read.cash Log in
@SeptamberOnNoiseApp

Yung sobrang iyak ko diko alam kung epekto ng sakit ko yung inaasal ko. Dapat mag papaconsult kami today. Tapos nawalan ng power kagabe so di kami nakatulog ng maayos tapos sumakit ulo ko. Yung partner ko sabe niya bukas nalang baka sumpungin ako sa daan sasama din mama samin kasi bibili siya paninda niya ang ending inantay kami ni mama pero di rin naman kami natuloy ni partner. Nag away lang kami kasi pabago bago daw ang gusto ko si mama nauna na. Kasi sbe ko masakit ulo ko pero wala akong sinabe na di ako pupunta kaya ayun si partner nag bihis ulit ng pambahay ako dipa ko naligo kanina kasi bumalik ako sa pag higa. Di kasi nila maiintindihan yung nararamdaman ko nung medyo okay na at nawala na sakit ng ulo ko. Naligo na ako. Diko alam kung effect paba ito ng menstrual period ko. Nakabihis na ako tapos ayaw ako payagan lumabas ni partner so ang nangyri nagalit nako kasi nakapag commit nako doon sa clinic na pupunta ako today hanggang sa nag iiyak nako at dami ko ng nasabing masasakit na salita sakanya. Ayun ngayon ko na sana gusto magpa consult kasi ngayon ko mas kailangan at si partner uuwi na sakanila sa sunday. Wala na rin time kaya nainis ako sabi ko wala ng magpapa consult bukas kung hindi ngayon kako. Biglang sumakit ulo ko sa kakaiyak. Naiinis ako., kala nila sila nakakaramdam ng nararamdaman ko. Aminado akong mali ako sa mga pinagsasabe ko kay partner nakaka konsensya ilang araw nalang siya dito samin tapos ganito pa kaya ako iyak ng iyak kanina. Pinapauwi ko na rin siya sa sobrang galit ko sakanya. Kaya lalo akong na stress. Imbes na sulitin namin yung mga araw na nandito siya. Ganito pa. Kung hindi niya ako ginalit di ako magkaka ganito. Sana makauwi ng maaga at safe si mama. Gulong gulo na ako di ko alam ano tong ganitong pag uugali ko. Hindi naman ako ganito dati. Buti nalang at may noise na pwedeng pagsabihan ng sama ng loob at pag labasan ng saloobin. Hayys noise thank you sayo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.