Mga panahong pabalik balik ako sa hospital. Ngayon thanks God it's been a Month since my last seizure sana hindi na ako atakihin pa. Mag papaconsult ako ulit sa Healing Galing dito samin sa Tuguegarao yung pinaka malapit samin, Baka sakaling mas mapabilis ang pagkawala ng bukol at ng pag galing ko. Lord lumalaban po ako kaya sana po pahabain niyo pa po ang buhay ko. Thank you so much sa walang sawang pagbibigay ng blessings Lord. Baka may mga taga tuguegarao City, Cagayan Valley po dito na nakaka alam kung saan ang healing galing pa comment po salamat. Good morning mga kaingay. Bilis ng araw lapit na uwi si partner sakanila. Medyo nakaka sad na naman pag alis niya ganon talaga kailangan niya lumayo para makapag ipon. Lalo na ngayon may sakit ako. Lahat ng nangyayari sakin tinatanggap ko nalang dahil alam kong may dahilan ang lahat at may magandang kapalit din ito in the future. Kaya nilalakasan ko ang loob ko at kumakapit ako Kay Lord. Breakfast na po kayo kaingay. Have a Good day ahead sa lahat.
No comments yet