I'm back I'm just busy doing some monkey business..jowkkkk hiOohi. Medyo nabusy lang sumandali kaya now lang ulit nagbalik. At eto na nga try ulit sumulat ng bagong article and sana ma-enjoy ninyo.
Isa sa pinakachallenging sa buhay bilang babae ay maging ganap na isang Maybahay at maging Ina.
Bakit? Why?
Ewan ko ba bakit ba gusto nyo mag-asawa at magkaanak e sobrang hirap kaya. Una magastos magpasakal este magpakasal. Ikalawa Ang sakit at ang hirap manganak ung tipong mamumura mo ung asawa mo and say "Put..... Ka ayoko na hay.....p ka hindi ka na mauulit.. aminin natin may pangyayaring ganyan Hindi man sa atin maaring sa iba.... ikatlo ang hirap kaya pag may baby lagi ka puyat at tapos ang pinakamasaklap pa hndi ka dancer hndi ka singer pero abot ang sayaw at kanta mo mapatulog mo lang ang baby mo...relate ung iba dyan diba?
Hirap at Saya
Mahirap sa una lalo na kung lumaki kang walang alam sa gawaing bahay tulad ko ayiiee ako na naman palagi na lang ako hehe...but true ako nga talaga dahil spoiled ako sa matandang dalaga na nagpalaki sa akin ayun nga sumabak Ako sa buhay may-asawa na ni ang magsaing ay hindi alam yung mapapa 3-in-1 ung kalalabasan ng sinaing sunog, hilaw at malata.
Dumating pa un time na naglaba sugat sugat ang kamay ng matapos..tapos sa tuwing magluluto ng ulam punta sa kapitbahay na nagtitinda ng lutong ulam at ang palaging tanong "ate Analie paano magluto ng sinigang, paano magluto Ng ganito"...hahaha dami ko talaga tanong noon un tipong sa tuwing magluluto magtatanong sa kapitbahay syempre hindi pa naman uso si pareng YouTube at mareng google noon.
Ung hirap at sakit ng panganganak ang kapalit naman is yun makita mo na malusog ang iniluwal mong sanggol at higit sa lahat makita mo na ang ganda at gwapo tapos masasambit mo na lang buti hindi ko kamukha...
Aral
Huwag pairalin ang takot sa mga challenging Life na papasukin and try to learn habang bata pa ng hindi magsisi sa huli at magaya sa akin. Enjoy every moment of your life bilang asawa at ina.
Hindi ko na masyado hinabaan para Hindi kayo maumay. Just enjoy kahit Hindi kagandahan ang aking article at Hindi kagandahan ang author:-)
October 05, 2021
Lead image and other pictures are from unsplash .
@Salie23
Sobrang hirap talaga mag asawa at magka anak. Naku ako hanggang ngaun nsa adjustment stage pa din kc hndi pa ako sanay na laging may gustong magpakarga,pro sobrang mahal na mahal ko namn ang anak,kahit madalas parang maghihiwalay na balakang ko sa pagod kakakarga sa kanya..hahahahha