"Ang Pista ng aming Patron na si San Geronimo ay idinadaos tuwing ika-30 ng Setyembre."
Bakit nga ba ipinagdidiwang ang Pista ng Patron?
Ayon sa mga matatanda ang Pista ay ipinagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang araw o kaarawan ng mga patron o ng isang Lugar o bayan. Ito ay naging tradisyon na ng mga Pilipino bilang pasasalamat sa mga biyaya na ipinagkaloob sa mga tao ng mga Santa at Santo.
Tama nga ba Ako? Kayo Yan din ba ang pagkakaalam at nakagisnan ninyo?
Bawat barangay at bawat lugar ay may kanya kanyang pistang ginaganap o pagdiriwang. Iba-iba man ang nakagawiang paghahanda pero ang lahat ng ito ay pagdiriwang para sa pasasalamat at para sa kaarawan ng ating mahal na patron.
Masaya ang mga nagaganap sa isang Pista dahil maraming pagkain at mga dekorasyon (kurbating) at nagkakaroon din ng mga parada at prusisyon.
Ang aming Mahal na Patron
Sa aming barangay ang aming Patron or Santo ay si San Geronimo, ipinagdiriwang namin Ang Pista ni San Geronimo tuwing ika-30 ng Setyembre. Ito ay dinadayo ng mga kalapit barangay at taga ibang bayan dahil sa kanilang debosyon or paniniwala sa milagrong nagagawa nito.
Mga Deboto ni San Geronimo
Halos karamihan ng tao ay inaabangan ang araw ng pista na ito upang ipagdasal at ipagpasalamat ang mga kagalingan ng kanilang pamilya na may karamdaman na ayon sa karamihan kapag ikaw ay humiling ng kagalingan o pagpapala sa patron ni San Geronimo ikaw ay pagagalingin nito. Kaya dinadayo ito ng karamihan upang humiling Ng kagalingan para sa kanila pamilya o kaanak na maysakit.
At syempre isa ang pamilya ko sa mga naging Deboto ni San Geronimo at isa sa mga nangako na sa tuwing sasapit ang araw na ito ay magsisimba kami bilang pasasalamat dahil ipinalangin ko sa kanya noon na gumaling ang aking anak. At bilang pasasalamat nagsilbi din ako sa simbahan bilang isang choir.
Paghahanda sa Pista
Nakikita na ang pagtatayo ng mga tindahan ng mga sari-saring paninda sa gilid ng kalsada. At mga tindang kandila rosaryo at iba pa sa harap ng simbahan.
Ang lahat ay nagiging abala din para sa isang linggong Misa na ginaganap sa San Geronimo Parish Church sa Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija. May prusisyon or parada ng mga Santo galing sa iba't-ibang barangay. May mga street dance din na nagaganap.
Marami din ang pinipili ang araw na ito upang pabinyagan ang kanilang mga anak upang maging ganap na kristiyano.
Ang bawat bahay naman ay abala sa paghahanda ng mga masasarap na pagkain at mga kakanin upang ihanda sa kanilang mga bisita.
At pagsapit ng gabi ang lahat naman ay nagsisipunta sa plaza upang magenjoy sa mga palaro at panonood ng mga palabas (sarswela) at syempre hindi mawawala ang pagpeperform ng mga inimbitahang artista pati na rin ang mga magic tricks ng mga mahikero na karaniwang kinagigiliwan ng mga kabataan.
Mga Paniniwala
Ang iba ay nagpapahid ng panyo sa imahe ni San Geronimo at kanila itong ipapahid sa kanilang katawan or sa katawan ng kanilang mga mahal sa buhay sa paniniwalang ito ay makakagaling ng kanilang sakit na nararamdaman. Iba't-ibang paniniwala ngunit karamihan ay pag-asa para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.
Paalala
Lahat tayo ay may paniniwala at kanya kanyang sinasamba. Mayroong naniniwala sa himala mayroong ding hindi. Ngunit kahit ano pa man ang ating paniniwala iisa lang ang may lalang sa ating lahat. At anuman ang mga paniniwalang yan respetuhin na lang natin ang nakagisnang paniniwala ng bawat isa.
Lead image from: http://www.stockpholio.net
Written and posted this 2nd day of October 2021.
11:49 pm
Hindi kami nagdiriwang ng pista ng santo sis kasi hindi ako katoliko pero nirerespeto naman namin sila :)