BAKLA man kami sa iyong paghuhusga pero hindi lamang iyang ang dapat mong makita. Imulat mo ang iyong mga mata na sila rin ay mga mga kakayahan at mas kapakipakinabang pa nga kaysa sa iyo kung minsan.
BAKLA man kami sa iyong paningin pero sa huli, sa mata ng Diyos tayo ay pantay pantay parin.“Who are we to judge” sabi ni Pope Francis. So who are you to judge and put the law on the tip of your fingers and tongue? Evaluate yourself first before you condemn others. Try to find the fault in yourself first before you pin point others.
Dalangin ko na sana, dumating ang pagkakataon na wala ng taong huhusgahan kami ay BAKLA o Kakaiba. Dalanign ko rin n asana bawat BAKLA o BISEXUALS ay magkaroon ng matatag na paninindigan lalo na sa hayok na lipunang na ating ginagalanan.
Dalangin ko na sana wala ng mga BAKLA o BISEXUALS ang maglalaitan sa isat-isa, bagkos , sana ay magkaisa na labanan ang ano mang diskriminasyon na kanilang tinatamasa.
Uulitin ko po, HINDI kasalanan ang pagiging BAKLA o BISEXUAL,nagiging makasalanan lamang siya kapag tinalikuran niya ang MORAL na aspekto ng buhay niya.
Para sa akin hindi naman kasalanan ang pagiging Bakla. Pero kapag gumagawa ka sa mga gawaing labag sa utos ng Panginoon malamang hindi yan dapat mong gawin..kaya mo yan.