapon sa lahat.
Habang nag papaantok, nakinood ako sa pinapanood nila. Mga kaingay baka may alam kayong pwedeng gamitin na tv box except yung tv plus at gma affordabox wala kasing signal dito samin niyan. Baka may ma sa suggest po kayo. Labo nung antena namin haha pagka cable kasi di rin masusulit kasi bihira kami manood tapos magastos monthly nagbabayad hahaha.
Nood muna tayo mga kaingay habang nagpapa antok. Mag dinner na rin po kayo mga kaingay. Ano ulam niyo kaingay? Kain mabuti para may lakas lagi.
Busog na yung mata ko, Happy birthday sa Papa ko, More Blessings and long live pa.
Yung hanggang tingin nalang ako kasi nga bawal sarap pa naman sana. Haha. Lugi na naman ako sa tuwing may birthday sa family namin hanggang tingin nalang ako,
Good evening mga kaingay.
Dinner time na kain na po kayo mga kaingay.
Pakabusog. Medyo sad ako kasi lumuwas na si partner. Simula na ng LDR namin hayys. Nakakamiss siya. Ganitong oras pinag luluto na naman sana niya ako ng ulam ko. Dami kasi bawal sakin. Piling pili lang ang pagkain na pwede sakin. Kaya ang hirap talaga lalo na ngayon wala sa tabi ko si partner.
Na share ko lang po. Hirap kasi ng may pinagdadaanan. Sana mawala na tong tumor na to. Hayys. Prayer na lang talaga at si God ang kinakapitan ko.
#healing
#fighting
#praying
Perks of having a makulit na pamangkin haha. Ayan na naman yung mga kalat ng batang to. Haha dami na naman ligpitin mamaya hahaha. Nood nood muna para di antukin . Para maaga ang tulog mamayang gabi.
Sa dami ng laruan ng pamangkin ko hindi na niya alam kung ano lalaruin niya hahaha. Sarap maging bata ulit.
Good afternoon mga kaingay.
Meryenda time na.
Time to sleep. Napaka aga pa pero kailangan ko na magpa antok. Yung mga panahong malakas kapa pero never mo naisip na gawin yung mga bagay na gusto mong gawin kasi akala mo lagi kang malakas. Time is precious. Kaya dapat huwag sayangin ang bawat oras na meron ka. Kung ngayon nahihirapan ka still be thankful kasi yan yung mga bagay na magpapalakas sayo para ipag patuloy ang buhay. Para ituloy at tuparin ang pangarap mo. Sa bawat oras na nasasayang yun din yung mga oras na sana inenjoy mo nalang. Totoong nasa huli ang pag sisisi kaya hangga't dipa huli ang lahat. Gamitin mo ang oras mo para gawin lahat ng gusto mo.
Kung may time machine lang talaga lahat susulitin ko bawat segundo.
#HealmeLord
#stillfighting
#rememberingtheolddays
Done with my lunch, done taking a bath and done taking my medicine. Time to have a nap but my hair is still wet. My eyes are slowly closing haha.
Native Manok lunch ko kanina. Yung nakakapanibago yung tinolang manok ko asin lang pampalasa haha. Sarap nung kanila kasi may pampalasa talaga haha kainggit . Nakakamiss na kumain ng mga pagkain na dati kong kinakain. Time will come. I will be healed. Still Praying and Trusting God's plan is my weapon to fight this battle of mine.
Good afternoon.
Will just share my lunch a while back. Ohh yan napaka hirap ng may sakit. Yung tipong bawang sibuyas at asin nalang pwedeng pampalasa tapos lahat puro boil. Bawal gisahin at bawal din grilled sakin. Tapos puro talbos lang bawal din mabuto at mga bunga. Parang dina ako mabubusog nito kung ganito lang pero sana maging okay ako pag sinunod ko lahat ng to. Good afternoon, gumagawa ako ng menu ko for tomorrow. Hirap mag isip pwede ulamin haha. Kayo guys ano pinag kakaabalahan niyo today?
Nag meryenda na ba kayo kaingay?
Sharing this snack this afternoon, brought by my partner. Yung kahit na ang sama ko sakanya , Hindi parin niya ako sinusumbatan. Kaya na realize ko na sana hindi siya magbago kasi hirap na makahanap ng ganito kabait na partner. Lumabas na pagiging maldita ko pero at the end of the day okay padin kami. Nag sorry naman nako sakanya kasi alam kong mali talaga ako. Dito ko narealize na , sobrang Mahal niya ako sa kabila ng pinapakita ko saknya pag nagagalit ako . Iba kasi ako magalit minsan lang pero malala. Sinumpong ako kanina. Diko alam kung effect ba ito ng sakit ko or may tama na talaga utak ko. Hayys sana habaan pa ni partner pasensya niya sakin.
Thank You Lord for giving me this kind of guy na ako parin ang pipiliin sa kabila ng bad side ko. Just sharing mga kaingay.
Good night. Have a good sleep mga kaingay. Advance na ang pag good night ko kasi baka dina ako makapag update mamaya.
Enjoy your dinner mga kaingay.
Such a sad day, ang bigat sa pakiramdam ng mga nangyari nasayang na naman ang isang araw. Kung sana malakas pa ako. Babawiin ko lahat ng nasayang na oras. Hapon na naman patapos na ang isang araw, pero ramdam kong nasaktan ko ng todo si partner. Sinusumpong ako ng sakit ng ulo ko na parang may naririnig na namang kakaiba ang tenga ko.
Mamimiss ko ng sobra ang pag aalaga at pag iintindi sakin ni partner. Sana hindi siya mag bago, at sana patuloy pa niya akong mahalin sakabila ng hindi matantyang ugali ko pag sinusumpong.
Magandang hapon sa lahat mga kaingay hayaan niyo muna akong ilabas muna ang mga nararamdaman kong hindi na kinakaya ng dibdib ko salamat sa pag iintindi mga kaingay.
Yung sobrang iyak ko diko alam kung epekto ng sakit ko yung inaasal ko. Dapat mag papaconsult kami today. Tapos nawalan ng power kagabe so di kami nakatulog ng maayos tapos sumakit ulo ko. Yung partner ko sabe niya bukas nalang baka sumpungin ako sa daan sasama din mama samin kasi bibili siya paninda niya ang ending inantay kami ni mama pero di rin naman kami natuloy ni partner. Nag away lang kami kasi pabago bago daw ang gusto ko si mama nauna na. Kasi sbe ko masakit ulo ko pero wala akong sinabe na di ako pupunta kaya ayun si partner nag bihis ulit ng pambahay ako dipa ko naligo kanina kasi bumalik ako sa pag higa. Di kasi nila maiintindihan yung nararamdaman ko nung medyo okay na at nawala na sakit ng ulo ko. Naligo na ako. Diko alam kung effect paba ito ng menstrual period ko. Nakabihis na ako tapos ayaw ako payagan lumabas ni partner so ang nangyri nagalit nako kasi nakapag commit nako doon sa clinic na pupunta ako today hanggang sa nag iiyak nako at dami ko ng nasabing masasakit na salita sakanya. Ayun ngayon ko na sana gusto magpa consult kasi ngayon ko mas kailangan at si partner uuwi na sakanila sa sunday. Wala na rin time kaya nainis ako sabi ko wala ng magpapa consult bukas kung hindi ngayon kako.
Biglang sumakit ulo ko sa kakaiyak. Naiinis ako., kala nila sila nakakaramdam ng nararamdaman ko. Aminado akong mali ako sa mga pinagsasabe ko kay partner nakaka konsensya ilang araw nalang siya dito samin tapos ganito pa kaya ako iyak ng iyak kanina. Pinapauwi ko na rin siya sa sobrang galit ko sakanya. Kaya lalo akong na stress. Imbes na sulitin namin yung mga araw na nandito siya. Ganito pa. Kung hindi niya ako ginalit di ako magkaka ganito. Sana makauwi ng maaga at safe si mama. Gulong gulo na ako di ko alam ano tong ganitong pag uugali ko. Hindi naman ako ganito dati.
Buti nalang at may noise na pwedeng pagsabihan ng sama ng loob at pag labasan ng saloobin. Hayys noise thank you sayo.
Haggard kasi gutom Haha. Pero after kumain balik alindog na ulit haha. Payat ko na pala. Akalain mo yun. Laki padin ng braso ko pero yung mukha ko payat na talaga Haha.
Buti nakakain pa bago dalawin ngayong buwan. Sakit puson at balakang na naman kaya higa higa na muna. Habang naghihintay na antukin. Grabe yung nararamdaman ko ngayon sabay sabay na pain. Sana after nito maging okay na lahat at bumalik na sa dati.
Sino po pala may alam diyan pano mag apply ng pwd booklet at id ano mga needs?thanks in advance mga kaingay.
Lunch time. Kain na po kayo.
Fresh view for someone who needs it.
Blue skies and fresh air is a perfect place to unwind and enjoy the moment while it last.
Good afternoon noisemates missing this view.
A scene that always give me to strength to continue life without hesitations. Despite of all the struggles and battles I'm facing right now I'm still trying to live a normal life with God blessings.
Lunch time , Have your lunch now noise friends.
Mga panahong pabalik balik ako sa hospital. Ngayon thanks God it's been a Month since my last seizure sana hindi na ako atakihin pa. Mag papaconsult ako ulit sa Healing Galing dito samin sa Tuguegarao yung pinaka malapit samin, Baka sakaling mas mapabilis ang pagkawala ng bukol at ng pag galing ko. Lord lumalaban po ako kaya sana po pahabain niyo pa po ang buhay ko. Thank you so much sa walang sawang pagbibigay ng blessings Lord.
Baka may mga taga tuguegarao City, Cagayan Valley po dito na nakaka alam kung saan ang healing galing pa comment po salamat.
Good morning mga kaingay. Bilis ng araw lapit na uwi si partner sakanila. Medyo nakaka sad na naman pag alis niya ganon talaga kailangan niya lumayo para makapag ipon. Lalo na ngayon may sakit ako. Lahat ng nangyayari sakin tinatanggap ko nalang dahil alam kong may dahilan ang lahat at may magandang kapalit din ito in the future.
Kaya nilalakasan ko ang loob ko at kumakapit ako Kay Lord.
Breakfast na po kayo kaingay.
Have a Good day ahead sa lahat.
Sinipag ako mag luto pero ang ending inaatake na naman ako ng sakit ko. Sakit bigla ng ulo ko na parang mabibiyak. Wala pa naman si partner. Nasa tita niya. Kaya medyo kinakabahan ako pag bigla akong mag seizure. Kasama ko family ko pero never pa nila na witnessed yung pag seizure ko kaya Lord please Wag naman po nag take nako ng gamot ko. Sana mawala na mamaya sakit ng ulo ko. Sarap na sarap pako kumain kanina tapos after ayun biglang sakit na nman ng ulo ko bandang left. Kaya heto nako ngayon nakahiga na. Advance goodnight na mga kaingay. Please include me i your prayers. Thank You. Have a Good night ahead.
Pagod na po ako magkasakit. Hahaha.
Ayoko na lubayan mo na ako sakit please.
Gusto ko na bumalik sa normal kong buhay. Yung nakakapag work ako at kumikita hindi yung naging palamunin nalang.
Hayys Lord please do heal me. I'm hoping for your miracle. I know you have a good reason why I'm experiencing this kind of situation.
You know how much i trust you.
Ikaw na po bahala sakin.
Good afternoon dear noisemates
I just dropped by here to read your updates.
Ofcourse i miss my friends here too.
Have your lunch now. It's already 12pm let's eat guys. Happy Saturday.
Namimiss ko na kumain ng ganito. Hirap talaga pag daming bawal. Kung bakit ako pa kasi ang tinamaan ng sakit na ganito.
Minsan napapatanong nalang talaga ako kay Lord. Yung bigla nalang di mo na matitikman mga foods na dati sarap na sarap ka sa mga ito. Lalo na mga sweets like chocolates. Hayys kakamiss talaga. Sana talaga magka miracle na kahit 1% lang yung pag asa.
Good afternoon noise mates. Kakagising ko lang naka idlip ako 1 hour haha. Di pwede tulog baka mahirapan matulog mamayang gabi bawal pa naman puyat. So ayun yung mga kasama ko tulog pa buti nalang wlang pasok sa school mga pamangkin ko. Kaya may kaagapay kay baby mamaya.
Kayo kaingay ano pinag kakaabalahan niyo ngayon?
Weekend is really giving us a hope to enjoy resting haha. Good morning Friday. I know some of you are happy coz Friday is the last day before weekend. Yung mga working and pumapasok sa school bukas pahinga na naman unlike sa mga ibang working diyan na kahit Saturday and Sunday may pasok pa rin.
Just wanna share this photos. Yung first photo was taken at Park. May mga kalapati Diyan haha wala lang nakakatuwa lang sila. Yung second photo naman as of this moment having my milk while waiting for my menstruation hahaha Nagpaparamdam na kasi masakit na naman balakang at puson ko. Parang napalo palo katawan ko. Pero Handa na ako sakanyang pag dating. Huwag lang sana niya ako pahirapan. Haha.
Good morning my dear noisemates.
Let's have a Good day.
Birthday ng pamangkin ko kanina at may konting salu salo pero ako hanggang nood nalang sakanila kasi yung hiniwalay kong bihon na walang pampalasa naubos ko na 3pm palang haha ako unang kumain so pag dating ng cake, ice cream at pizza nganga na ako kasi ubos na yung akin hahaha. So nag tinapay na lang ako. Hirap ng may sakit kaya kahapon di na lang ako pumunta sa birthday nung kambal na kamag anak namin kasi di rin naman ako makakakain ng handa haha dami bawal kaya napaka hirap magkasakit. Minsan nga gusto ko ng kumain ng mga namimiss ko na bawal kaso naiisip ko ako rin mahihirapan kaya ayun. Iwas iwas nalang muna.
Anyways patulog na ako kaingay, shinare ko lang to. Ako nag luto ng bihon pero diko tinikman kasi naglagay ako ng pampalasa. Hahah okay naman daw lasa masarap haha. Bahala sila diyan. Infairness ubos ang niluto ko. Hahaha. Good night mga kaingay panibagong araw na naman bukas.
Kaya magpahinga na at nang may lakas bukas harapin ang bagong umaga.
See you in dreamland mga kaingay ko.
Pray bago matulog.
Good morning to my breakfast pancit batil patong . All time favorite haha.
The weather is good and I'm enjoying a peaceful place right now.
Have a Great Wednesday ahead fellows.
Today is just another day to create and add new memories in our lives. So enjoy every moments.
Hoping for a good and productive day today.
God bless us everyone.
Have your breakfast now. Let's eat fellows
Goodmorning to everyone. Eyeglass is life hahaha. Aga ko nagising ingay nung pusa kumakaluskos. Jusko kung kelan sarap ng tulog ko saka naman nang istorbo yung pusa ng ate ko hahaha sinundan siguro siya. Siya kasi ang katabi ko kagabi sa pag tulog haha.
Breakfast na ba ? Mukhang mag luluto pa ako bago kakain ayy mali mag mamaligamgam pala muna ako before mag breakfast, dalawang baso and after 30 minutes pwede na mag breakfast.
Anyways breakfast na kayo mga kaingay.
Enjoy your day ang have a good day ahead.
Happy tuesday sa lahat kahit na may paniniwala yung iba na di daw maganda ang tuesday the 13th haha pag natapat sa tuesday or friday ang 13. But for me just keep praying and believing. God bless everyone.
Good morning monday,
Super sunny day ngayon buti nalang maaga naglaba si partner. Nakapag linis na rin ako dito sa bahay. Sarap na mag pahinga habang nakikinig ng music. Hilata na muna habang naghihintay antukin. So far yan muna ang aking update for this morning hahaha
Nakakamiss ang dating life ko. Work bahay. Tapos ngayo bahay nalang dahil sa sakit.
Sana makabalik nako sa dati. Mag milagro na sana. Ohh siya pahinga na muna mga kaingay.
At sa mga busy diyan, pahinga din pag may time ha? Wag abusuhin ang sarili.
Finally nakapag cellphone din. Breakfast ko nga pala kaninang umaga dina ako nakapag update kasi naman medyo busy. Good evening noise mates
Oras na naman para mag prepare ng dinner,
Luto time mga kaingay.
Kayo guys ano ulam niyo?
Hope you had a great day my dear noisemates. Medyo nahilo ako kanina dala din ata ng init. Tutulog nalang ako ng maaga mamaya para bawi ulit.
Another week na naman bukas hayys. Bilis ng araw. Sana magka miracle na.
Pauwi palang si inday nag aliw aliw lang kung saan may peace na matatawag hahaha. Ingat samin ni partner. Laba day bukas. Kaya naman magpapahinga ako ng todo mamaya para bukas may lakas na naman para maglaba. Hindi na ako nag lunch sa bahay sa sobrang badtrip ko hahah. Kung wala lang akong sakit kahit ako na lahat gumawa ng gawaing bahay. Jusko nakakaloka ang mga kabataan ngayon. Sana lang pag nag ka anak ako behave siya at hindi katulad ng pamangkin ko sa tigas ng ulo. Good afternoon noisemates. Puro nalang ako labas ng sama ng loob dito buti na nga lang din at dito pa si partner para pag sabihan ko ng sama ng loob haha.
Yung sunod sunod na stress, Nakakasakit ng ulo at nakakahilo. Nagpa check ako ng pulse rate ko nasa 54 lang ang normal pulse rate is 60-100 ata. Ayun kaya pala bilis ko mag break down. Yung gusto ko mag move sa environment na peaceful. Kala ko dito ko siya mahahanap sa bahay pero ang ending dito ako na iistress buti pa sa bahay nila partner. Kahit papano may peace. Grabe yung impact sakin ng stress. Minsan hindi ko na din alam gagawin ko. Diko na alam saan ako lulugar. Hayys just sharing mga kaingay. Sensya na dito pako nag rants
Having my breakfast with my favorite ampalaya with egg , nilagang okra at talong.
Good morning, noisemates.
Yung pag gising ko masakit ulo ko. Ito na naman siya. Dati kasi bago ako na diagnosed sa sakit ko, ganito feeling masakit ulo ko tuwing gumigising ako sa umaga tapos nahihilo ako, pero ngayon ulo ko lang masakit hindi namana ako nahihilo. Baka dahil to kagabi sa stress ko. Hayy Huwag naman sana.
Alam Kong laba day ng karamihan ngayon sana hindi umulan sa lugar niyo. Medyo makulimlim kasi dito samin ngayon.
Have a Good day ahead mga kaingay.
I'm guilty to what happened to my niece,
Pinag sabihan ko siya kasi ang bata niya puro jowa jowa ang alam ayun hanggang sa umabot na sa na stress nako sakanya dahil dami niya sinasabe. Until nag iiyak na siya diko naman alam na pag sobra ang iyak niya nahihirapan siya huminga dahil dati daw nung bata siya ganun na siya kaya hindi nila pinapagalitan. So ako walang kaalam alam na ganun pala siya so ang ending nagigilty ako, sana maging okay na siya. Hindi ko naman alam na ganun pala siya so ako ngayon na iistress na rin kaya agad agad na ko nagtake ng gamot baka sumpungin rin sakit ko. Sumasakit na rin kasi ulo ko. So ngayon napag isip isip ko na hindi ko na papakialaman mga anak ng ate ko. Hindi kasi niya kayang disiplinahin. Kaya pala hindi niya masita nung nag bf. Kasi ganon pala yun pag dinamdam ang sakit, hindi nakakahinga ng maayos. Hayys hirap talaga mangialam kaya hindi ko na lang sila papakialaman pag nagkaroon nalang ako ng anak. Gagabayan ko talaga hindi sakin uubra ang ganung pag uugali. Anyways time to rest na share ko lang para maibsan din ang iniisip ko baka mastress lalo. Natigil pa ako sa pag popost. Buti dumating yung pinsan Kong nursing ang kurso kaya nag pa bp na rin ako. Baba ng pulse rate ko, kaya pala nahihimatay ako pag napapagod. Ohh siya mga kaingay Good night na po. Praying....
#alwayspray#havefaithinHIM
#Goodnight
Iidlip muna ako habang makalat na naman hahaha. Yung pamangkin kong oras sana ng tulugan pero ayun siya naglalaro at napaka energetic parin. Jusko alas kwatro na nman siguro to mamaya matutulog haha
Siesta muna tayo mga kaingay.
Medyo windy ngayon kaya kahit walang fan okay lang. Sige na mga kaingay pahinga muna tayo. Yung pamangkin kong isa muna ang mag babantay sa pinsan niya hahaha.
Hi I'm New to this platform. @Septamber username. You wanna know why my username is Septamber? Actually my True name is Menelin which is I guess it's really unique but i don't feel it so much haha that's why i chose septamber coz my partner's birth month is September in connection to this I'm planning to make my username as a name of my child when I will be pregnant in God's perfect timing. As of now I'm fighting for my brain tumour which is really hard to deal with. So I'm always praying to GOD and Hoping that one morning Miracles happen and I will be healed.
Helloo mga ka foodie ayan na nga dahil trending ang new noise dina ako nagpahuli gumawa na ako ng account ko, gamit ang invite ni sis @charlsss ayan na sis gumawa na ako dina busy eh haha. Sa mga gusto din mag join pwede niyo po gamitin link
https://noise.app/invite/sucnoikr
Kita kita po tayo sa new noise mga kaingay. Ituloy natin doon ang pag iingay hahaha.
Oo nga pala username na gamit ko doon ay Septamber yung dating account ko. See you there mga kaingay.
Good morning mga kalat na laruan. Yung pamangkin kong wala sa mood. Aga aga kanina ang sungit. Nag iiyak pa haha buti nalang naka uwi na rin si ate galing sa meeting ng mga anak niya. Medyo di maganda pakiramdam ko ngayon. Parang magkaka dalaw ako ng di oras. Anyways ano yung new noise? Earning site din ba yon? Gagawa ako later ng account pag dina busy.
For now duty muna tayo sa pamangkin. Yung mga pamangkin ko namang hs. Ayun nagpasaway yung isa sakin sarap paluin haha kaya confiscate ang cellphone para mag tanda. Hahaha.
Still a Good morning bawal ako sa stress kaya ibalin sa ibang bagay. Kain na mga kaingay ko.