Goodnight everyone. Ganda gandahan for tonight's post. Yung bakas sa mukha kong happy parin ako despite of what I'm going through. Kahit na may sakit ako alam kong God will heal me. I will just trust the process. Miracles happen when you are truly devoted to God. God will never let us down no matter what and who we are. Always pray and God will hear our prayers.
Let's rest now and Have a Good night ahead fellows. See you in dreamland.
Yung batang naka dress kala mo naman talaga may lakad haha dito lang naman siya sa bahay. Lakad lakad lang siya. Nag ka energy na naman after mag milk. Kanina umiiyak siya gusto mag stay sa labas e gabe na hahaha.
Good evening mga kaingay.
Parating na naman ang weekends. Pahinga pahinga na naman ang mga working and pumapasok sa school.
Parang gusto ko na naman ng ganito. Hahaha. Pancit batil patong. Pag scroll ko ng photos sa gallery ko. Nakita ko yan ayun. Nagutom na naman ako kahit kakatapos ko palang kumain hahaha. Good afternoon noise mates.
What's your lunch a while ago?
Mine was Sinigang na Tilapia. Done na rin ako mag inom ng gamot oras na para mag pa antok siesta time na mga kaingay.
Mag lunch na ang dipa kumakain diyan
Eatwell and enjoy the rest of the day.
Hindi na ako masyado nakakapag update dito tinutulungan ko kasi ate ko magbantay sa pamangkin ko hahaha. Busy busyhan eh. Sana may reward na pancit batil patong mamayang hapon.haha
Time for selfie na wala pang suklay suklay basta tali nalang. Iba talaga ang feeling pag nasa bahay ka mismo sa pamilya mo. Kasi kahit anong itsura or gawin mo okay lang dika maiilang unlike dati nung nasa bahay pa kami nila partner. Halos dinako lumabas ng kwarto hahaha. Hiya hiya din pag may time ganon. Haha
Goodevening noise friends. Done nako mag dinner at nakapag inom na rin ako ng gamot ko. Yung pag dalaw nalang ng antok ang inaantay ko. Higa higa na muna ang ferson hahaha. Kain na kayo kaingay.
Good afternoon noisemates can't upload photo due to weak internet connection. Just woke up while my niece just sleep.hahaha so ako muna mag babantay sakanya habang natutulog din si ate. Yung feeling na, ang saya kasi hindi natuloy sa pag luwas si partner by next month pa siguro siya alis kaya matagal tagal ko pa siya makakasama. Sulitin ang bawat oras na nandito siya kasi pag siya umalis na matagal tagal na naman bago magkasama. Thank you Lord for today. For all the blessings, sa lahat ng taong mababait na nakapaligid sakin. Sa walang sawang pag intindi sa kalagayan ko. Thank You so much po.
Hottie afternoon na naman. Mag 4pm na pero yung tirik ng araw kala mo 12pm haha.
Meryenda Time na mga kaingay pero mamaya pa siguro ako mag merienda bantay mode muna.
#imbackwithnoise.
May pa native manok kami tonight. Busog na naman ang inday haha. Iba talaga pag native lalo na pag bata pa yung manok. Anyways tapos na ako kumain, nagpapa antok nako kahiga nako. Hayys bukas Uwi na si partner sakanila. Mamimiss ko siya lalo na yung lagi niya ako pinap alalahanan sa mga bawal sakin. Lagi niya ako binabantayan kasi bawal ako mag isa. Hayyss need niya din kasi mag ipon para sa surgery ko kaya need niya lumayo. Ldr feels na pag uwi niya bukas.
Ohh siya tama na ang drama ko baka mamaya ma sad pako bawal pa naman sakin.
Good night mga kaingay.
Pahinga na po at bukas ay harapin ang panibagong araw.
Pray po bago matulog.
See you in dreamland mga kaingay.
Yung batang kunwari matutulog pero hindi naman talaga matutulog . It's a prank lang pala. Hahahaha. Good afternoon noisemates. Kawawa na si ate kakahele sa batang to pero ayun kunwari pipikit mamaya maya biglang tatawa hahaha. Hilig magpa buhat. Ayaw naman maglaro haha. Natatawa nalang ako kay ate kala niya makakapag pahinga na siya ano oras na rin kasi ohh. Walang tubig dito samin ngayon may inaayos kaya, di pa makakaligo. Napaka init pa naman dito samin. Di kasi sila nag abiso na mawawalan ng tubig. Gustong gusto ko pa naman na maligo. Di kami nakapag imbak ng tubig.kung alam ko lang sana na ganito. Nag imbak ako madaming water. Baka 6pm pa daw magkakaroon may inaayos kasi. Uso din pala dito sa probinsya mawalan ng water hahahaha.
3pm na pero nakapa init padin wala man lang natural air. Init pa ng buga ng electricfan.
#Hottieafternoon
#Goodday
Yung pamangkin kong nagkalat na naman ang laruan hahaha buti nalang talaga andito si ate para mag alaga sakanya kasi kung ako lang hindi uubra Haha. Bawal ako mapagod at ma stress pero stress reliever ko tong pamangkin ko cutie patotie e hahah
Goodmorning mga kaingay, bilis ng araw uuwi na bukas si partner. Malapit na kasi siya sumampa buti nalang talaga naihatid na niya ako at nakapag bakasyon rin siya dito samin.
Anyways, Ulam na naman ang iisipin. Magtatanghalian na eh. Haha
Ano po ulam niyo kaingay?
Share naman niya ulam ideas salamat po
Yung itsura nitong biglang dilim. Napaka init kanina tapos ayan umulan na nga pero hindi tinodo kaya mamaya siguradong maalinsangan na naman haha. Hayy nako nakaligo nako ayoko na mag half bath. Sana lang hindi manlagkit mamaya.
Good afternoon noisemates.
Ano na naman kay ulam ngayong gabi hirap talaga mag isip hahaha. Nakakaloka kung may personal chef lang ako nako siya na bahala sumakit ulo kakaisip lalo na ngayon dami bawal sakin.
Umulan din ba diyan sainyo mga kaingay?
Hottie afternoon my fellows. Fresh from the bath. Pero mukhang di fresh Hahaha. Yung sarap sana matulog pero mainit na naman. Kaya antay nalang muna bumaba ang araw para medyo malamig lamig na mamaya. Pero baka dinako matulog para maaga makatulog mamayang gabi.
Merienda time na mga kaingay. Ano merienda niyo diyan mga kaingay?
Kagabi ko pa sana to ipopost pero nakatulog ako ng maaga kaya ngayon nalang ipost ang ulam namin kagabi. Adobong manok luto ni partner. Sarap ng luto niya kahit walang pa betsin or magis sarap haha. Dapat pala dati pa ganito nalang yung way ng pag luto para healthy lang.
Good morning noisemates.
Monday na naman. Pumasok na mga pamangkin ko. Excited sila kasi last week 2 days lang pasok nila gawa ng bagyo. Kaya kanina ang aga nila gumising hahaha. Nakakamiss tuloy mag aral ulit. Anyways, Ingat ang lahat nang may pasok mapa students or workers.
Happy Monday morning to everyone.
#blessed#morning
Gulay nalang muna ako. Gulay na walang halong betsin o magic sarap healthy living na po muna . Ang bawal ay bawal. Hahha Huwag pasaway para naman hindi na atekihin ang sakit. Super hot afternoon mga kaingay. Lunch time na mga kaingay,. Let's eat and have fun haha ano daw? Kain na rin kayo kaingay. Wag papalipas ng gutom.
Yung tipong ako ang nagluto pero diko alam kung ano lasa ng niluto ko kasi bawal ako sa mag betsin o magic sarap. Hahaha bahala na sila mamaya kung kakainin nila o hindi. Hahaha basta ako nasasanay nako sa natural walang halong kemikal.
Happy Lunch time mga kaingay.
Yung parang matutusta ako sa sobrang init.
Ang init rin ng singaw ng electricfan.
Drink more water sa lahat ng nakakaranas ng sobrang init sa lugar nila.
Hirap matulog nito mamaya
Gatas muna habang waiting na makaluto ng almusal. Good morning noisemates. Yung tipong medyo inaantok na naman ako medyo mAaga ako nagising kanina. Gawa ng tinawag ng kalikasan hahaha pasintabi po.
Nangangati yung palad ko, does it mean mag kakapera ako? Or trip niya lang mangati hahaha. Have a Good Sunday everyone.
Sisimba sana ako kaso wala akong kasama . Bawal kasi ako lumabas ng walang kasama. Kaya pray pray nalang ako . Alam kong maiintindihan ako ni Lord.
Have a Blessed day ahead everyone.
Bigla ko namiss ang turks shawarma. Pag bukas ko ng gallery ko biglang bumungad sakin to Hahaha. Good Morning.
Windy weather dito samin ngayon.
Yung kanina pa ako gising pero dipa ako bumabangon kasi naman inaantay ko pa magising si partner puyat ata kagabe kakanood ng movies. Anyways., ano po breakfast niyo ng magaya naman haha baka sakaling pwede sakin, ohh diba dinako mag iisip ng breakfast pa. Bawal kasi sakin mental alertness kaya kopya kopya nalang muna sa ngayon hahah.
Yung shawarma sana gusto ko kaso wala namang ganyang brand dito sa province namin meron man mga ilang oras pa ang biyahe at alam naman natin hindi ako basta basta makalalabas at bumyahe mag isa. So hanggang photo nalang muna hahaha.
Messy hair for tonight's post. Good evening fellows. How's your second day of the Month?
Time for dinner our viand for tonight is paksiw na bangus (milk fish).
Kayo kaingay ano ulam niyo?
Kain na rin po kayo. Kamusta weather sa lugar niyo? Pray po tayo na sana wag maminsala ang bagyo.
Prayer is the best weapon.
Let's keep praying for everyone's safety.
Enjoy your dinner guys.
Done with my lunch. Just wanna update the weather here in our place. It's kinda gloomy.
Pa ambon ambon na, tapos maalinsangan.
Kumain naba ang lahat? Kain na kayo ka noise. Ulam namin kanina ginisang repolyo with karne. Busog na naman. Sleep na maya maya. Papababa lang ng kinain. Good afternoon noisemates. Kain na po kayo wag papalipas ng gutom. Pakabusog po.
Ingat ang lahat. Lalo na sa mga lugar na may bagyo. Pray lang po mga kaingay.
Sunset that I'm missing to witness. Nakakamiss yung sunset na ganito. Dito samin dinako nakakalabas lalo na ngayon napaka init ng weather. Bawal sakin ang mainit na weather, pag nakakakita ako ng sunset. Nagkakaroon ako ng pag asa na, Magiging Okay din ang lahat. Yung sakit ko na tumour sa brain, Mawawala rin in God's Miracle. Always Hoping and Praying coz nothing is impossible with God.
Laban lang hanggang nabubuhay nang walang pag sisihan pag dumating yung araw na wala na talaga.
Good evening noisemates.
Done eating and taking my medicines.
Gonna sleep later. Will just catch up the latest episode of 2good2betrue hahaha.
#MiracleHappens
#HopeandPray
#Godisgood
Just woke up. Eyeglass is out for today's post.
Yung naka idlip ako kahit papano. Yung tipong ang init parin kahit 4pm na jusko, nakakaloka ang init. Meryenda time na mga kaingay. Wait ko lang magising si partner para meryenda na mamaya tapos ligo na rin ako para pag sapit ng gabi fresh from the bath na ang ateng niyo hahaha.
Good afternoon dear noisemates. How's your first day of the month? Hope it went well.
Enjoy the rest of the day.
#feelingbetter
#justwokeup
Baka may nakaka alam bat nagka ganyan kaya yan. Kahapon pa yan kahit may narereceive ako from others di pa rn yan nawawala hahaha. Sino na po naka experience ng ganyan ano po ginawa niyo?, thanks sa mga sasagot.
Super hot ng weather dito samin ngayon.
Aircon na talaga ang need kaso walang budget kaya tiis tiis nalang muna hahaha doon sana sa likod maganda tambayan kaso may mga naka pwesto na doon . Hirap matulog nito . Gusto ko pa naman umidlip .
#hotafternoon
#sept1st
Sarap ng Hangin dito sa likod. Good morning. First day of the month. Welcome to Ber months . September. Yung feeling na ang bilis ng araw, parang kelan lang lapit na naman mag 2023. Kamusta ang morning ng ber niyo mga kaingay? Nagpaparamdam naba ang lamig sainyo? Hahahaha.
September please be good to everyone.
Prosperity and more blessings to come.
Enjoy the first day of the Month guys.
Tambay muna ako dito sa likod sarap ng hangin eh.
Yey, after how many years. Nakakain rin ng pancit batil patong. Taduuuhh. Sarap na sarap si partner hahah. Masarap naman kasi talaga ang pancit batil dito samin. Busog pa din ako hanggang ngayon kaninang hapon pa yan kami kumain. Kaya naman baka dina ako makakain mamaya pero siyempre kakain ako kasi ang ulam namin tonight is Native tinolang manok. Sana umabot pa haha, kasi matigas pa eh late na kasi nakatay.
Goodevening noisemates kamusta weather niyo diyan sa lugar niyo?.
Kain na po kayo dinner niyo?,.
Eatwell noisemates,. Mamaya pa ko. Have a good Night Everyone.
#Happydinner
#tinolafortonight
Itlog muna habang nagpapahinga mamaya pa mag lunch. Sumasakit ulo ko sa init. Kakatapos lang maglaba, kaya ayan nahihilo na ako medyo kinakabahan ako pag ganito. Baka bigla umatake sakit ko sana naman hindi,. Lord ikaw na po bahala sakin.
Diko alam kung kakain na ba ako ng lunch or matutulog na muna ako. Sobrang init di ako mapakali, diko alam kung anong gagawin ko. Hayys,,
Kain na kayo mga kaingay.
Happy lunch time.
Sharing to you this photo of mine with my partner's niece. Bumisita kami sakanila kahapon. Tong batang to english era hahaha. 3 years old palang yan pero dami ng alam parang gusto na nga ipasok ng mama niya sa kinder Hahaha. Anyways kakatapos lang namin maglaba, sobrang init dito samin ngayon. Kaya sinamantala na namin maglaba buti nalang mga pamangkin ko wala pang pasok ngayon. Next week pa sila. So may katulong ako sa paglaba kanina. Pahinga muna then kakain na mamaya medyo masakit ulo ko sa init.
Lunch na kain na mga kaingay.,
Ano ulam niyo?
Footlong na half Haha. Snack muna bago mag lunch. Dala ni partner. Sinusulit talaga niya ang mga araw na kasama niya ako , babalik na rin kasi siya sakanila by next week kaya, Hanggang magkasama kami enjoyin lang namin yung mga time na ganito hahaha.
LDR feels na pag dating ng mga susunod na araw , Mainit yung weather ngayon kaya alam na tustado na naman hahaha. Happy lunch time sainyo kaingay. Enjoy your foods.
#HappyLunchtime
#Goodnoon
Goodnight my fellows. Time to sleep bawal magpuyat kaya kailangan magpaantok na para mag miracle, gagaling ako and I'm claiming it in God's Help. Alam kong may dahilan bakit ako nagkakaganito ngayon, Sana lang talaga maging okay na ako. Praying for my healing. Please pray for my healing guys. Thank you in advance . Have a Good sleep everyone.
Masungit for today's post. Ft. Ilog na madumi hahahaha. Sarap talaga pag sa province. Sarap ng hangin, Pasensorry sa itsura kong wala pang ligo, mamaya pa ako maliligo napaka init dito samin. Samantalang sa pinang galingan ko maulan haha. Sakit sa ulo ng init kaya tambay lang muna dito sa likod. Kainan time na, kain na mga kaingay. Enjoy your meal.
Have a Good day ahead.
Happy Lunch time sa lahat.
There's no place like home. Goodmorning mga kaingay. Ang aga namin nakarating mga pass 3am kanina kaya Ayun puyat bawi ako sa tulog later. Ang importante safe kami nakarating dito sa bahay.
Happy Monday everyone.
Sun shines so bright, Parang nakakamiss lang yung ganitong pag gising sa umaga ang aliwalas ng mga nakikita ko hayys namiss ko talaga dito sa bahay. Anyways mag breakfast na po kayo kaingay. Enjoy the day ahead.
Ingat ang lahat.
I'm going home to the place where i belong haha. Sana hindi ako mahilo sa biyahe. Good evening and Good night in advance mga kaingay bukas na ako makakapag update. Ingat samin ni partner. Mag stay nako samin for good. Pero mamimiss ko si partner haha.
Anyways dami ko chika. Kain na po kayo ng dinner mga kaingay.
Enjoy the rest of the sunday night.
Long weekend pla ano? Holiday bukas.
Ohh siya sige na po ako ay magrerelax muna ilang oras din na biyahe to mga 10hours.
Sakit na naman ng ulo ko. Bibiyahe pa naman kami mamaya . Uuwi na ako samin kung saan makakasama ko na ang family ko. Sana pag nakauwi ako samin medyo bumuti na sana pakiramdam ko. Lagi na kasing masakit ulo ko or di kaya nahihilo ako.
Diko suot salamin ko for today's photo Haha
Tara mga kaingay kain na muna tayo.
Happy lunch time sa lahat.
Still a blessed Sunday to everyone.Good morning dear noisemates. I'm so thankful coz at this moment I'm still alive and kickin despite of all the struggles and battles I'm facing right now. Lord truly never let me down. I'm so grateful to our Almighty God who always extend help for everybody.
I don't want to stress myself for thinking such thing that i can't change anymore. Lord please Heal me.
Have a great sunday ahead fellows.
#Sunday#blessings#famday