Pilipino ang Wika ko

51 103
Avatar for Ruffa
Written by
4 years ago

Ako ay tunay na natutuwa dahil sa rekognasyon na ibinibigay ng magiting na tagapag bigay dito sa platform na ito (The Random Rewarder) sa ating wikang Tagalog. Napapansin kong madami na ding nag lalathala ng mga artikulo dito gamit ang wikang Pilipino na nakakatanggap ng lagay mula sa ating tagapagbigay.

Para sa akin na mababa at hindi gaanong malaki ang kaalaman sa wikang ingles at kailangan pang gumamit ng mga aplikasyon na nag sasalin ng wikang Pilipino sa wikang ingles, ito ay tunay na nakapag bibigay sa akin ng kasiyahan ay tunay naman talaga. Alam kong marami dito ang tulad kong hindi naman kagalingan sa wikang ingles kaya kapareho nila ang aking nararamdaman.

Ang wikang ingles ay pangkalahatang lenggwahe. Marami kang makakatalakayan sa paggamit ng wikang ingles kaya mas marami ang mas gusto itong gamitin. Alam ko dahil kahit ako ay wikang ingles din ang ginagamit kapag naglalathala ng mg artikulo, kung ikaw ay isa sa aking tagapag basa ay alam kong alam mo ito. At kung bibisitahin mo naman ang aking inilathalang artikulo ay iyong makikita na lahat ito ay nakasulat sa salitang ingles.

Sa isipan ko ay nararapat lamang na ingles ang wika na gamitin kung gusto kong makipag komunikasyon sa iba, komunikasyaon ang isa sa pinaka mahalagang uri ng pakikipag talakayan. Makapagbibigay ang mambabasa ng kanilang opinyon, kuro-kuro o puna sa iyong gawang artikulo. Kaya kahit na ako'y madalang na nakakatanggap ng lagay sa bagong imbensyon na robot ay hindi ako nagrereklamo, dahil alam kong ang aking gawa o sulat ay hindi gaanong maganda, hindi maayos ang pagkakasulat, hindi naipaliwanag ng maayos dahil medyo salat sa kaalaman sa temang isinulat, pero kung mababasa mo sa grupong aking kinabibilangan sa facebook ay iyong makikitang napupuno din ang salop, nagrereklamo din ako pero doon lang sa grupo na iyon.

Minsan pa'y nakakaramdam din ako ng kawalang gana na magsulat dahil na rin minsan ay hindi ito nakakatanggap ng rekognasyon sa tao man o sa robot. Pero pag ang akin namang gawa ay nakatanggap ng lagay o ng rekognasyon mula sa aking taga suporta katulad na lamang ng mga Binibining marikit na ito, Jane, Eybyoung, Tired_momma, Yen at Esciisc. Kung iyo lamang makikita ang aking notipikasyon na nakapaloob sa "Upvote" ay makikita mong puro pangalan nila ang nakalagay doon. Ang aking saya ay walang pagsidlan, sa emosyon na akong nararamdaman pag ako'y nakakatanggap sa kanila ng rekognasyon. Hindi lamang dahil sa lagay na kanilang bigay kundi dahil alam kong kanilang nagustuhan ang aking gawa, kahit pa nga ba medyo hindi maayos ang aking pagkakagawa at pagkakasulat. Kaya mula sa aking puso, ipinapaabot ko sa inyo ang aking taos pusong pasasalamat para sa walang sawang pag suporta sa aking gawa, hindi sapat ang isang Salamat para maipabatid sa inyo ang aking nararamdaman, ay tunay ga namang. Kaya isang milyong salamat sa inyo, nawa'y makahanap na yong iba diyan ng iibigin, wala akong ibang nais ipakahulugan dito, ang gusto ko lang ay masaya kayo. Kung ang edad mo naman ay nasa kalendaryo pa ay wala kang dapat ikabahala, mahaba haba pa ang oras mo. Pero pag ang edad mo ay tumuntong na sa Bente Nuwebe, ay doon tayo kabahan, hane.

Muli, ako po ang inyong munting lingkod, Ruffa ang aking pangalan, anak ako ng aking Ina at Ama, Pamangkin ako ng aking Tiya at Tiyo at Kapatid ko ang aking Ate at Kuya. Bumabati ng isang Mapagpalang Umaga para sa lahat, at sana po ay ako'y muli ninyong iboto para sa darating na halalan at makasisiguro kayong gamot ay laging bago. Naisingit ko laang ari gawa ng baka ikaw ay may suliraning kinakaharap ngayon at baka sakaling ikaw ay aking mapangiti, sana ay napangiti kita kahit na nga ba Korni ang banat ko. "Kung ikaw ang masaya tumawa ka, Ha! Ha!" Kalimutan muna saglit ang iyong mga iniindang sakit, magsaya ka muna kahit saglit. Mabuhay tayo mga kapatid, mabuhay ang wikang Pilipino.

Hindi pa pala tapos ang aking talumpati, kung inyong mamarapatin nais ko sanang dugtungan pa ito, kaya kung ikaw ay nahahabaan na sana ay ituloy mo pa din ang pagbabasa mo. Kung ano ano na ang pinagsusulat ko pero yong nais kong ipabatid sa lahat ay nakaligtaan ko na, dumaldal ako ng dumaldal kaya pasensya na.

Ang nais ko talagang sabihin sa lahat ay, hindi masamang mag sulat o mag salita gamit ang ibang wika. Lalo na ang wikang Ingles, sa kadahilanan nga na ito ay magagamit natin sa pakikipag huntahan sa taga ibang dimensyon, planeta at bansa. Pero sana naman ay wag mong kakalimutan na Pilipino ka at meron din tayong Tagalog na wika. Na kahit saan ka magpunta, wag mong iwala ang kaalaman mo sa ating sariling salita dahil bukod sa itsura mo, sa tradisyon mo at paniniwala mo, sariling wika mo lamang ang tanging pagkakakilanlan mo. Sariling wika mo lamang ang magpapatunay na isa kang Pilipino, at ang ang wikang Pilipino ang kinamulatan mo.

Sari sari na ang mga salitang nag susulpotan sa ngayon, nag umpisa sa jejemon, sa mga lenggwahe na hindi mo mabatid kung ito baga ay salitang elyen o ano. Bigla na lamang naglitawan at nauso na ding gamitin ng mga tao. Ay alam mo pa baga ang ibig sabihin ng "Naapuhap" o kaya ng "Agam-agam," ay ang "Dinaluhong" kaya? Ay malamang ay alam nyo yan, Pilipino ka, kaya dapat alam mo.

Umaamin naman ako na iilan nalang din ang alam kong mga salita na malalalim, pero hindi ko nalilimutan na may salitang ganito, yong kung hindi mo sisisidin ay di mo malalaman ang kahulugan. Gugugol ka ng oras para maalaman ulit ang mga salitang malalalim na ito. Bilang pagsuporta na rin sa sariling wika mo, subukan mong gumawa ng pagsasaliksik hinggil sa sariling wika mo, hindi ako nagpapasaring sa kahit na sino pa man. Wala naman akong pinaglalaban, gusto ko lang bagang humaba ang usapan. At diyan na talaga nagtatapos ang aking artikulo, siyasatin mong maigi ang mga salitang ginamit ko na hindi pamilyar sa iyo, tapos egoogle mo.

Ipagyabang ang sariling wika, mahalin at igalang wag sanang ikakahiya. Pilipino tayo hindi lamang sa gawa, maging sa ating pananalita dapat alam mo yan darling.


Ang mga nakapaloob dito ay purong Gawa ng may Akda, isinulat galing sa puso at pinaka sulok sulokang bahagi ng isip nya, pinakasulok sulokan dahil ang nasa unahang bahagi ay puro pangalang hindi mahinuha, basta puro "Lee" ang simula.

English Version from Google Translate

16
$ 0.87
$ 0.55 from @TheRandomRewarder
$ 0.08 from @Valryan14
$ 0.05 from @esciisc
+ 5
Sponsors of Ruffa
empty
empty
Avatar for Ruffa
Written by
4 years ago

Comments

Wahaha kaaliw lng.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha woii naligaw ka dito sa 10 months ago pa na artiko hahaha. Salamasuuuuu

$ 0.00
3 years ago

Yes, lam mo naman ganyan tlga pag bagong user dito sa read cash. More articles to read. Hahaha.

$ 0.00
3 years ago

Ehhhh, diga months kana dito?

$ 0.00
3 years ago

Mid-July lang ako nagstart mag-write. Hehe.

$ 0.00
3 years ago

Hindi ko lubos akalain na ikaw pala ay makata. Isang Pilipinong malalalim ang salita.

Nais kung ipaabot sayo ang aking kagalakan, sapagkat ang artikolong iyong isinulat ay talagang nakakatuwang basahin. 😂

$ 0.00
4 years ago

Hahahahaha, ako'y nagagalak na marinig iyan. Dapat lamang naman nating ipagmalaki ang ating sariling wika. Dahil ito ay maganda, pero mahahaba din haha.

$ 0.00
4 years ago

Ano daw? 😂😂

$ 0.00
4 years ago

Ahahaha, ay basta na yown hahaha.

$ 0.00
4 years ago

🙄🙄🙄🙄🙄 wait what🙄🙄🙄

$ 0.00
4 years ago

Hahaha, Try to google translate it. Tho the translator is not 100 % accurate 😅

$ 0.00
4 years ago

Nalulunod ako sa lalim nang iyong talumpati :D mabuti at mabuhay!

$ 0.00
4 years ago

Daebak 😮😮haha. galing galing ne. makata ka pa alng tunay sis :)

$ 0.00
4 years ago

Pilipino ako.. pilipino ang lahi ko.. Ang lalim ng mga words..

$ 0.00
4 years ago

Malalim ba talaga, hindi naman kaya haha

$ 0.00
4 years ago

Ang lalim! hahaha mas nag nonosebleed ako dito kaysa sa english

Pero marami din talagang mga foreigner ang gustong matutunan ang wikang Filipino, patunay kung gaano kaganda ang ating wika 💛

$ 0.00
4 years ago

Bat nga ganon ano, mejo madali dali pa sa english, pero ako naman ay may alam pa kahit papaano, iilang words na nga lang. . Sa english talaga mas hirap, kayo naman ang magagaling mag english, dami nyong alam na words ako kasi need pa talagang mag search sa googol. Salamat sa upvote 😂🤩🤩

$ 0.00
4 years ago

Ewan, kahit nga sa speaking skills mas madali para sa akin mag converse in english. Pag tagalog super awkward tapos mali mali pa yung pag pronounce at tono ko minsan 😂 kaya nahihiya ako makipag usap ng tagalog sa personal 😅 Walang anuman 👍

$ 0.00
4 years ago

Seryoso? Spokening dollars ka pala, mas mahirap ma ata magsalita pag english na gamit, prefer ko pa din ang tagalog pero hindi naman ying malalalim na word ang gagamitin, yong normal lang bam hahaha. Hirap mag english suskodayy

$ 0.00
4 years ago

haha di naman sa spokening dollars, sakto lang. Mixed tagalog and english. Tapos idagdag mo pa yung madalas tayong mag english dito. Minsan nga pag may nagchachat sa akin feeling ko nasa readcash pa rin at panay ang english ko 😜

$ 0.00
4 years ago

Taas noo kahit kanino. Ang Pilipino ay ako ❤️

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Napakanta ako madam hihi

$ 0.00
4 years ago

Proud to be Pinoy hihi

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Ano gang pagkakalalim naring iyong sinulat? Ay dudugo naman ang aling ilong e. Kainaman ka naman Ruffa! 🤣🤣🤣

$ 0.00
4 years ago

Paumanhin Binibini, hindi ko intensyon na pahirapan ka. At isang milyong salamat sa iyong bigay 😂🤩

$ 0.00
4 years ago

Ay inakupo ka Ruffa! 🤣🤣🤣

$ 0.00
4 years ago

Minsan mas nosebleed pa ako sa Filipino kesa sa englisss.. 🤣🤣 d ko nga alam ang ibang pinoy term eh 🤣🤣

$ 0.00
4 years ago

Totoo yan, mas komplikado pa mga wika natin kesa sa ingles ay kainaman na talaga. Salamat oala sa upvote 😭😫😂🤩

$ 0.00
4 years ago

True..mas complicated.. Lalo na yung malalalim na tagalog. Mapapa "ano daw?" K nlng tlga 🤣🤣

$ 0.00
4 years ago

Haha minsan nga namamali na ako sa spwlling ng tagalog words, limot ko na kasi di naman nagagamit lagi. Sa english kasi maiikli ang words tapos pag sinalin sa tagalog humahaba na kaya mahirap talaga

$ 0.00
4 years ago

Haha.. Sinabi mo pa...kaht spelling ng tagalog mahirap dn kabisaduhin compare sa english

$ 0.00
4 years ago

Mabuhay. Nice article. Keep it up! Hahaha. Pwede na gawing pang laban sa buwan ng wika.

$ 0.00
4 years ago

Ay ako nama'y natutuwa sa mga komento nyo, salamat salamat. Pero kumpara doon sa mga makata ay mababaw pa ang mga salitang ginamit ko dito, kaya kailangan pang mas paghusayan. Mabuhay ang wikang Pilipino!

$ 0.00
4 years ago

Hahahah nakaka good vibes naman to akala ko may halalan na. 😅 Pero totoo pati ako di ganun ka galing sa Ingles, buti nga at natuto din ako dito sa platapormang ito. Sa pagbasa at pag kumento unti unti ko ring natutunan paano bumuo ng wastong grammar. At buti nalang may mga kapwa Pilipino din dito, di ako manonosebleed palagi kakabasa ng Ingles. 😁

$ 0.00
4 years ago

Ahahaha, good vibes lang kasi dapat sa umaga. Medyo nahasa din naman ang aking kaalamang Ingles dito, yon nga lang hindi pa din ganoon kapolido hindi katulad ng sa iyo. Pero mas nakaka dugo pa mandin minsan ang lenggwahe natin kesa ingles, lalo na nga yong malalalim talaga. Minsan mandin pag nagagawa ako ng article ay hirap akong isalin sa ingles ang wika natin, hirap hanapan ng tamang salita pero salamat sa diksyunaryo na nagkalat sa google nasusulosyunan pa hehehe.

Salamat nga pala sa upvote 🤩

$ 0.00
4 years ago

Hahaha oo ganyan din ako eh minsan Google talaga ang sulosyon Pero nakakbaliw din pala mnsan ang pagsasalin. 😂 Nakakutuyo ng utak pero kahit papano maganda naman ang epekto, ehersisyo din sa utak kong matagal nang inaalikabukan. 😅

$ 0.00
4 years ago

Totoo yan, pero salamat din nga doon at nahahasa ang utak natin, yong sakin kasi ang tagal ko ng di nagagamit. Puro pagkain lang ang laman ng utak ko at saka mga Oppa 😂

$ 0.00
4 years ago

Hahaha atleast nabubusog ka naman ng pagkain. 😅 At yung oppa mo inspirasyon din yan, ganyan din ako dati eh kaso naghiwalay na kami ng oppa kong si Lee Jong Suk. Ayoko na sa knya dami niya babae. 🤣

$ 0.00
4 years ago

Yes na yes, busog lusog naman, hindi lang tiyan ko pati mata ko hihi 🤭

$ 0.00
4 years ago

Mas nosebleed talaga ako malalim na tagalog kesa English 😆 para akong nalulunod sa sobrang lalim.

$ 0.00
4 years ago

Ahahaha, ay totoo naman. Minsan nga mas mahirap pa etranslate ang tagalog kesa english. Minsan hindi ma searxh sa google ahahaha.

$ 0.00
4 years ago