TTAB: Chapter 1
If you haven't read the synopsis yet, here's the link: https://read.cash/@Sainty/tied-to-a-billionaire-novel-4fbf1af9
I advise you to read it first before chapter 1.
Please be reminded that this chapter is unedited, so expect some grammatical errors and wrong spelling and please don't judge me kasi ngayon nalang ulit ako nag sulat ng novel kaya medyo naninibago nanaman ako. Thank you!
Napahugot ng malalim na hininga si Ketiana ng makita nya ang natitirang balance sakanyang bank account. Nasa 20,000 nalang iyon at sakto lang para pambayad ng hospital fee ngayong buwan. Halos mag-iisang taon naring nasa hospital ang kanyang ina dahil sa aksidente na ikinamatay naman ng kanyang ama. Sinisisi niya parin ang kanyang sarili sa mga nangyari, kung hindi lang sana siya naglayas nung araw na iyon ay buhay pa sana ang kanyang ama at wala sana sa hospital ang kanyang ina. Halos mag-iisang taon ng tulog ang kanyag ina, nacoma ito dahil sa aksidente. Hindi naman sila mahirap dati, sa totoo niyan ay may kaya sila dahil isang manager sa kilalang hotel ang kanyang ama. Ng mamatay ang kanyang ama, kinabukasan ay may mga lalaking pumunta sa Bahay nila at naniningil. Ani ng mga lalake ay may utang daw ang kanyang ama sakanila at kaylangan niya ng bayaran iyon, mga panahon na iyon ay taking-taka ang dalaga. Pano magkakautang ang kanyang ama eh may maganda naman itong trabaho. Ng ipinaliwanag ng mga lalake ang dahilan ay doon naliwanagan si ketiana, nagsusugal pala ito ng hindi sinasabi sakanila kaya walang nagawa si ketiana noon kundi ibenta ang kanilang Bahay at mamahaling gamit, yung mga panahon na iyon ay wala siyang trabaho at iyon lang ang naisip niyang paraan para mabayaran agad ang utang ng kanyang ama. Tutal bayad na ito, pwede na siyang magfocus sa pagpapagaling ng kanyang ina. Tinulungan sya ng kanyang kaibigan na si Janice sa paghahanap ng trabaho at ngayon ay nagtratrabaho silang dalawa sa isang maliit na restaurant. Sa gabi naman ay nagtratrabaho sya sa isang resto bar bilang waitress din. Iyon ang dahilan kung bakit niya nababayaran ang monthy hospital fee ng kanyang ina.
Tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Tumingin sya sa orasan na nakasabit sa pader bago kinuha ang kanyang work bag na kung nasaan nakalagay ang kanyang uniporme. 6:30 pm na at isa lang ang ibig sabihin noon, Kailangan niya ng pumasok sa pangalawa niyang trabaho. Agad niyang inayos ang kanyang sarili sa salamin at lumabas na ng kanyang kwarto. Nakikitira siya ngayon kay Janice, isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan kaya Malaki ang utang na loob niya sa dalaga. Pag labas niya ng Bahay ay agad naman siyang pumara ng tricycle. ng may huminto ay agad siya sumakay tsaka sinabi kung saan siya bababa.
"Paraiso po manong"
_________________
15 minutes lang ang layo ng Bahay ni Janice sa pinagtratrabahuan niya kaya hindi mahal ang bayad. Tumaba siya sa tricycle at agad naman nagbayad. Nginitian siya ni manong driver kaya naman ngumiti siya dito pabalik. Sa backdoor siya dumaan dahil pinagbabawalan silang dumaan sa entrance ng kanilang manager at hindi niya alam kung bakit eh hindi pa naman nagbubukas ang restobar. Pag pasok niya ay siya namang pag tawag ni Nika sakanya. Si Nika ang isa sa mga pinaka-close niya dito sa Paraiso, matinis ang boses ng dalaga kaya nakakarindi ito tuwing sumisigaw. Nginitian niya ito bago lumapit.
"Mukang excited ka yata nik?"tanong niya sa dalaga. Nababakas kasi ang excitement sa muka nito kaya agad naman siyang nagtaka.
"May date kasi kami bukas ni Jonas"tugon ng kanyang kaibigan. Malapad ang ngiti nito kaya hindi narin mapigilang mapangiti ni ketiana. Masaya siya para sa kaibigan. halos mag-iisang taon na siyang nagtratrabaho dito at halos mag iisang taon narin silang magkaibigan. Masaya siya dahil mukang swerte ngayon ito sa pag-ibig palagi kasi itong bigo, kung hindi ghosting eh cheating naman ang dahilan.
"Sure na iyan ha"aniya. Nag flip hair ang kanyang kaibigan bago tumugon "Syempre naman no"napailing-iling ang dalaga habang nakangisi. Naglakad na siya papuntang locker para mag bihis, 6:30pm palang naman at 7pm pa nagbubukas itong restobar. Nakasunod lang sakanya ang kaibigan habang may tinitipa sa cellphone. Pag dating niya sa locker room ay agad na siyang nag bihis ng kanilang uniform. Laking pasasalamat niya kasi komportable iyong uniform nila, hindi katulad ng mga ibang restobar na kapag babae ay skirt agad ang pang-ibaba, sakanila kasi ay fitted slacks, long white polo na pinatungan naman ng vest na walang sleeves tsaka white shoes naman para sa paa. Diba ang komprotable. Nakakagalaw siya ng maayos ng hindi conscious sa kanyang suot. Itatali niya sana ang kanyang buhok pero hindi niya pa natatali ng maayos ng biglang naputol iyon at tumalsik sa kung saan. Napabuga siya ng hangin sa irita bago bumaling sa kaibigan na busy parin kakachat.
"May ipit kapa ba?" tanong niya. Umangat ang tingin nika bago umiling "last ko na to, naputol rin kanina yung akin eh"tugon nito. walang nagawa ang dalaga kundi hayaan nalang na naka lugay ang kanyang mahabang buhok. Mamaya nalang siya manghihingi sa iba paglabas niya ng locker. Nag ayos din siya ng muka bago niyayang lumabasa na ang kaibigan. Pagkalabas nila ay agad naman silang sinalubong ng isa pa nalang katrabaho, si Via.
Ngumiti ito sakanila "Pinapatawag kayo ni manager sa office niya"saad niyo na agad namang ikinakunot ng noo ng dalaga, kahit si nika ay napatigil sa pagcecellphone ng marinig niya iyon.
"Baket daw?" kinakabahang tanong ng kaibigan. Napakasungit kasi ng manager nila hindi pa naman ito matanda mga ilang taon lang ang tanda sakanila pero kung mag sungit eh parang menopause na. Napakasungit at napakataray.
Kabit balikat ito "Hindi ko alam eh"
kahit kinakabahan ay ngumiti nalang si ketiana "Sige via, pupunta nalang kami. Salamat"aniya. Nginitian din siya ni via bilang tugon bago umalis.
"Kinakabahan ako bhe"napatingin siya kay nika ng magsalita ito.
"Bakit ka naman kakabahan?kabahan kalang kung may ginawa kang mali diba"aniya, tinatanggal niya ang kaba ng kaibigan pero siya ay kinakabahan din naman. Tumango-tango si nika bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
"tara na"aya niya dito. Aalis na sana sila papuntang office ng maalala niyang hindi pa pala nakatali ang kanyang buhok.
"Nika wait lang, hanap lang ako ng hair tie"aniya, tumango lang ang dalaga kaya naman pinuntahan niya kaagad si via nasa ngayon ay nagpupunas ng mga lamesa.
"Via" pag tawag niya rito. Humarap sakanya ang dalaga tsaka siya Nginitian.
"Baket ti?"
"may extra hair tie ka paba?"tanong niya, tumango ang dalaga bago bumunot ng hair tie sa bulsa. Inabot ito sakanya kaya naman agad siyang nag pasalamat at bumalik na kay nika na sa ngayon ay nakatayo parin sa pwesto niya habang nag cecellphone.
"tara na"saad niya sa kaibigan kaya naman naglakad na sila papuntang office. Habang nag lalakad ay nagtatali siya ng kanyang buhok. Napatanga sakanya si nika habang ginagawa niya iyon.
"Ano nga ulit height mo bhe?" tanong nito sakanya.
"bakit mo naman natanong?"
"Ang tangkad mo kasi, tagal na nating magkaibigan pero hindi parin ako sanay"
kumunot ang noo ng dalaga "Anong hindi ka parin sanay?"
"Lahat kasi ng mga nagiging kaibigan ko eh kasing tangkad ko lang"tugon nito. Mahinang natawa si ketiana.
"So ano nga?" pangungulit nito.
"5'10"sagot niya, inayos niya pa onti ang kanyang buhok.
"Kamusta weather diyan?"natatawang tanong ng kaibigan. Natawa nalang siya at napa iling-iling. Ng makarating sila sa harap ng office ng kanilang manager ay huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pintuan.
"I'm glad both of you are finally here"pag bungad ng kanilang manager. Naka upo ito habang may tinitipa sa laptop.
"Good evening po ma'am"sabay nilang bati, tipid na Nginitian lang sila ng kanilang manager bago ito tumayo at lumapit sakanila.
"I heard some things about the both you"aniya. Lihim na napalunok si ketiana, habang ang kaibigan naman nito ay halatang nanigas sa kinatatayuan nito. Inisip niya kung ano ang nagawa niyang mali sa trabaho ngunit wala naman siyang maisip. So far ginagawa niya ang best niya sa pagtratrabaho.
"Balita ko ginagawa nyong Mabuti trabaho nyo"dugton nito bago ngumiti. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si ketiana ng marinig niya iyon. Akala niya mawawalan na siya ng tarabho. Si nika naman ay napabuga ng hangin habang naka hawak sa dibdib.
"Kinabahan naman ako doon ma'am"sabi ng kanyang kaibigan. Narinig niya naman ang mahinang tawa ng kanilang manager.
"Why? bakit ka naman kakabahan if wala ka namang ginagawang mali"tugon nito. "unless" dugtong niya habang nakangisi at nakataas ang kilay.
"Wala ma'am syempre hehe"
napailing siya sa inaasta ng kanyang kaibigan, minsan talaga umaasta ito na parang bata.
Medyo nagulat ang dalaga ng hawakan silang dalawa sa balikat ng kanilang manager.
"Both of you are doing a greate job, ipagpatuloy niyo yan and if you do ipapalipat ko kayo sa manila branch" malapad siyang napangiti sa sinabi ng kanilang manager. Ang kaibigan niya naman ay mahinang napatili.
"Talaga po ba ma'am?"tanong ni nika na sa ngayon ay sobrang saya.
"Yes"tugon nito tsaka ngumiti.
"Salamat po"pasasalamat ng dalaga. Nginitian at tinanguan lang siya ng kanilang manager.
nagpaalam na silang dalawa dahil malapit ng magbukas ang restobar. Ang kaibigan niya ay daldal ng daldal, halatang masaya ito at excited. Lihim na napailing ang dalaga habang tumatawa.
9AM at kasalukuyang naglalakad si ketiana pauwi, sa 7/11 kasi siya bumaba dahil bibili ito ng makakain for dinner. Malapit lang naman ang 7/11 kasi nasa labasan lang ito. Nakadaan narin siya sa hospital bago umiwi, binisita niya ang kanyang ina sa hanggang ngayon ay hindi parin nagigising. Araw-araw niyang pinagdarasal na sana tuwing bibisita siya ang madadatnan niyang gising ang kanyang ina, pero araw-araw din siyang bigo.
Tahimik lang na naglalakad ang dalaga pasipol sipol pa ito. Laking gulat niya ng may biglang yumakap sa binti niya
"Please help me po!"
______________________________________________________
Chapter 1 is done! to be honest this chapter is kinda boring but it's just a little introduction about our FL(female lead) some things will get exciting in the next chapter!