Just joined tangled last night. Hindi ko pa alam kung paano mag earn doon. Can someone Help me? Yung mga member na po ni tangled diyan please do help me.Thanks in advance. You can follow me here. https://septamber.tangled.com/join
@SeptamberOnNoiseApp
Joined 9 September 2022 · 165 posts
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Finally made an account in Memo.cash. please follow me there sa mga may account po hehe yung iba dito finollow ko na. See you there sis and bro.π Let's see kung magiging active ako doon. Lalo na ngayon medyo may time na mag cp cp. Hindi na ako inatake ng sakit ko. Last sezure ko April pa . Hopefully Wala ng kasunod. Thank You Lord for always guiding me. Iloveyou Lordππ
Time to post here in Noise. Kumusta po mga friends natin dito?Birth Month ko na. Hope gumaling na ako ng tuluyan. Medyo improving na kasi nakakalabas nako kahit papano. Si noise hindi na nagparamdam haha. May mga random giver padin po ba dito? Do you have or know apps or sites na pwede rin pagka kitaan. Medyo pwede na po ako mag babad sa phone kaya gusto ko na ulit extra income. Haha. Nevermind my photos. Nangayayat talaga ako ng sobra Hahaπ€£π

Slowly glowing. Feeling better after five months. Prayers and rest really helps me a lot to become better than ever. Thank You Lord for all the blessings. Please continue to heal me. Waiting for the day to be fully healed. Goodevening people of noise. How's your life? Any other earning sites that you can recommend? Really need it to provide income for my second opinion this year. Thanks in advance my dear noise.
Good evening everyone. Missing my hair like how i miss noise app. Kamusta ang lahat ? Ano na po bago dito? Kakamiss yung laging nag a update dito sa daily routines. Haha Sisikapin kong makapag update. Actually feeling better na ako ngayon unlike last year. Sana tuloy tuloy na. Para makabalik na sa dating life. Ohh siya yan nalang muna guys. Hope you still remember me mga ka noise.
After 3 months. I'm back. Short hair na sabog sabog ang pagbabalik ko hahaha. Hello friends. Kamusta ang lahat? Nagpahinga lang ako ng ilang buwan. Balik loob nako kasi nga namiss ko kayo. Namiss ko yung mag post post dito. Actually gusto ko na talaga mag post dito before but dipa pwede kasi need ko muna magpahinga para lumakas. Bawal muna radiation. Ayun medyo okay naman pakiramdam ko. Next year pa check up ako para makita if may improvement na. Yun lang guys nag update lang ako dito.

Yey finally tumigil na ang ulan sana tuloy tuloy na ang pag liwanag. Para naman makapag linis at laba na. Sa mga nabaha keep praying po. May awa ang Diyos. Mag iingat pa din ang lahat may parating na namang bagyo. Hindi na tayo tinigilan. Sunod sunod ang bagyo. Kaya pray lang po tayo na sana lumihis siya. Gandang Hapon po sa lahat. Kamusta po sa lugar niyo?
Ganda gandahan for today's photo Hahaha. Maulan na naman at lakas ng hangin. Yung tipong dina kami tinantanan ng bagyo para silang nagmartsa. Keep safe po sa lahat ng mga dadaanan ng bagyo. Pray lang po tayo. Ganito pala sa Noise app. Pag dika nag bukas ng ilang araw ayun sabog ang news feed mo haha news feed ba tawag or wall? Haha kahit ano pa tawag diyan basta yun na yun. Kailangan pala laging nag oopen para di dumami ang iback read hahah. Now i know. Sige na nga pipilitin ko maging active dito. Sana lang always okay pakiramdam ko para laging may post. Good afternoon po sa lahat. Kamusta ang mga kaingay ko?
Took this photo five days ago. Just to update my partner i sent him this photo. Laki ng pinayat ko. Pero still thankful coz I'm feeling better now. Nawala na yung feeling na parang laging pagod katawan at mata ko na laging mabigat ang ulo ko. Ngayon Nawala na, Thank You Lord sa paunti unting pag bibigay sakin ng lakas ng loob na gagaling din ako, Kumakapit at naniniwala ako sa lahat ng plano mo para sakin. Patuloy akong umaasa at nag darasal na sana tuloy tuloy na tong maayos pakiramdam ko. Always believe and Trust In God's plan coz God only give us the better version of our plan. Pray until something happens.
Yung ngayon lang ako nagbukas. Tapos napansin ko parang wala ng ft. Anyare na po kay noise? Hindi po ako updated. Ngayon lang ulit naka bisita dito. Sinumpong na naman kasi sakit ko. Kaya ngayong medyo nawala na sakit ng ulo ko. Nag cp ako at inopen ko si noise. Baka lumipat na lahat sa noise app kaya parang nag lilow na dito. Goodevening noisemates. Kamusta ang lahat?
Good Morning padin kahit na may pag blocked si ateng sakin haha. Nako kala siguro nito di mag nonotify ang pag blocked sakin. Wala naman akong gingawa sakanya pero mukhang hobby na niya to kahit sa noise.cash dami niya din blinocked doon. Hmmm Pwede naman i unfollow if ayaw niya sa mga post ko haha pero yung blocked duhh?? Ano yun? Check niyo baka pati kayo na blocked na rin nito. Anyways, Maulan parin dito samin at wala na ngang pasok mga pamangkin ko. Mag breakfast na ako at take na ng gamot mag ingat ang lahat .
Just woke up it's Raining again. Bed weather seems to be active. Haha. I'm starving but we don't have stocks of bread. Hmmm Can't think of any alternative to eat. You already know my situation. Lots of foods are prohibited to me. What's your snack my dear noise mates? Really miss to eat Lomi specially with this kind of weather. Hmmm Will just do it in my dreams later haha.
Wazzzup! Time for nap. I think this is my 3rd time to post here. Haha actually I'm just busy for my menu planning, lots of foods are prohibited to me due to my brain tumor so be it. Tiis tiis nalang muna sa pwede. Para pag gumaling nako. Babawi nalang ako sa mga favorite foods ko haha. Anyways how are you here my dear friends. Posting my oily face hahaha. Sabay sabay yung dating. May dalaw ako, may pimple then ayan oily face for real. Haha pwede na pag prituhan haha. Rainy afternoon.
Yung sobrang sakit ng ulo ko. Ngayon lang na naman to. Hindi ko alam kung dahil sa paparating na dalaw or dahil na naman sa tumor ko to Diyos ko kayo na po bahala. Parang mabibiyak na po. Umidlip ako at ayan pag gising ko, sumelfie ako. Ayun hindi halatang masakit ulo. Nagpapatulong pa sakin yung ate ko. Mag prepare para sa birthday ng anak niya bukas. Kaso mukhang si ate nalang yung panganay namin ang pupunta sakanila. Hayy timing kasi. Gusto ko rin sana sumama kaso eto nga sinumpong ako. Prepare na po kayo lunch. Makikikain nalang ako mamaya sa mga post niyo haha.
I'm missing my partner, LDR feels. Now i know the feeling of being away from love one. Although I'm staying here at home with my family. It feels incomplete. That's the feeling. But I'm slowly adapting the situation, coz i know one day we will be complete again. Ohh just sharing my thoughts. Goodevening and Also Good night! Time to sleep. Have your dinner my dear noise mates. Then have a rest. Pray before closing your eyes. See you in dreamland fellows.
Done with my Lunch. Such a perfect meal for this kind of weather. Rain rain please stop now. Hindi ka na nag sawa kakaulan. Kawawa naman yung mga hindi pa naka ani ng mga pananim paniguradong lugi na naman sila. Hindi kasi natin hawak ang panahon ang tanging magagawa lang natin ay magdasal. Ipagpa sa Diyos nalang natin ang lahat. Lunch time na mga kaingay. Kain na po kayo. Pag busog ako inaantok ako. Basa pa kasi buhok ko kaya hindi pa ako pwede matulog sakto nag papababa pa ako ng kinain ko. Ohh Siya Ingat ang lahat.
Done Praying. Still raining. Time to sleep. It's time to rest and Have a good sleep in this bed weather. Let things happen coz everything has a reason that may lead us to better situation. Let's just trust God's plan for us. Someday we will be grateful for the good results. Keep praying. God will always provide. Let us surrender all our worries to God and let go of the things that may cause you thinking all night. Have a Good night everyone. #anothertomorrowtoface #BlessusohhLord
Non-stop rain. Let's eat this kind of food. I cook my own food so here it is a chicken noodle soup with only salt to taste. Just to warm my stomach. This weather is really giving me a hard time to get some leafy veggies in my sister's Garden so i decided to change my recipe. That's the outcome. Missing the sun shine and the sunset . Rain rain go away please.. Keep safe everyone especially to the places where the typhoon will landfall.
Nag usap kami ni partner kanina nag video call kami. Ayun sabe niya nangayayat daw ako sabe ko sakanya makapal lang buhok ko kailangan na mag parebond haha . Buhaghag na kasi kako. Ayun sabe niya bibigyan niya ako pampa ayos buhok pero naisip ko pambili ko nalang gamot ko haha. Pang isang buwan din yun na gamot diba? Ohh siya matutulog na ako baka mabudol pako ng shopee. Dami ko in add to cart pero diko naman chineck out at place order. Hahaha. Panigurado marami na naman mabubudol si shopee ngayon daming sale eh. Maybe next life nalang siguro ako mag papabudol kay shopee hahaha sana uso pa yun sa pnahon na yun. Good night mga kaingay. Pahinga na po at maaga pa kayo bukas lalo na mga may pasok sa school at sa work. Maulan ngayon dito samin kaya masarap matulog. Mag aala lumpia ako ngayon balot sa kumot Hahaha. Nytie. God bless us.
Miss ko na ang bebe nan to. Walang pampatanggal ng stress dito sa bahay kakamiss yung makulit na batang to. Yung nagkalat ang laruan habang kumakain hindi naman naglalaro haha. Itlog nga pala ulam ko kanina, maulan kasi dito samin kaya hindi makalabas para bumili. Tiis tiis muna baka sakaling tumila na mamaya pwede na bumili ng uulamin pang gabe. Bawi nalang ako mamayang gabe. Anyways kamusta ang weather diyan sainyo mga kaingay?

My lunch a while ago. Ako nagluluto ng pagkain ko kasi nga madaming bawal sakin. So kung ano ang available na gulay dito sa bahay na pwede sakin. Dinidiskartehan ko nalang talaga then asin lang nilalagay ko. Imagine ang hirap mag isip ng ulam nung mga panahong wala akong sakit ngayon ayun mas mahirap mag isip kasi piling pili lang pwede sakin haha. Anyways gandang tanghali sa lahat. Gusto ko sana umidlip kaso baka mahirapan ako matulog mamayang gabi kaya hindi na siguro. Hihiga higa nalang muna ako. Kumain na po ba ang lahat? Meryenda na nung mga maaga nag lunch kanina. Haha. Just enjoying every single day.

Nakakamiss yung mga panahong maaga ako nagigising tapos papasok sa work. Magagawa ko pa kaya yun? . Umagang kay Ganda kahit na wala pang gising sa mga kasama ko dito sa bahay sarap ng tulog ng mga pamangkin ko at ng ate ko. Sila mama at papa naman ay maagang umalis para mag work. At eto nga parang gusto ko matulog ulit. Hahaha Ohh sa mga papasok diyan kumain po kayo ng breakfast niyo para may lakas kayo mag work at mag aral. Have a good day everyone.
Ready to sleep. Tapos na ako mag pray. Share ko lang dinner ko kanina. Kamote with ampalayang dahon. Sarap kahit asin lang ang pampalasa ko . Nasasanay nako na asin lang nilalagay ko sa ulam ko. Haha. Yung sarap din niyan kasi bagong pitas yung ampalaya. Bilis ng araw, bukas seven na. Di natin mamamalayan katapusan na pala haha. Tara na pahinga na mga kaingay. Alam kong marami dito pagod dahil sa work or sa gawaing bahay. Kaya time to relax na para bukas may lakas ulit para sa daily routine. Good night mga kaingay. God bless us all. Have a good sleep everyone.
Pagabi na naman. Dati favorite part of the day ko yung gabi kasi sa gabi ko lang nakakasama si partner. Ngayon nakakalungkot tuwing sumasapit ang gabi kasi magkalayo na kami tapos siyempre busy siya sa work. Kaya waiting lang muna ako na mag message siya. Hindi ko rin alam kung may signal siya kasi nasa barko siya. May mga bagay talagang nagbabago, minsan kailangan mag sakripisyo para sa kinabukasan. Kaya tiis tiis muna para sa ekonomiya. Sayang kasi ang opportunity, dapat grab lang ng grab pag may opportunity para laging blessed at lalo pa tayong i blessed ni Lord pag ganun. Na share ko lang mga kaingay. Good evening. Ano ulam niyo for dinner?? #stillblessed #nightchanges
Heto na naman hindi na naman ako makatulog. Hayy iniisip na naman siguro ako ni partner. Iniiisip ko rin siya. Sasampa na siya bukas sa barko. Lord gabayan niyo po siya. Yung Ldr feels plus di rin sure kung may internet ba doon. Sana ma contact padin niya ako kahit sailing na siya. First time namin magkalayo ng ganito kalayo. Alam kong maraming pag subok sa isang Ldr. Tiwala lang talaga at laging mag pray kay Lord. Pag si Lord nasa inyong dalawa, gagabayan niya yung relationship niyo. Napatunayan ko na to nung mga panahong sinubok kami ng tadhana. Just sharing mga ka noise hindi kasi ako makatulog. Lalo na bawal sakin mag puyat. Ohh siya pipilitin ko na matulog mga kaingay. Good night. Godbless us all.
Will try this medicine baka sakaling mawala ang bukol sa brain ko. May nakapag recommend sakin nito na may bukol din dati after ilang months ng pag take niya nito. Nagpa check up siya ulit with different kinds of tests. Ayun biglang nawala yung bukol niya. Sana ganun rin sakin. Tiyagain ko talaga to inumin. Nag start ako today. Sana by next year pag nagpa check up ako at mri ulit okay na result. Madami pa kasi akong gustong gawin. Gusto ko rin magkapamilya, magka anak. Sana bigyan pa ako ni Lord ng mahabang life. Gusto ko ulit maging normal ang buhay ko. Yung makakapag work ako ulit at makatulong sa mga magulang ko. Hindi yung ako pa yung binabantayan nila. Praying and manifesting all of these. Lord please heal me.
October first.A good weather to start the day. Good morning my dear noise friends. Another day to spend weekend with Good ambiance. Ganda nung sky super blue sarap pag masdan habang narerelax ang mata natin haha. Done na ako kumain at mag take ng gamot. Mamayang hapon nalang siguro ako bibili ng gamot ko mainit na. Baka maabutan sa daan. Ano pinag kakaabalahan ng mga kaingay ko diyan? Tara pahinga muna haha.
Bigla akong nagutom nung nakita ko to sa gallery ko. Nakakamiss na kumain ng bawal. Tiis tiis pa para gumaling. Late na dipa ako inaantok. Ganito na naman yung feeling na di makatulog ng maaga. Bawal pa naman mag puyat kaya please antok dalawin mo nako. Hanggang tubig na nga lang ako kasi bawal naman sakin mga ganyang food. Hanggang tingin nalang muna. Sana soon makakain na rin sana mawala na tong bukol na to. Anyways happy weekend noise friends. Have a rest now and Have a good night everyone. See you in dream land. Good night.
Kaka harvest lang fresh na fresh ulam ko pang tanghalian. Lagyan ko nalang kamote. Para buridibod na. Pero dahil bawal sakin ang bagoong, asin lang ilalagay ko diyan mamaya. Mamayang gabi ano na naman kaya uulamin ko. Hirap mag isa lalo na piling pili lang sakin pwedeng kainin. Good Morning noise mates. Kayo ba may ulam na for lunch? Maaga ako kumuha para mamaya mabilis nalang lutuin. Dapat nasa tamang oras rin ang pag kain ko. Kaya inagahan ko na mag prepare haha. Mukhang excited lang kasi madami pa ako gagawin. Maliligo na rin ako mamaya kasi bawal na maligo sakin ng hapon. So ayun lang for today's update mga kaingay.
Time to sleep mga kaingay. Bawal puyat kaya need na mag pa antok. Mamaya baka mapagalitan na naman ako ni partner. Dina kami magkasama pero ayun lagi parin naka monitor sakin haha. LDR feels na. Wala na yung oa kung icheck ako minu minuto akong tinatawag kahit na magkatabi lang kami haha. Ngayon ayun nakauwi na sakanila. Kaya dapat kahit hindi ko siya kasama behave at masunurin padin para din naman sa ikakabuti ko to. Sa mga may pinag dadaanan diyan tulad ko, Laban lang at patuloy na magdasal. Matatapos din lahat ng to. Wala lang sa itsura ko kasi ayoko i embrace yung sakit na meron ako. Goodnight mga kaingay.