"Kaibigan"

4 55
Avatar for Riziel19
4 years ago

Ito yong tao na hindi basta basta lang

Hindi lang katropa o kabarkada, kundi kaibigan

Kaibigan na maasahaan mo at mapupuntahan

Yong tipo ng kaibigan na sa hirap at ginhawa ay masasandalan

Kaibigan ko, salamat sa pagiging totoo,

dahil sayo naramdaman kong may karamay ako

ilan lang ang katulad mo dito sa mundo,

kaya nagpapasalamat ako na nagkakilala tayo

Sa mundong mapanghusga ikaw yung klase ng kaibigan

na hindi lang nandiyan kung may kailangan

Kundi mananatili lagi kahit lahat sila ako ay pag-iwanan

Tanda mo pa ba yung una nating pagtatagpo?

Yung panahong akala ko ang sungit mo pero kabaliktaran pala ito ng inaasahan ko

Nagtuloy tuloy ito hanggang sa magkasundo na agad tayo

Hindi ko rin alam kung paano, siguro sadyang komportable lang tayo

O aking kaibigan, Ikaw ang siyang nagbigay liwanag sa madilim kung kahapon

Kinulayan mo ang aking buhay na puno ng lungkot at napakatamlay

Ikaw yong tipo ng kaibigan na hindi basta basta

Dahil mayroon kang natatanging ugali na di ko kailanman nakita sa iba

Naalala mo pa ba noong una tayong nagkita, panahong wala pa tayong pakialam sa isat’isa

Nakakatawang balikan yong mga naagdaang araw na kahit ngiti ay mahirap nating pakawalan

Yong tipong magkakasalubong tayo na wala man lang pansinan

Kaya nagpapasalamat na sa hindi inaasahan, tayo’y naging malapit at magkaibigan

Noong una kitang makita, humanga ako sa iyong angking kagandahan

Tila ba ikaw ay isang anghel na hinulog ng langit para sa sandatahan

Sinasabi ko noon sa sarili ko na malabong ako’y iyong maging kaibigan

May bumabalot na hiwaga sayo na di ko malaman laman

Salamat

Salita na hindi kayang tumbasin ang iyong halaga

Ngunit karapatdapat sabihin sa tulad mo na nakakamangha

Alam mo bang napakaswerte ko sayo, dahil sa lahat ikaw ang siyang sa akin ang nagpabago

Ikaw na nagpadama sa akin na hindi ako nag-iisa sa mundong ito

Na mayroon akong karamay sa tuwing lubog at nahihirapan ako

Salamat

Sa pagtuwid sa akin pag akoy nasa maling landas

Sa pag-intindi sa akin tuwing akoy may problema at nawawalan ng pag-asa

Sa pakikinig sa aking mga kwento na walang saysay at parang pambata

Sa pagturing sa akin na parang kapatid kahit akoy parang taong gala

Sa laging walang humpay na pagsuporta

Habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagkakaroon ng kaibigang katulad mo

Salamat na kahit maraming akong kadramahan, lagi kang nandyan upang akoy damayan

Dagdag mo pa ang mga payo mong dulot ay kabutihan at pakikinig mo sa akin na nakagagaan ng aking kalooban

Pinatunayan mo sa akin na hindi lahat ng tao ay pare-pareho

Na sa mundong ito na puno ng pagsubok pwede kang magtiwala ng buo

Dumating man ang araw na tayo’y magkakalayo

Makakaasa kang ang lahat ng ating pinagsamahan ay tatatak sa aking puso’ isipan

Mga ala-alang ating pinagsaluhan ay hindi ko kailanman kakalimutan

Dahil isa kang kaibigan na dapat ituring na kapatid kailanpaman

6
$ 0.22
$ 0.19 from @Dolores
$ 0.02 from @Jdine
Avatar for Riziel19
4 years ago

Comments

$ 0.00
3 years ago

Salamat sa pagbabahagi ng tulang ito.

$ 0.00
4 years ago

salamat sa mga kaibigan ko.

$ 0.00
4 years ago

Magaling... 👏👏👏 Ipagpatuloy mo pa.. Isa ka palang magaling na makata😁

$ 0.00
4 years ago